Nagbibigay-daan sa iyo ang mga live stream na makapanood ng media na bino-broadcast nang real time sa YouTube. Nagbibigay-daan sa iyo ang Mga Premiere na makapanood ng bagong video kasama ng mga creator at kanilang komunidad nang real time. Alamin kung paano sumali sa isang live stream.
Tungkol sa mga live stream
Kapag nasa live stream ka na, magagawa mo ang mga sumusunod:
- Magpadala ng mga mensahe sa chat
- Magpadala ng mga reaksyon
- Bumili ng Mga Super Chat o Super Stickers
- Bumili ng channel membership
- Mag-swipe pataas para makakita pa ng mga live stream
Hindi lalabas sa Shorts ang mga nakaiskedyul na live stream, Premiere, at horizontal na live stream.
Puwede ba akong manood ng mga replay ng live stream?
Kapag tapos na ang live stream, posibleng mag-post ang isang channel ng mga highlight o ng replay ng stream sa channel nito. Lalabas ang mga highlight at replay bilang mga video sa channel nito.
Ano ang Live Chat?
Habang nanonood ng live stream o Premiere, puwede kang makipag-engage sa ibang tao sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga mensahe sa Live Chat.
- Available lang ang feature na Live Chat sa mga page sa panonood sa YouTube, hindi sa mga naka-embed na player.
- Tandaang sundin ang Mga Alituntunin ng Komunidad ng YouTube at mga alituntunin para manatiling ligtas sa mga live stream.
- Habang nasa live stream o Premiere, puwede kang magpadala ng hanggang 11 mensahe sa chat kada 30 segundo. Hanggang 200 character lang ang bawat mensahe.
- Hindi pinapayagan sa Live Chat ang mga special character, URL, o HTML na tag.
- Bibigyan ka ng ilang Live Chat ng opsyong suportahan ang mga creator sa pamamagitan ng pagpapadala sa kanila ng Super Chat o Super Stickers. Kapag nabili na, magbibigay-daan sa iyo ang Super Chat at Super Stickers na mag-post ng matitingkad ang kulay at naka-pin na mensahe sa chat at sticker habang nasa mga live stream at Premiere.
Ano ang mga buod na binuo ng AI?
Puwedeng makakita ang mga bagong manonood na sasali sa live stream ng buod ng chat na binuo ng AI. Hindi lahat ng live stream ay magkakaroon ng binuong buod ng chat. Ginagawa ang mga buod ng chat gamit ang mga pampublikong pag-uusap sa kasalukuyang Live Chat, at hindi ito buod ng content ng live stream.
Tandaan:
- Kung para lang sa mga subscriber ang chat, posibleng wala kang access sa lahat ng feature ng Live Chat.
- Kasalukuyang pang-eksperimento ang buod na binuo ng AI at posible itong magpakita ng hindi tumpak, nakakapanakit, o hindi naaangkop na impormasyong hindi kumakatawan sa mga pananaw ng Google o ng channel. Puwedeng magbigay ng feedback ang mga manonood sa pamamagitan ng thumb up o thumb down at mag-share ng anumang karagdagang feedback.