Hindi makapag-sign in gamit ang username sa YouTube

Kung nagkakaproblema ka sa pag-sign in gamit ang iyong username sa YouTube, subukang mag-sign in sa account mo sa pamamagitan ng paglalagay ng iyong buong email address. Pagkatapos, ilagay ang password na ginagamit mo sa pag-sign in sa YouTube.

Doon ka pa rin nagsa-sign in sa account na ginagamit mo—kailangan mo lang ilagay ang email address sa account sa halip na ang iyong username sa YouTube.

Bakit ko kailangang mag-sign in sa isang Google Account sa YouTube?

Ina-access mo ang YouTube gamit ang iyong Google Account. Ang password na ginamit mo sa pag-sign in ay ang iyong password sa Google Account.

Habang pinagsasama-sama namin ang mga serbisyo sa buong Google, hindi na namin sinusuportahan ang pag-sign in sa mga Google Account gamit ang mga username sa YouTube. Sa halip, kailangan mong mag-sign in sa YouTube gamit ang iyong email address sa Google Account (karaniwan ay Gmail ito, ngunit maaari ding ibang domain gaya ng Yahoo, Hotmail, atbp.). Matuto pa tungkol sa paggamit sa iyong Google Account para sa YouTube.

Ngunit hindi ko gusto ang aking email address sa Google Account!

  • Kung gumagamit ka ng Gmail address, maaari kang magdagdag ng kahaliling email address na gagamitin mo sa pag-sign in.
  • Kung hindi Gmail address ang email address na ginagamit mo, maaari mong baguhin ang iyong email address. O kaya, maaari mo itong palitan sa pamamagitan ng pagdaragdag ng Gmail sa iyong account.
Ang ilang channel sa YouTube (ang mga channel na ginawa bago sumapit ang Mayo 2009) ay hindi bahagi ng isang Google Account. Alamin kung paano mag-access ng channel sa YouTube na hindi bahagi ng isang Google Account.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
59
false