I-update ang mga setting ng privacy ng iyong video para makontrol kung saan puwedeng lumabas ang video mo at kung sino ang makakapanood nito.
- Mag-sign in sa YouTube Studio.
- Sa kaliwang menu, piliin ang Content.
- Itapat ang cursor sa video na gusto mong i-update. Para makita ang iyong mga live na upload, piliin ang tab na Live.
- I-click ang mga pababang arrow sa ilalim ng "Visibility" at piliin ang Pampubliko, Pribado, o Hindi Nakalista.
- I-save.
Tandaan: Ang default na setting ng privacy ng video para sa mga creator na 13–17 taong gulang ay pribado. Kung ikaw ay 18 taong gulang o mas matanda, nakatakda sa pampubliko ang iyong default na setting ng privacy ng video. Puwedeng baguhin ng lahat ng tao ang setting na ito para gawing pampubliko, pribado, o hindi nakalista ang kanilang video.
What are video privacy settings on YouTube?
Tungkol sa mga setting ng privacy
Mga pampublikong videoIkaw lang at ang mga taong pipiliin mo ang makakakita sa mga pribadong video at playlist. Hindi lalabas ang iyong mga pribadong video sa tab na Mga Video ng homepage ng channel mo. Hindi rin lalabas ang mga ito sa mga resulta ng paghahanap ng YouTube.Posibleng suriin ng mga system at taong tagasuri ng YouTube ang mga pribadong video para sa kaangkupan sa ad, copyright, at iba pang mekanismo sa pagpigil sa pang-aabuso.
Para magbahagi ng pribadong video:
- Mag-sign in sa YouTube Studio.
- Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content.
- I-click ang video na gusto mong i-edit.
- I-click ang kahon ng Visibility at piliin ang Ibahagi nang pribado.
- Ilagay ang mga email kung saan mo gustong ibahagi ang iyong video, pagkatapos ay piliin ang I-SAVE.
Hindi available ang mga komento sa mga pribadong video. Kung gusto mong payagan ang mga komento sa video na hindi pa available sa publiko, gawing hindi nakalista ang setting ng privacy.
Ang mga hindi nakalistang video at playlist ay puwedeng makita at ibahagi ng sinumang may link. Hindi lalabas ang iyong mga hindi nakalistang video sa tab na Mga Video ng homepage ng channel mo. Hindi lalabas ang mga ito sa mga resulta ng paghahanap ng YouTube maliban kung may taong magdaragdag ng iyong hindi nakalistang video sa pampublikong playlist.
Puwede kang magbahagi ng URL ng hindi nakalistang video. Hindi kailangan ng mga pagbabahagian mo ng video ng Google Account para mapanood ang video. Puwede rin itong ibahagi ulit ng sinumang may link.
Feature | Pribado | Hindi nakalista | Pampubliko |
---|---|---|---|
Maibabahagi ang URL | Hindi | Oo | Oo |
Maidaragdag sa isang seksyon ng channel | Hindi | Oo | Oo |
Puwedeng lumabas sa paghahanap, mga kaugnay na video, at rekomendasyon | Hindi | Hindi | Oo |
Naka-post sa iyong channel | Hindi | Hindi | Oo |
Lumalabas sa feed ng Subscriber | Hindi | Hindi | Oo |
Puwedeng lagyan ng komento | Hindi | Oo | Oo |
Puwedeng lumabas sa isang pampublikong playlist | Hindi | Oo | Oo |