Gusto mo bang malaman kung kailan ka babayaran? Binabayaran ang mga creator sa YouTube Partner Program sa pamamagitan ng AdSense for YouTube, na sumusunod sa buwanang cycle. Ipinapaliwanag ng gabay na ito kung ano ang nangyayari sa cycle ng pagbabayad at kung kailan mo aasahang mabayaran.
Kailan Ako Mababayaran? Mga Timeline ng Pagbabayad sa YouTube Partner Program
Paano gumagana ang mga pagbabayad
Nakakaipon ng kita ang iyong channel sa YouTube sa paglipas ng buwan. Kapag natapos na ang buwan, posibleng i-adjust ang tinatayang kita mo sa nakalipas na buwan para sa:
- Invalid na trapiko
- Mga claim at dispute sa Content ID
- Ilang partikular na uri ng campaign ng ad (tulad ng mga campaign na may gastos bawat araw)
- Mga buwis sa kita mula sa mga manonood sa US
- Kung wala ka sa US, posibleng kailangan mong magbayad ng mga buwis sa iyong tinitirhang bansa o rehiyon. Alamin pa rito o makipag-ugnayan sa mga lokal na awtoridad sa buwis para sa gabay.
|
|
Pina-finalize ang kita at pino-post sa AdSense for YouTube. Dapat maabot ng kabuuang balanse ang threshold sa pagbabayad at dapat makumpleto ang anumang pagbabago ng impormasyon sa pagbabayad para mabayaran sa buwan na iyon. Nag-isyu na ng bayad at may lumabas na item sa linya na "Nakabinbin ang pagbabayad" sa AdSense for YouTube. |
Sa pagitan ng ika-7–ika-12 ng buwanPina-finalize ang kita at pino-post sa AdSense for YouTube.
|
|
Sa ika-20 ng buwanDapat maabot ng kabuuang balanse ang threshold sa pagbabayad at dapat makumpleto ang anumang pagbabago ng impormasyon sa pagbabayad para mabayaran sa buwan na iyon.
|
|
Sa pagitan ng ika-21–ika-26 ng buwanNag-isyu na ng bayad at may lumabas na item sa linya na "Nakabinbin ang pagbabayad" sa AdSense for YouTube. Kung tatapat sa weekend o holiday ang ika-21, posibleng ibigay ang mga bayad sa unang business day kasunod ng ika-21 ng buwang iyon. Ang mismong oras na makukuha mo ang iyong bayad ay nakadepende sa iyong time zone at sa napili mong paraan ng pagbabayad:
|
Tandaan: Anumang oras, puwedeng i-withhold ang pagbabayad at/o puwedeng kaltasan ang kita kung lumalabag ang iyong account sa mga patakaran ng Programa ng AdSense at alinman sa Mga Tuntunin at Kundisyon ng AdSense o sa Mga Tuntunin at Kundisyon ng AdSense for YouTube (alinman ang naaangkop). Posibleng magsimula ang pag-withhold at/o mga kaltas mula nang simulan ng Google ang imbestigasyon nito sa mga potensyal na paglabag.
Mga Madalas Itanong (Mga FAQ)
- Sa maling address napunta ang tseke. Sa ganitong sitwasyon, kakailanganin mong baguhin ang impormasyon ng payee sa iyong account sa AdSense for YouTube bago ka mag-request ng bagong tseke.
- Posibleng nawala ang tseke sa postal service ng iyong bansa.
Aabutin nang humigit-kumulang 2-4 na linggo pagkatapos ng petsa ng pagpapadala bago matanggap ng mga creator ang kanilang tseke. Pero, posibleng mas matagalan ito depende sa postal service sa iyong lokasyon. Kung kailangan mong mag-request ng panibagong tseke, maghintay nang 60 araw mula sa petsa ng pagbibigay.
Kung mahigit 60 araw na, puwede kang mag-request ng panibagong tseke:
- Mag-sign in sa iyong account sa AdSense for YouTube.
- I-click ang Mga Pagbabayad
Impormasyon sa pagbabayad.
- Sa iyong page na "Mga Transaksyon," hanapin ang petsa ng pagbibigay at ang kasalukuyang status ng iyong tseke.
- Kung hindi pa rin nae-encash ang tseke mo pagkalipas ng 60 araw, may lalabas na link na "Ibigay ulit ang bayad" sa tabi ng status ng tseke.
- I-click ang Ibigay ulit ang bayad at kumpirmahing gusto mong ibigay ulit ang bayad.
- May lalabas na bagong item sa linya, na nagpapakitang inihinto ang tseke at isinasagawa na ang pagbibigay ulit ng iyong tseke.