Puwedeng simulan ng isang magulang o teenager ang proseso para mag-set up ng pamamahala, pero kailangang parehong sumang-ayon ang magulang at teenager na i-link ang kanilang mga account bago ma-on ang pamamahala. Puwedeng i-off ng magulang o teenager ang pamamahala anumang oras.
Mga FAQ
Available lang ba para sa mga teenager ang pamamahala?
Bagama't idinisenyo ang experience na ito para sa mga magulang at teenager (mga 13–17 taong gulang sa karamihan ng mga bansa at rehiyon), puwede ring mag-link ang mga pamilya ng mga hindi pang-teenager na account sa Family Center. Nasa bawat pamilya ang pagpapasya kung at paano nila gustong gamitin ang pamamahala sa YouTube.
Kung gusto mong mag-link ng mga account sa isang taong mas matanda sa isang teenager, puwede mong sundin ang mga parehong hakbang sa pag-set up.
Puwede ka ring mag-set up ng pinapatnubayang experience para sa mga batang wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa kanilang bansa o rehiyon).
Makakatanggap ba ang mga magulang ng mga notification sa email tungkol sa aktibidad ng channel ng kanilang teenager?
Anong aktibidad ng channel ang makikita ng mga magulang kapag pinapatnubayan ang kanilang teenager?
- Ang mga channel na pagmamay-ari ng kanilang teenager at ang mga pangalan ng mga channel kung saan puwedeng mag-upload ng mga video ang kanilang teenager. Matitingnan ng mga magulang ang impormasyon para sa mga channel na ito gaya ng larawan sa profile, channel banner, handle, bio, at bilang ng mga subscriber.
- Bilang ng mga pampubliko, pribado, at hindi nakalistang video na in-upload ng kanilang teenager sa mga channel niya.
- Bilang ng mga live stream na na-host ng iyong teenager sa mga channel niya.
- Bilang ng mga komentong na-post ng iyong teenager sa iba pang video.
- Bilang ng mga channel kung saan naka-subscribe ang kanilang teenager.
Paano naiiba ang pagpatnubay sa teenager sa pagpatnubay sa pre-teen sa YouTube Kids?
Magkakaiba ang paggamit ng bawat pamilya sa media at teknolohiya, kaya nag-aalok kami ng mga opsyon para makapagpasya ka kung ano ang pinakanaaangkop para sa pamilya mo. Idinisenyo ang bawat isa sa mga experience na ito para sa iba't ibang sakop na edad at pangangailangan:
- YouTube Kids: Isang hiwalay na app na may content para sa mga batang wala pang 13 taong gulang.
- Mga pinapatnubayang experience para sa mga pre-teen: Isang experience na puwedeng i-set up ng mga magulang para sa mga batang wala pang 13 taong gulang (o wala pa sa naaangkop na edad sa kanilang bansa o rehiyon) na handa nang gumamit ng YouTube. Mapapamahalaan ng mga magulang ang kanilang mga setting ng content, kontrol, at higit pa.
- Mga pinapatnubayang experience para sa mga teenager: Isang boluntaryong experience para sa mga teenager na lampas 13 taong gulang na (o lampas na sa naaangkop na edad sa kanilang bansa o rehiyon) na nagbibigay sa mga magulang ng insight sa mga aktibidad at interes ng kanilang mga teenager sa YouTube.
Matuto pa tungkol sa iyong mga opsyon.