Nakakatulong sa iyo ang Tab na Inspirasyon na bumuo at mag-brainstorm ng mga bagong ideya, pamagat, thumbnail, at mag-brainstorm ng mga outline na tumutugma sa istilo mo sa tulong ng mga AI tool. Puwede mong iayon sa konteksto ang mga suhestyong madaling magagawang mga kumpletong proyekto para sa iyong susunod na video.
Tandaan:
- Posibleng hindi tumpak o hindi naaangkop, magkakaiba ng kalidad, o nagbibigay ng impormasyong hindi tumutugma sa mga pananaw ng YouTube ang content na binuo ng AI. Huwag magsama ng personal na impormasyon tungkol sa iyong sarili o sa ibang tao habang ginagamit ang feature na ito, o huwag bumatay sa mga ideya, outline, o iba pang output mula sa feature na ito para sa propesyonal na payo. Pagpasyahan muna bago ka gumawa o gumamit ng anumang naturang content na binuo ng AI na ibinigay ng YouTube.
- Kasalukuyang available lang ang feature na ito sa YouTube Studio sa desktop at sa lahat ng bansa, maliban sa European Union, United Kingdom, at Switzerland.
Inspiration Tab in YouTube Studio
Pinakamahuhusay na kagawian na makakatulong sa iyong magsimula
- Gumamit ng prompt para gumawa ng mga pagbabago sa mga suhestyon: Puwede kang maglagay ng sarili mo o gumawa ng mga pagbabago sa anumang suhesyon gamit ang seksyong “Mag-brainstorm tayo.” Puwede mong i-adjust ang mga suhestyon para sa anumang card sa pamamagitan ng paglalagay ng bagong prompt at pag-refresh sa seksyon.
Mga halimbawa ng mga prompt para makapagsimula ka:
- Para sa mga outline: “Magdagdag ng humor,” “magbanggit ng mga challenge,” o “magsama ng mga fan theory.”
- Para sa mga pamagat: “Gawin itong maikli” “magtanong,” o “magsama ng mga numero.”
- Maunawaan ang interes ng audience: Posibleng makita mo ang level ng interes ng iyong audience sa mga bagong ideya para sa video. Nakabatay ang mga interes na ito ng audience sa mga video na pinanood ng iyong audience nang mahigit 1,000 beses kada linggo at sa nakalipas na 28 araw. Mula ito sa napakababa hanggang sa napakataas.
- Mag-undo at mag-redo: Puwede kang magpabalik-balik sa mga ideya gamit ang Mag-undo
at mag-redo
.
- I-save ang iyong mga ideya: Tiyaking i-save ang mga ideya mo habang gumagawa ka. Madali mong mase-save ang anumang ideya para ituloy ito sa ibang pagkakataon sa pamamagitan ng paggamit ng Mga naka-save na ideya.
- Pagpapadala sa amin ng feedback: Puwede mo kaming padalhan ng feedback sa pamamagitan ng pag-click sa menu na tatlong tuldok
at pagpili sa Nakakatulong
o May problema
para magsabi pa sa amin tungkol sa iyong experience.
Magsimula sa Tab na Inspirasyon
Tandaan: Sa kasalukuyan, mga suhestyon lang sa English ang ibinibigay ng feature na ito.
- Mag-sign in sa YouTube Studio.
- Sa kaliwang menu, piliin ang Content
.
- Mula sa menu sa itaas, i-click ang tab na Inspirasyon.
- Magsimulang mag-brainstorm ng mga paksa para sa iyong susunod na video.
- Tandaan: Puwede mong piliin ang mga iminumungkahing ideya o puwede kang maglagay ng sarili mong ideya gamit ang Gumawa ng mga ideya. Puwede mo ring palawakin ang ideya gamit ang I-update ang ideya.
- Pumili ng ideya para makita ang suhestyon para sa isang outline, pamagat, at thumbnail.
- Tandaan: Para makakuha pa ng mga detalye o gumawa ng anumang adjustment sa isang card, i-click ang Magpakita pa.
Ang mga card ng Inspirasyon
Mga Outline
Madali kang makakagawa ng mga nakakaengganyong outline ng video sa pamamagitan ng pagmumungkahi ng mga ideya at pagpapasimple sa produksyon ng video mula sa simula hanggang sa katapusan. Magagamit mo ang mga outline na ito para isulat ang iyong mga susunod na script ng video.
Mga Pamagat
Makakatulong ang card na ito sa mga creator na bumuo ng mabibisang pamagat ng video sa pamamagitan ng pagmumungkahi ng mga opsyon batay sa mga katulad na video at trend. Mako-customize ang mga suhestyong ito para bumagay sa iyong content.
Mga Thumbnail
Hayaan ang AI na magmungkahi ng mga agaw-pansin at nako-customize na thumbnail na makakatulong para mapansin ang iyong content.
Mga kaugnay na video
Ipinapakita ng card na ito ang mga video na nauugnay sa mga paksang pinanood ng iyong audience sa nakalipas na 28 araw, at mga na-save mong paghahanap.