Content rating sa YouTube

Malalapat mo lang ang mga content rating sa YouTube sa may bayad na content. Para paghigpitan ang mga walang bayad na video na may pang-mature na content, gamitin ang feature na Paghihigpit sa Edad.

Nilalapatan ng label ng content rating ng YouTube ang pang-mature na content sa isang video sa ilang kategorya. Ang bawat kategorya ay may tatlong opsyon na tumutukoy sa antas ng pang-mature na content:

  • Tinutukoy ng unang opsyon (na ang default din) na walang pang-mature na content sa kategorya
  • Tinutukoy ng panggitnang opsyon na may hindi gaanong matinding pang-mature na content
  • Tinutukoy ng pangatlong opsyon ang pang-mature na content na dapat paghigpitan sa mga manonood na 18 taong gulang pataas
Marahas na pananalita (L)
  • Wala: Walang anumang marahas, bastos, o iba pang potensyal na nakakasakit na pananalita. Kahit na ang hindi gaanong matinding pagmumura gaya ng "shit" at "gago" o mga salitang na-bleep ay dapat i-rate bilang Marahas na pananalita.
  • Marahas na pananalita: Naglalaman ng mga pagmumura at kabastusan; hindi madalas ang mga salitang iyon at hindi ginagamit sa sekswal na konteksto. Naaangkop ang antas na ito kahit na para sa content na may mga na-bleep na pagmumura at kabastusan. Naaangkop din ito para sa nagpapahiwatig na usapan, sekswal na pasaring, pagtatalakay ng mga temang para sa nasa hustong gulang, at ang pagpapahayag ng matitinding pananaw at opinyon na puwedeng ituring ng mga manonood bilang nakakapanakit, walang galang, o kung hindi man ay kontrobersyal.
  • Tahasang pananalita: Naglalaman ng madalas na paggamit ng mga pagmumura at kabastusan. Puwede kasama rin dito ang magaspang at mahalay na usapang tahasang sekswal.
Kahubaran (N)
  • Wala: Walang kahubaran o anumang uri ng bahagyang kahubaran.
  • Kaunting saplot: Naglalaman ng mga indibidwal na kaunti lang ang saplot (gaya ng mga pang-itaas na mababa ang tabas, damit panloob, o mga bathing suit na nagpapakita ng labis na balat). Hindi naglalaman ng anumang panandalian o matagal na kahubaran (gaya ng mga nakalantad na puwit, ari, o mga areola).
  • Ilang kahubaran: Kasama ang content na nagtatampok ng mga nakalantad na puwit o bahagyang nakalantad na suso. Maaari ding maglaman ang content ng ganap na kahubaran kung saan ang konteksto ay naaangkop para sa edukasyon, dokumentaryo, o sining.
Mga sekswal na sitwasyon (S)
  • Wala: Walang anumang sekswal na pag-uugali o tema. Katanggap-tanggap ang maiikling pagpapakita ng paglalambing, gaya ng halik o yakap.
  • Mga hindi gaanong matinding sekswal na sitwasyon: Naglalaman ng mga hindi gaanong matinding sekswal na aktibidad o tema, gaya ng pagpapahiwatig ng mga sekswal na pagkilos, hindi seryoso o komikong pagbanggit ng partikular na sekswal na kagustuhan o gawi, o mga hindi gaanong matinding sekswal na sitwasyon o talakayan.
  • Mga tahasang sekswal na sitwasyon: Naglalaman ng tahasang sekswal na content, gaya ng mga isinadulang sekswal na pagkilos, mga tahasang sekswal na sitwasyon o talakayan.
Karahasan/nakakabagabag (V)
  • Wala: Walang karahasan, pinsala, o iba pang paglalarawang maaaring ituring na madugo, nakakabagabag, o nakakasuklam para sa mga sensitibong manonood.
  • Hindi gaanong marahas o nakakabagabag: Naglalaman ng hindi gaanong matindi at pangkomedyang karahasan, pantasyang karahasan, o mga nakahiwalay na insidente ng makatotohanang karahasan. Pero, ang anumang karahasang ipinakita ay walang katangiang madugo, laganap, o sekswal. Tulad nito, puwedeng maglaman ang hindi gaanong marahas o nakakagambalang content ng kaunting iba pang paglalarawan o sitwasyong nakakagambala o nakakasuklam sa mga sensitibong manonood. Kasama sa mga halimbawa ang totoo o isinasadulang medikal na footage, o mga paglalarawan ng nakakadiri o nakakatakot na content sa konteksto ng horror o pantasya.
  • Labis na marahas o nakakagambala: Naglalaman ng karahasang paulit-ulit, matindi, at graphic. Puwedeng kabilang din dito ang laganap na koleksyon ng sitwasyon o mga sitwasyong nakakagambala o nakakasuklam sa karaniwang manonood. Gaya ng animated na content, kung nagtatampok ito ng mga makatotohanang paglalarawan ng labis na karahasan o iba pang nakakagambala o nakakasuklam na koleksyon ng imahe.
Paggamit ng droga (D)
  • Wala: Walang anumang labis na paggamit ng droga. Katanggap-tanggap ang panandalian at katamtamang pagkonsumo ng alak o tobacco ng mga taong nasa hustong gulang at ng responsableng paggamit ng mga gamot.
  • Hindi gaanong matinding paggamit ng droga: Naglalaman ng hindi matinding paggamit ng droga, kasama ang labis o paulit-ulit na pagkonsumo ng alak o tobacco. Maaari ding kasama rito ang nagkataon o pangkomedyang paggamit ng mga droga gaya ng marijuana, sativa, mga hallucinogen, o mga inireresetang gamot, at pagpapahiwatig at hindi graphic na paggamit ng iba pang droga, gaya ng heroin.
  • Paggamit ng droga: Naglalaman ng graphic at kathang-isip na paglalarawan ng labis na paggamit ng droga at nagpapakita ng paraphernalia sa paggamit ng droga. Maaari din itong maglaman ng mga aktwal na paglalarawan ng labis na paggamit ng droga kung saan ang konteksto ay naaangkop para sa edukasyon, dokumentaryo, o agham.
Mga nagfa-flash na ilaw (F)
  • Wala: Walang nagfa-flash na ilaw o iba pang nagso-strobe na content na puwedeng makaapekto sa mga indibidwal na may photosensitive epilepsy.
  • Nagfa-flash o nagso-strobe na ilaw: Naglalaman ng nagfa-flash na ilaw o iba pang nagso-strobe na content na puwedeng makaapekto sa mga indibidwal na may photosensitive epilepsy.

Kapag nakita ng manonood ang video na may content rating ng YouTube, makikita sa page ang titik na code para sa bawat kategorya ng rating na may halaga maliban sa Wala. Para sa mga kategorya kung saan pinili mo ang pangatlong opsyon, may lalabas na plus pagkatapos ng titik na code. Halimbawa, ang content rating sa YouTube para sa isang video na may tahasang wika, hindi gaanong matinding karahasan, hindi gaanong matinding paggamit ng droga, at walang kabuharan o sekswal na sitwasyon ay ipapakita bilang L+ V D.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12820602587739121980
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false