Impormasyon sa pagsingil at pagbabayad para sa mga miyembro ng channel

Kapag naging miyembro ka ng channel, magkakaroon ka ng access sa mga eksklusibong perk na para sa mga miyembro lang mula sa channel, at magsasagawa ka ng umuulit na buwanang pagbabayad.

Suriin ang mga impormasyon sa ibaba para matuto pa tungkol sa kung paano gumagana ang pagsingil at mga pagbabayad para sa mga channel membership. Tandaang posibleng mag-iba-iba ang presyo ng mga membership depende sa iyong bansa at sa platform na ginagamit mo.

Paano gumagana ang pagsingil

Para sa mga bago at dati nang miyembro ng channel

Kapag mayroon kang aktibong may bayad na channel membership, awtomatiko kang sisingilin sa simula ng bawat buwanang yugto ng pagsingil.

Para sa mga miyembro ng channel na magbabago ng level ng membership

Kapag nag-upgrade ka sa mas mataas na level ng membership:
  • Magkakaroon ka kaagad ng access sa na-upgrade na level pagkabili.
  • Ang sisingilin lang sa iyo ay ang pinagkaiba sa presyo ng mga level, sa naisaayos na presyo, para sa mga natitirang araw sa kasalukuyan mong yugto ng pagsingil.
    • Halimbawa: Kung nagbabayad ka ng $4.99 at mag-a-upgrade ka sa $9.99 na level nang may kalahating buwan pang natitira bago ang iyong susunod na pagbabayad, sisingilin ka ng ($9.99-$4.99) X (0.5)= $2.50.
  • Hindi magbabago ang petsa ng iyong buwanang pagsingil dahil sa pag-upgrade ng level.
  • Kapag dumating ang susunod mong petsa ng pagsingil, sisingilin sa iyo ang bagong mas mataas na presyo.
  • Kung may mga badge ang creator, mananatili sa iyong badge ang anumang naipong loyalty.
Kapag nag-downgrade ka sa mas mababang level ng membership:
  • Magkakaroon ka ng access sa iyong orihinal na level hanggang sa susunod na petsa ng pagsingil mo.
  • Hindi magbabago ang petsa ng iyong buwanang pagsingil dahil sa pag-downgrade ng level.
  • Kapag dumating ang susunod mong petsa ng pagsingil, sisingilin sa iyo ang bagong mas mababang presyo.
  • Kung may mga badge ang creator, mananatili sa iyong badge ang anumang naipong loyalty.

Para sa mga nakanselang channel membership

Kapag nagkansela ka ng may bayad na channel membership, hindi ka sisingilin ulit maliban na lang kung ia-activate mo ito ulit. Patuloy kang makakakuha ng mga perk ng membership hanggang sa matapos ang billing period na iyon.

Para sa mga membership na na-activate ulit

Puwede mong i-activate ulit ang iyong membership sa anumang oras. Kung mag-a-activate ka ulit sa yugto ng pagsingil kung kailan ka nagkansela, hindi ka sisingilin ulit hanggang sa matapos ang kasalukuyang yugto ng pagsingil na iyon.

Mga FAQ sa Mga Pagbabayad

Paano ko ia-update ang aking impormasyon sa pagbabayad?

Puwede mong baguhin ang credit card na ginagamit para sa may bayad na channel membership sa seksyong Aking mga subscription ng iyong Google Account. Tandaang posibleng kailanganin mo munang magdagdag ng bagong card sa iyong Google Account.
Puwede mo ring tingnan ang iyong susunod na petsa ng pagsingil at pamahalaan ang membership mo sa youtube.com/paid_memberships.

Nakakakuha ako ng mensahe ng error kapag sinusubukan kong mag-gift ng mga membership. Paano ko ito aayusin?

Kung nakakakuha ka ng mensahe ng error na nagsasabing, “Hindi namin ma-verify ang iyong bansa,” kailangan naming i-verify ang bansa mo bago namin maipakita sa iyo ang mga opsyon sa pag-gift. Para ayusin ang isyung ito, subukang kumonekta sa ibang network, o gumamit ng ibang device.
Tandaan: Kung aktibo kang gumagamit ng VPN o proxy service, sumangguni sa website ng serbisyo para sa impormasyon sa kung paano i-off ang serbisyo.

