Kung isa kang creator ng audio-first na podcast na nagbabahagi ng iyong podcast gamit ang isang RSS feed, puwede mong i-upload ang iyong RSS feed sa YouTube. Matuto pa sa ibaba tungkol sa kung paano gumagana ang pagsusumite ng mga RSS feed. Pagkatapos, alamin kung paano i-publish ang iyong RSS feed sa YouTube.
Paano Mag-upload ng Mga Audio-first na Podcast sa YouTube gamit ang Mga RSS Feed
Alamin kung paano mag-upload ng mga podcast sa YouTube gamit ang isang RSS feed
Kapag nagsumite ka ng iyong RSS feed sa YouTube, gagawa ang YouTube ng mga video para sa bawat episode ng podcast na pipiliin mong i-upload. Gagamitin ng YouTube ang show art ng iyong podcast para gumawa ng static-image video at ia-upload ito ng YouTube sa channel mo para sa iyo. Kapag may idinagdag na bagong episode sa iyong RSS feed, awtomatiko itong maa-upload sa channel mo at aabisuhan namin ang iyong mga kwalipikadong subscriber.
Hindi gagawin ng YouTube ang mga sumusunod:
- Ipamahagi ang iyong podcast sa iba pang platform. Magiging available lang sa YouTube at YouTube Music ang iyong podcast.
- Abisuhan ang mga subscriber kapag may mga nadagdag na back catalog na episode sa iyong channel sa pamamagitan ng isang RSS feed.
- Awtomatikong i-update ang mga detalye ng show na ginawa sa iyong RSS feed. Alamin kung paano mag-edit ng mga detalye ng podcast.
- Awtomatikong i-update ang mga audio file na ni-reupload sa iyong RSS feed. Alamin kung paano mag-reupload ng mga episode.
- Payagan ang mga invalid na character gaya ng “>”,“<" o anumang HTML sa mga pamagat o paglalarawan ng podcast at episode.
Pinakamahuhusay na kagawian
Para sumunod sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng YouTube, hindi puwedeng magkaroon ng mga advertisement ang content ng podcast na ia-upload mo sa YouTube. Kung may kasamang mga may bayad na promosyon (tulad ng promosyong binabasa ng host), sponsorship, o pag-endorso ang iyong podcast, nire-require kang ipaalam ito sa amin at sumunod sa lahat ng naaangkop na patakaran.
Para mag-declare ng mga may bayad na promosyon, puwede mong:
- Lagyan ng check ang box ng may bayad na promosyon sa page ng mga detalye ng iyong podcast, o
- I-update ang mga setting ng video sa page ng mga detalye ng video.
Sa unang beses na magsumite ka ng iyong RSS feed sa YouTube, ia-upload ang mga episode na pipiliin mo bilang mga pribadong video. Kapag nagse-set up, inirerekomenda naming hintayin mong ma-upload ang lahat ng episode bago mo i-publish ang iyong podcast bilang pampubliko para matukoy kung sakaling may anumang isyu.
Kapag na-upload na ang mga episode mo, mag-browse sa iyong tab na video para sa mga isyu sa pag-monetize o copyright. Makakatulong ito na maiwasan ang mga claim o strike sa iyong content.
Mga FAQ
Puwede ba akong mag-deliver ng RSS feed kung mayroon na akong podcast sa YouTube?
- Buksan ang YouTube Studio at piliin ang Content Mga Podcast.
- Mag-hover sa podcast na gusto mong i-edit at i-click ang Mga Detalye .
- Sa page ng Mga detalye ng podcast sa ilalim ng “Mga setting ng RSS,” i-click ang Ikonekta sa RSS feed.
Para maiwasan ang pag-upload ng mga duplicate na episode, inirerekomenda naming mag-upload ng mga episode kapag nasa YouTube na ang pinakabagong episode. Puwede mong itakda ang petsang ito kapag isinumite mo ang iyong RSS feed sa Studio.
Para malaman kung paano ikonekta ang iyong RSS feed sa channel mo, bisitahin ang aming artikulo sa Help Center.
Kung mag-a-upload ako ng bagong audio file para sa isang episode sa aking RSS feed, awtomatiko ba itong maa-update sa YouTube?
- Buksan ang YouTube Studio at piliin ang Content Mga Podcast.
- Mag-hover sa podcast na gusto mong i-edit at piliin ang Mga Video .
- Mag-hover sa video na gusto mong i-ingest ulit at i-click ang menu .
- Piliin ang Mag-reupload mula sa RSS feed.
Gagawa ito ng bagong video para sa iyong episode. Itatakda bilang pribado ang lumang video para makita mo pa rin ang data tulad ng mga panonood at komento.
Paano ko mave-verify ang pagmamay-ari sa aking RSS feed?
Para i-verify ang pagmamay-ari, tingnan ang email address sa iyong RSS feed. Ilagay ang code sa pag-verify na nasa email at i-click ang I-verify.
Kung hindi mo alam ang email address sa iyong RSS feed, makipag-ugnayan sa hosting provider mo.
Paano ko babaguhin ang default na visibility para sa mga episode sa aking feed?
- Sa YouTube Studio, pumunta sa Content Mga Podcast.
- Mag-hover sa podcast na gusto mong i-edit at i-click ang Mga Detalye .
- Sa ilalim ng “Default na visibility ng video sa RSS,” pumili mula sa mga opsyon sa visibility: Pribado, Hindi Nakalista, o Pampubliko.
- I-click ang I-save.
Kapag na-update mo na ang mga setting ng visibility ng iyong podcast, maa-apply ang piniling opsyon sa lahat ng bagong upload ng podcast na iyon.
Paano pinagbubukod-bukod sa YouTube ang mga video mula sa aking RSS feed?
Aling petsa ng episode ang nakikita ng manonood sa YouTube?
Bakit nasa itaas ng aking tab na Mga Video ang mga lumang episode mula sa aking RSS feed?
Puwede ba akong mag-upload ng higit pang episode pagkatapos kong ikonekta ang aking RSS feed sa isang podcast sa YouTube?
- Sa YouTube Studio, pumunta sa Content Mga Podcast.
- Mag-hover sa podcast na gusto mong i-edit at i-click ang Mga Detalye .
- Sa ibaba ng page na Mga detalye ng podcast, i-click ang Magpakita pa.
- Sa ilalim ng “Mga episode na ia-upload,” piliin ang mga episode na gusto mong i-upload.
- Suriin ang mga detalye ng visibility at i-click ang I-save.
Maa-upload ang lahat ng episode nang may default na visibility ng video mo. Puwede mong i-edit ang visibility ng video ng mga podcast na in-upload mula sa iyong RSS feed sa page na Mga detalye ng podcast.