Ang setting ng pag-share ng insights ng channel ay nagbibigay sa mga kwalipikadong creator na nasa YouTube Partner Program (YPP) ng mas madaling paraan para makapag-share ng mga pinagsama-samang insight ng channel sa YouTube Studio para matulungan ang mga third-party na advertiser, brand, at platform na tukuyin kung naaangkop ba ang channel ng isang creator para sa kanilang audience. Puwede itong magresulta sa mas maraming pagkakataong kumita mula sa mga ad, brand deal, at affiliate na program para sa shopping.
Kasama sa mga pinagsama-samang insight na ito ang mga istatisika ng channel, breakdown ng audience, at mga insight sa performance ng program ng YouTube Shopping para sa affiliate (kung nasa program ng YouTube Shopping para sa affiliate ka). Naka-off ang setting na ito bilang default, at may ganap na kontrol ang mga creator na i-on o i-off ito anumang oras. Para magsimula, kakailanganing kumpirmahin ng mga creator ang pasya nilang i-on ang setting ng pag-share ng insights ng channel sa YouTube Studio.
- Higit pang pagkakataong kumita: Ang pag-share ng mga insight ng channel ay tumutulong sa mga third-party na advertiser, brand, at platform na tumuklas ng mga creator na posibleng magresulta sa mas maraming pagkakataong kumita gaya ng mga ad na may mas malaking kita, brand deal, at alok ng affiliate para sa shopping.
- Mga komprehensibong insight: Nagbibigay ng mga holistic na sukatan ng channel sa iba't ibang platform na ginagamit ng mga third-party na advertiser, brand, at platform para mamahala ng mga campaign at makipag-ugnayan sa mga creator.
- Madaling naka-streamline na pag-share: Para masimulang i-share ang mga insight ng iyong channel, mag-navigate lang sa “Mga advanced na setting” ng channel mo sa YouTube Studio at mag-opt in.
Pagiging Kwalipikado
Available ang setting ng pag-share ng insights ng channel sa mga creator na nasa YPP sa buong mundo sa YouTube Studio sa desktop, maliban sa Mga Opisyal na Channel ng Artist (“Mga OAC”).
I-on ang pag-share ng insights ng channel
Puwede mong i-share ang mga insight ng iyong channel sa pamamagitan ng pag-on sa setting sa YouTube Studio. Kung sa anumang punto ay gusto mong itigil ang pag-share ng iyong mga insight sa channel, puwede mong i-off ang setting. Kung io-off mo ang setting, puwede ka pa ring matuklasan dahil sa iyong pampublikong data (hal., pangalan ng channel, bilang ng subscriber, panonood) na nakikita ng mga third-party na advertiser, brand, at platform.
- Mag-sign in sa YouTube Studio sa Desktop.
- Sa kaliwang bahagi sa ibaba, i-click ang Mga Setting
.
- Sa kaliwa, i-click ang Channel
Mga advanced na setting.
- Sa ilalim ng “Pag-share ng insights ng channel,” lagyan ng check ang kahon para sa Payagan ang mga advertiser, brand, at third-party na platform na tingnan ang mga insight ng channel para sa mga pagkakataong kumita.
- Tandaan: Para i-off, i-uncheck ang kahon.
- I-click ang I-save.
Kanino nagse-share ng mga insight ang YouTube
Pinapahintulutan ng YouTube ang mga third-party na advertiser, brand, at platform na makita ang mga pinagsama-samang insight ng channel. Sine-share ang mga insight ng channel sa mga tool na naaprubahan ng Google, kasama ang, pero hindi limitado sa, YouTube Creator Partnerships, Insights Finder ng Google Ads, at Google Merchant Center.
Ang mga sine-share na insight
Ang setting ng pag-share ng insights ng channel ay nagse-share ng mga istatisika ng channel, demograpiko ng audience, at performance sa shopping sa mga third-party na advertiser, brand, at platform. Makikita rin ng mga creator ang mga nasabing insight gaya ng nakabalangkas sa ibaba.
Mga istatiska ng channel
| Lokasyon | Mga Sukatan |
| YouTube Analytics |
|
| Homepage ng channel o direktang ibinigay ng creator |
|
Breakdown ng audience
| Lokasyon | Mga Sukatan |
| YouTube Analytics |
|
| Media Kit |
|
Performance sa Shopping
| Lokasyon | Mga Sukatan |
| YouTube Analytics |
|
| Mga indibidwal na naka-tag na video |
|
Mga Madalas Itanong
Bilang creator, saan ko matitingnan ang data na sine-share sa mga third-party na advertiser, brand, at platform?
Iba ba ang pag-share ng insights ng channel sa brand partner access?
Oo, nakatuon ang pag-share ng insights ng channel sa pagtulong sa mga third-party na advertiser, brand, at platform na tumuklas ng at makipagtulungan sa mga creator sa pamamagitan ng pag-share ng mga istatistika ng channel, breakdown ng audience, at performance sa shopping (na bahagi ng program ng YouTube Shopping para sa affiliate).
Idinisenyo naman ang pag-share ng brand partner access na sinimulan ng creator o sinimulan ng brand para magawa ng mga creator na mag-share ng mga sukatan ng performance sa level ng video at payagan ang brand na gamitin ang video sa isang partnership ad. Matuto pa tungkol sa brand partner access.Dapat ba akong mag-opt in sa pag-share ng insights ng channel kahit nagbigay na ako ng pahintulot ko sa pamamagitan ng Brand Connect?
Pamalit ba ang pag-share ng insights ng channel sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Mga Partnership ng Creator at Shopping sa YouTube na dati ko nang nilagdaan?