Kung kabilang ka sa YouTube Partner Program, hihilingin namin sa iyong i-verify ang pagkakakilanlan at address mo, kapag naabot ng iyong kita ang threshold sa pag-verify. Bago mo maabot ang threshold sa pag-verify, tiyaking tama ang pangalan at address sa pagbabayad sa iyong account sa AdSense for YouTube.
Paano i-verify ang iyong address
1. Ilagay ang iyong address sa mga pagbabayad
Kapag in-activate mo ang iyong account sa AdSense for YouTube, ilagay ang address mo sa mga pagbabayad.
2. Abutin ang threshold sa pag-verify at i-verify ang iyong pagkakakilanlan
Kapag naabot ng iyong kita ang threshold sa pag-verify at na-verify mo na ang iyong pagkakakilanlan, magpapadala kami ng natatanging Personal Identity Number (PIN) na may 6 na digit sa address mo sa mga pagbabayad sa pamamagitan ng international na standard mail. Hindi kami nagbibigay ng tracking number para sa PIN mail, kaya tiyaking nakakatanggap ng standard mail ang iyong address sa mga pagbabayad.
3. Hintayin ang iyong PIN
Karaniwang inaabot nang 3-4 na linggo bago dumating ang PIN mail mo. Kung hindi mo matatanggap ang PIN mail mo sa loob ng 3-4 na linggo, puwede kang mag-request ng pamalit na PIN.
4. I-verify ang iyong address
May 4 na buwan ka mula sa petsa kung kailan nabuo ang iyong PIN para kumpletuhin ang pag-verify ng address. Kapag natanggap mo ang iyong PIN mail, i-verify kaagad ang address mo sa mga pagbabayad:
- Mag-sign in sa iyong account sa AdSense for YouTube.
- I-click ang Mga Pagbabayad
Pagsusuri sa pag-verify.
- Ilagay ang eksaktong PIN na nasa iyong PIN mail. Kung 3 beses kang magkakamali sa paglalagay ng iyong PIN, ide-demonetize ang channel mo. Kung kailangan mong i-reset ang limitasyon sa pag-verify ng iyong PIN, puwede kang mag-request ng pamalit na PIN.
- I-click ang Isumite.
Na-verify na ngayon ang iyong address sa mga pagbabayad! Mababayaran ka kapag naabot ng iyong balanse sa account ang threshold sa mga pagbabayad, basta't walang hold sa account mo at nakakasunod ka sa Mga Tuntunin at Kundisyon ng AdSense o Mga Tuntunin at Kundisyon ng AdSense for YouTube (alinman ang naaangkop).
Mga FAQ
May mapanlokong aktibidad na nauugnay sa aking address at hindi ko ma-verify ang address ko. Ano ang dapat kong gawin?
Kung naugnay ang iyong address sa mapanlokong aktibidad, kakailanganin mong palitan ang iyong address sa mga pagbabayad ng bago at valid na postal address na puwedeng tumanggap ng PIN mo. Naiiba dapat ang bago mong address sa iyong dating address. Kung hindi ka makakapagbigay ng valid na address sa mga pagbabayad, ide-demonetize ang iyong channel.
Kapag na-verify na ang iyong bagong address, puwede ka nang mag-request ng PIN:
- Mag-sign in sa iyong account sa AdSense for YouTube.
- I-click ang Mga Pagbabayad
Pagsusuri sa pag-verify.
- I-click ang Magpadala ulit ng PIN.