Mga umuulit na singil sa India

Dahil sa mga requirement ng eMandate ng Reserve Bank of India, kailangan mong i-verify o ilagay ulit ang iyong mga detalye ng pagbabayad para mapanatili ang access sa mga umuulit mong membership. Para gawin ito, sundin ang mga tagubilin sa YouTube app o sa youtube.com. Tandaang posibleng hindi sinusuportahan ng iyong bangko ang mga umuulit na pagbabayad sa ngayon. Tingnan ang listahan ng mga bangkong sumusuporta sa mga umuulit na pagbabayad o matuto pa.

Paano naaapektuhan ng mga na-pause na channel membership ang aking mga pagbabayad?

Ano ang “paused mode?”

Kung minsan, inilalagay sa “paused mode” ang mga channel membership. Posible itong mangyari kung magbabago ng MCN ang channel, kung itatakda nito ang channel nito bilang para sa bata, o kung hindi ito makapag-monetize. Kapag nangyari ang “paused mode,” hindi magagawa ng channel ang mga sumusunod:
  • Mag-monetize sa mga membership - karaniwang pansamantala lang ito.
  • Maghatid ng mga perk at iba pang benepisyo.

Ano ang mangyayari sa aking mga pagbabayad?

Kung isa kang aktibong nagbabayad na miyembro ng channel na nasa “paused mode,” mapo-pause din ang iyong buwanang umuulit na pagbabayad, yugto ng pagsingil, at access sa mga membership.
Kung “mapo-pause” at “maa-unpause” ang channel sa loob ng iyong yugto ng pagsingil, walang magbabago sa pagsingil mo. Magbabayad ka pa rin ng iyong karaniwang buwanang umuulit na bayarin.
Kung nag-sign up ka para sa channel membership sa iOS o Android, posibleng makansela ang iyong buwanang umuulit na pagbabayad kung nasa paused mode ang channel pagkatapos ng billing period mo. Kung mangyayari ito, aabisuhan kang nakansela na ang iyong membership at makakasali ka ulit kung o kapag na-unpause ang membership ng channel.
Puwedeng manatiling naka-pause ang mga membership sa channel sa loob ng hanggang 120 araw. Pagkalipas nito, makakansela ang mga membership at buwanang umuulit na pagbabayad ng mga miyembro.

Ano ang mangyayari kung wawakasan ng channel ang programa nito sa mga membership?

Kung wawakasan ng channel ang feature na mga membership o kung mawawalan ito ng access dito, wawakasan kaagad ang lahat ng buwanang umuulit na pagbabayad ng mga membership, at access sa mga perk ng membership. Ang mga manonood na miyembro sa panahon ng pagwawakas ay pinapadalhan ng email tungkol sa pagwawakas na may impormasyon sa kung paano mag-request ng refund.

Mga FAQ sa mga refund at kita ng creator

Makakakuha ba ako ng refund para sa mga channel membership?

Puwede mong kanselahin ang iyong may bayad na channel membership sa anumang oras. Kapag nagkansela ka, hindi ka sisingilin ulit. Magagamit mo ang badge at magkakaroon ka ng access sa mga perk ng creator hanggang sa matapos ang yugto ng pagsingil. Tandaang hindi ka bibigyan ng refund para sa panahon mula nang magkansela ka hanggang sa opisyal na magwakas ang channel membership mo.

Kung may mapapansin kang hindi awtorisadong singil sa mga channel membership sa iyong account, iulat ang hindi awtorisadong bayarin.

Kung may problema, hindi available, o hindi gumagana na gaya ng nakasaad ang mga perk ng creator o iba pang feature ng may bayad na channel membership mo, puwede kang makipag-ugnayan sa aming team ng suporta para mag-request ng refund sa anumang oras. Hindi kami nagbibigay ng mga refund o credit para sa mga billing period na bahagya nang lumipas.

Kung isa kang miyembrong nag-sign up sa pamamagitan ng Apple, kakailanganin mong makipag-ugnayan sa Apple support para humiling ng refund para sa iyong may bayad na channel membership. Ilalapat ang patakaran sa refund ng Apple.

Gaano kalaking kita sa mga channel membership ang napupunta sa mga creator?

Nakakakuha ang mga creator ng 70% ng kita sa mga membership na kinikilala ng Google pagkatapos ibawas ang lokal na sales tax at iba pang bayarin (depende sa bansa/rehiyon at platform ng mga user). Sa kasalukuyan, sagot ng YouTube ang mga bayarin sa pagpoproseso ng pagbabayad (kasama ang mga bayarin sa credit card).

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
12602419917625304857
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false
false
false