Para makatulong sa pagbibigay ng impormasyon sa iba, puwede kang mag-sign up para magsumite ng mga tala sa mga video na nakikita mong hindi tumpak o hindi malinaw. Pagkatapos magsumite, susuriin at ire-rate ng iba ang iyong tala. Kung ire-rate ng maraming taong may iba't ibang pananaw na kapaki-pakinabang ang iyong tala, posible itong i-publish at lumabas sa ibaba ng video.
Mag-sign up sa mobile
- Mag-sign in sa YouTube mobile app.
- I-tap ang iyong larawan sa profile
.
- I-tap ang Mga Setting
, at saka ang Pangkalahatan.
- I-tap ang Tumulong na ipaalam sa mga manonood para masimulan ang pag-sign up.
Magsimula sa pagsusulat ng mga tala
- Sa ilalim ng video na pinapanood mo, piliin ang Magdagdag ng tala
.
- Para magsimula, piliin ang Magdagdag ng tala.
- Isulat ang iyong tala sa text box.
- May opsyon kang ilagay ang oras sa video na tinutukoy ng iyong tala sa ilalim ng Timestamp. Puwede mong i-type ang oras sa text box o piliin ang
para mailagay ang kasalukuyang oras sa video.
- Puwede ring maglagay ng link sa source na sumusuporta sa sinasabi ng iyong tala. Kung maglalagay ng maraming link, paghiwalayin ang mga ito gamit ang kuwit.
- Piliin ang Isumite.
Kung mapa-publish ang iyong tala, magiging anonymous ito para hindi maipakita ang pangalan ng channel mo.
Mga tip sa pagsusulat
Ang mga tala ay dapat nakasulat palagi sa mga sarili mong salita, hindi text na kinopya nang direkta mula sa mga source, at nagdaragdag dapat ang mga ito ng kalinawan o kapaki-pakinabang na konteksto sa mga video. Sundin ang mga tip na ito para sa pagsusulat ng mga kapaki-pakinabang na tala:
- Magbanggit ng mga source na sumusuporta sa mga pahayag sa tala.
- Gumamit ng salitang madaling maunawaan.
- Gumamit ng neutral na salita at iwasang magpahayag ng opinyon.
- Magbigay ng mahalagang konteksto na hindi nakalagay sa video, paglalarawan, o pamagat.
- Direktang tukuyin ang pahayag na ginawa sa video o pamagat, at kung puwede, maglagay ng nauugnay na timestamp para sa pahayag na iyon.
- Gumamit ng 600 character o mas kaunti.
Mga halimbawa ng tala
2:41 Sa katunayan, matutukoy ang mga seal at sea lion sa isa't isa. Isa sa mga paraan kung paano mo matutukoy ang kaibahan ay may mga nakausling balat ng tainga ang mga sea lion, habang may mga butas lang ng tainga ang mga seal.
Mga Source: https://www.britannica.com/story/whats-the-difference-between-seals-and-sea-lions4:30 Bagama't sinabi ng presenter na may nakita siyang cassowary na lumilipad sa himpapawid sa kamakailan niyang biyahe sa Australia, imposible ito dahil mga ibong hindi nakakalipad ang mga cassowary.
Mga Source: https://www.britannica.com/animal/cassowaryFAQ
Sino ang may access sa pagsusulat ng mga tala?
- Ginawa 6 na buwan ang nakalipas o higit pa.
- Hindi nagkaroon ng Strike sa Mga Alituntunin ng Komunidad sa nakalipas na 12 buwan.
- Hindi pinapamahalaang account.
- Hindi marami ang may-ari.
- Hindi pag-aari ng isang account na puwedeng ariin at pamahalaan ng maraming user, gaya ng Brand Account o pampaaralang account.
Kailangang nasa United States ang iyong account at nakatakda sa English ang wika mo.
Kung kwalipikado kang magsulat ng mga tala, kakailanganin mong mag-sign up sa YouTube mobile app para makapagsimula.
Kahit na wala kang access sa pagsusulat ng tala, puwede ka pa ring makakita ng mga tala sa mga video na pinapanood mo, sa mobile at sa iyong computer. Ang mga tala ay nagbibigay ng kapaki-pakinabang na konteksto sa mga video, nagpapaganda ng experience sa panonood, at nagbibigay ng may kaugnayan at makabuluhang pahayag sa lahat ng uri ng content sa YouTube.
Kung naniniwala kang mali ang impormasyon sa isang tala, puwede kang magpadala ng feedback tungkol sa tala:
- Sa tabi ng tala, piliin ang Higit Pa
.
- Piliin ang Magpadala ng feedback.
Ano ang mangyayari sa tala ko pagkatapos kong isumite ito?
Matitingnan ko ba ang status ng mga tala ko?
Paano ako magde-delete ng tala?
- Sa YouTube app, i-tap ang tab na Page Ko.
- I-tap ang Mga Setting
.
- I-tap Ang iyong data sa YouTube
Pamahalaan ang iyong History ng Panonood sa YouTube
MGA INTERACTION
Mga tala para sa konteksto at rating.
- Sa tabi ng iyong tala, i-tap ang i-delete
.
Para mag-delete ng tala mula sa iyong computer:
- Sa YouTube, i-tap ang iyong larawan sa profile sa kanang sulok sa itaas.
- I-tap Ang iyong data sa YouTube
Pamahalaan ang iyong History ng Panonood sa YouTube
Mga Interaction
Mga tala para sa konteksto at rating.
- Sa tabi ng iyong tala, piliin ang i-delete
.
Puwede ka ring mag-delete ng tala sa kaugnay na video:
- Piliin ang Magdagdag ng tala
.
- Sa tabi ng tala na gusto mong i-delete, i-tap ang Higit pa
.
- Piliin ang I-delete.
Kung nag-sign up ka, makakatanggap ka ng notification kapag wala ka na sa waitlist at puwede ka nang magsimulang magsulat ng mga tala.
Kung wala ka na sa waitlist pero hindi ka makapagsulat ng mga tala, tingnan kung naka-log in ka sa channel na may access sa feature na ito at nabanggit sa email ng imbitasyon.
Tinatanong ang mga taga-rate kung sa tingin nila ay kapaki-pakinabang ang tala, kabilang kung may binabanggit dito na mga mapagkakatiwalaang source o kung malinaw at neutral ang pagkakasulat nito.
Lalabas lang ang tala sa ilalim ng video kung ni-rate itong kapaki-pakinabang ng iba't ibang tao. Isinasaalang-alang ng aming mga system ang history ng rating at tinutukoy ng mga ito ang mga talang sinasang-ayunan na ngayon ng mga taga-rate na may mga ibang pananaw dati. Kung sumasang-ayon na ngayon sa pagiging kapaki-pakinabang ng isang tala ang taong may ibang rating sa mga tala dati, mas malamang na i-publish ng aming system ang tala.
Sumusunod dapat sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad ang lahat ng tala.