Puwede mong gamitin ang Google Meet para manood ng mga video sa YouTube kasama ang iba sa pamamagitan ng live na pag-share sa mga Android device. Una, kakailanganin ng miyembro ng YouTube Premium na magsimula ng session ng live na pag-share. Kapag nasimulan na ang session ng pag-share, makakasali ang iba sa tawag nang walang membership sa Premium.
Tandaan:
- Sa kasalukuyan, available lang ito sa Android.
- Naka-sign in ka dapat sa YouTube gamit ang iyong personal na Google account.
Live na pag-share sa Google Meet
Para magsimula ng live na pag-share sa Google Meet:
- Miyembro ng YouTube Premium: Una, mag-sign in sa iyong Google account.
- Kapag nasa isang tawag sa Google Meet ka na, gamitin ang menu ng mga aktibidad
para pumunta sa YouTube, o pumunta sa YouTube app.
- Mag-play ng video. Hihilingin sa iyo na kumpirmahing gusto mong manood nang kasama ang lahat ng nasa tawag.
- Sa YouTube, i-tap ang I-share
para magsimula ng bagong tawag, at imbitahan ang mga kaibigan na manood kasama ka.