Puwede kang manood ng mga video sa gusto mong wika. Posibleng mag-alok ang ilang video ng audio, mga pamagat, at mga paglalarawan sa mga karagdagang wika. Puwede mong itakda ang mga gusto mong wika para sa audio, mga pamagat, at mga paglalarawan sa web o sa YouTube app.
Itakda ang gusto mong wika para sa audio, pamagat, at mga paglalarawan
Hindi isasalin ang content na may orihinal na audio sa isa sa mga gusto mong wika at magde-default ito sa orihinal na audio. Nag-a-apply ang setting na ito para sa mga pagsasalin ng audio (mga dub), mga pamagat, at mga paglalarawan. Puwede mong isaad ang mga gusto mong wika sa web o sa YouTube app.
- I-tap ang iyong larawan sa profile
.
- I-tap ang Mga Setting
.
- I-tap ang Mga Wika
.
- I-tap ang Mga gustong wika.
- Piliin ang mga wika.
- I-tap ang kumpirmahin.
Baguhin ang wika ng audio ng isang partikular na video:
Kung gusto mong pakinggan ang isang video sa ibang wika, at available sa iba pang wika ang video na iyon, puwede kang:
- Pumunta sa video na gusto mong panoorin.
- Sa video player, piliin ang Mga Setting
.
- Piliin ang Audio track.
- Piliin ang gusto mong wika.
Kung ang video ay may isinaling pamagat at paglalarawan ng video, puwede mo itong hanapin gamit ang mga pagsasaling ito.