Mag-upload ng Mga YouTube Short

Ang YouTube Shorts ay isang paraan para sa kahit sino na gawing pagkakataon ang isang ideya para makipag-ugnayan sa mga bagong audience sa kahit saang panig ng mundo. Sa pamamagitan ng mga tool sa paggawa ng mga Short ng YouTube, puwede kang mag-upload ng maikling vertical video bilang Short.

YouTube Shorts

Mag-upload ng Mga Short

YouTube app

Para mag-upload ng Short mula sa iyong device:

  1. I-tap ang Gumawa at pagkatapos ay Mag-upload ng video.
  2. Pumili ng video na may kuwadrado o vertical na aspect ratio:
    • Magpapakita ng trim editor ang mga video na hanggang 60 segundo. I-drag ang mga gilid ng bar para i-adjust ang oras ng pagsisimula at pagtatapos ng video. Hindi makikita sa Short ang anumang hindi kasama sa box.
    • Para sa mga video na mas mahaba sa 60 segundo, i-tap ang I-edit para gawing Short para i-trim ang iyong video sa 60 segundo o mas maikli.
  3. I-tap ang SUSUNOD para pumunta sa screen ng editor kung saan puwede kang magdagdag ng text, mga filter, musika, o iba pang audio sa iyong Short.
    Paalala: Limitado sa mga 15 segundong clip ang audio na pipiliin mula sa aming library.
  4. I-tap ang SUSUNOD para magdagdag ng mga detalye sa iyong video, gaya ng pamagat (max na 100 character) at mga setting ng privacy.
    Tandaan: Ang default na setting ng privacy ng video para sa mga creator na 13–17 taong gulang ay pribado. Kung 18 taong gulang o mas matanda ka na, nakatakda sa pampubliko ang iyong default na setting ng privacy ng video. Mababago ng lahat ang setting na ito para gawing pampubliko, pribado, o hindi nakalista ang kanilang video.
  5. I-tap ang Piliin ang audience at pagkatapos ay “Oo, para sa bata ito" o "Hindi, hindi ito para sa bata" para piliin ang iyong audience. Matuto pa tungkol sa para sa bata.
  6. I-tap ang I-UPLOAD para i-publish ang iyong Short.

YouTube Studio app

  1. Buksan ang YouTube Studio app .
  2. Sa itaas, i-tap ang Gumawa at pagkatapos ayMag-upload ng video.
  3. Piliin ang file na gusto mong i-upload
  4. Magdagdag ng mga detalye sa iyong video, gaya ng pamagat (max na 100 character), mga setting ng privacy, at iyong audience. Matuto pa tungkol sa para sa bata.
  5. I-tap ang I-UPLOAD ANG SHORT para i-publish ang iyong Mga Short.

Naghahanap ng mga gabay bago i-upload ang iyong unang Short? Tingnan ang mga tip sa pag-upload ng Mga Short.

Kung mag-a-upload ka ng maikling video na ginawa mo sa ibang lugar, tiyaking inaprubahan para sa iyong paggamit sa YouTube ang anumang ginamit mong materyal na pinoprotektahan ng copyright. Kapag gumamit ka ng materyal na protektado ng copyright, puwede kang makatanggap ng claim sa Content ID. Gayundin, kung papadalhan kami ng may-ari ng copyright, label ng artist, o distributor ng valid at kumpletong abiso sa pagtanggal dahil sa copyright laban sa iyong maikling video, posible itong alisin, at puwede kang makatanggap ng strike sa copyright.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
8296324771463270693
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false