Nagbibigay-daan sa iyo ang naka-embed na checkout feature sa YouTube app na mamili ng mga produkto mula sa mga paborito mong creator nang hindi umaalis sa app. Puwede kang mag-browse at bumili ng mga item habang patuloy na pinapanood ang kanilang content. Matuto pa tungkol sa pagbili ng mga produkto sa YouTube.
Mahalaga: Retailer lang ang may responsibilidad na pamahalaan ang anumang pagbili at ang lahat ng aktibidad. Walang magiging pananagutan ang YouTube para sa anumang pagbiling gagawin sa pamamagitan ng mga retailer.
Pagiging Kwalipikado
- Sa kasalukuyan, available lang ang feature na ito sa YouTube app sa South Korea at United States.
- Puwede kang mag-browse at bumili bilang guest.
Mag-browse at bumili ng mga naka-tag na produkto sa YouTube
Puwede mong tingnan ang mga produktong naka-tag sa video ng isang creator. Kapag nakita mo ang gusto mo, puwede kang mag-check out nang direkta sa YouTube app gamit ang shopping platform.
- Kapag may nakita ka nang produkto, mag-tap sa produkto.
- Basahin ang paglalarawan ng produkto o mag-browse para sa iba pang produkto.
- Pagkatapos mong mag-browse, puwede mong i-tap ang Idagdag sa cart o Bilhin ngayon.
- Para mag-checkout, ilagay ang iyong impormasyon sa pagbabayad sa pamamagitan ng website ng retailer.
- Ilagay ang iyong impormasyon sa pagbabayad at mag-checkout.
Pamahalaan ang iyong pagbili
Puwede mong tingnan ang iyong history ng order para pamahalaan nang direkta ang pagbili mo sa retailer o shopping platform.
- Buksan ang YouTube app.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang iyong profile
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting
.
- I-tap ang Mga pagbili at membership
Mga shopping order sa YouTube.
- Sa order na gusto mong pamahalaan, i-tap ang Tingnan ang order.
- Kapag naka-log in ka na sa account ng retailer, puwede mong pamahalaan ang iyong order mula mismo sa retailer.
Humingi ng suporta para sa iyong order
Para sa suporta sa iyong order, dapat kang makipag-ugnayan nang direkta sa retailer o shopping platform.
- Buksan ang YouTube app.
- Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang iyong profile
.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Mga Setting
.
- I-tap ang Mga pagbili at membership
Mga shopping order sa YouTube.
- Sa order na gusto mong pamahalaan, i-tap ang Kailangan ng tulong sa order na ito? Alamin kung paano makipag-ugnayan sa <Pangalan ng Retailer>.
- Para makakuha ng higit pang impormasyon tungkol sa iyong order, i-tap ang Tingnan ang Mga FAQ tungkol sa <Pangalan ng Retailer>. Puwede ka ring makipag-ugnayan sa seller sa pamamagitan ng email o telepono.
- Kung kailangan mo pa ng tulong, i-tap ang Magsumite ng tanong para direktang makipag-ugnayan sa shopping platform na Cafe24 o Shopify para sa suporta.
Tip: Bukod pa rito, puwede kang makatanggap ng suporta sa pamamagitan ng:
- Pagbisita sa website ng retailer, mag-navigate sa ‘Kailangan ng tulong sa order na ito? Tingnan ang seksyong paano makipag-ugnayan sa <pangalan ng retailer> sa page ng history ng order.
- Sa email ng kumpirmasyon ng order o notification sa KaKao (South Korea lang), i-click ang link papunta sa page na “Mga detalye ng order.”
Mga madalas itanong
Paano ako makakakuha ng suporta sa aking order?
Humihingi kami ng paumanhin para sa abala. Ang retailer kung saan ka nag-order ay makakatulong sa order mo, kung saan puwede mong tingnan, kanselahin, isauli, o ipapalit ang iyong order.
Direktang makipag-ugnayan sa kanila gamit ang impormasyon mula sa iyong email ng kumpirmasyon ng order, notification ng kumpirmasyon ng order, history ng order, o mula sa impormasyon sa pakikipag-ugnayan sa kanilang website. Alamin kung paano ka makakakuha ng suporta para sa iyong order.
Ano ang gagawin ko kung nakipag-ugnayan ako sa retailer pero hindi sila sumasagot?
Ano ang puwede kong gawin kung hindi ako makapagdagdag ng mga item sa aking cart?
Ikinalulungkot naming nararanasan mo ang isyung ito. Para maresolba ito, pakisubukan ang sumusunod na pag-troubleshoot:
- I-update ang YouTube app sa pinakabagong bersyon.
- I-clear ang Cache at Cookies sa Chrome app.
- I-restart ang iyong koneksyon sa Internet.
- Subukang isara at i-restart ang YouTube app.
- Subukang i-restart ang iyong device.