Maunawaan ang performance ng iyong content sa YouTube

Nagbibigay sa iyo ang tab na Content sa YouTube Analytics ng pangkalahatang-ideya ng kung paano nakikita ng audience mo ang iyong content, ano ang pinapanood ng audience mo, at paano sila nakikipag-interact sa iyong content. Available lang ang tab na Content sa level ng channel. Matuto pa tungkol sa kung paano binibilang ang mga sukatan ng engagement.

Tingnan ang sumusunod na video mula sa channel para sa Mga Creator sa YouTube para matuto pa tungkol sa abot at pakikipag-ugnayan ng iyong content.

Tab na Content sa Analytics (Pagbukud-bukurin ayon sa Mga Video, Mga Short, Live, o Mga Post)

Mag-subscribe sa channel para sa Mga Creator sa YouTube para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.
Makakuha ng mga tip sa tab na content para sa mga creator.

Matutunan ang mga pangunahing kaalaman

Sa artikulong ito:

Puwede mong i-access ang iyong ulat sa content at tingnan ang mga sumusunod na tab para sa mga ulat sa abot at engagement: Lahat, Mga Video, Mga Short, Live, Mga Post, Mga Playlist, at Mga Podcast.

Tingnan ang iyong mga ulat sa abot at engagement

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwang Menu, piliin ang Analytics.
  3. Mula sa menu sa itaas, piliin ang Content.

Tandaan: Puwede mong i-click ang TUMINGIN PA o ADVANCED MODE para makakita ng pinalawak na ulat ng analytics para makakuha ng partikular na data, maghambing ng performance, at mag-export ng data.

Lahat

Mga bagong manonood

Nag-uulat ito tungkol sa mga manonood na may pinanood sa iyong channel sa unang pagkakataon sa napiling time period.

Mga bumalik na manonood

Nag-uulat ito tungkol sa mga manonood na dati nang nanood sa iyong channel at bumalik para manood pa.

Mga Subscriber

Ipinapakita ng ulat na ito ang bilang ng mga subscriber na nakuha mo mula sa bawat uri ng content: mga video, Shorts, mga live stream, mga post, at iba pa. Kasama sa “iba pa” ang mga subscription mula sa YouTube search at iyong page ng channel. Nakakatulong ang impormasyong ito para maunawaan mo kung anong content ang pinakamahusay sa paghikayat ng mga manonood na maging subscriber.

Mga Panonood

Ipinapakita sa iyo ng ulat na ito ang bilang ng mga lehitimong panonood sa content mo para sa Shorts, mga video, at mga live stream. Binago ng YouTube kung paano binibilang sa Shorts ang mga panonood. Matuto tungkol sa mga pagbabago sa bilang ng panonood sa Shorts.

Mga impression at kung paano humantong ang mga ito sa haba ng panonood

Ipinapakita sa iyo ng ulat na ito kung ilang beses ipinakita ang isang thumbnail sa mga manonood sa YouTube (mga impression), gaano kadalas nagresulta sa panonood ang mga thumbnail (click-through rate), at paano tuluyang nauwi sa haba ng panonood ang mga panonood na iyon. Matuto pa ng mga tip sa paggamit ng data ng mga impression at CTR.

Na-publish na content

Ipinapakita sa ulat na ito ang bilang ng video, Shorts, live stream, at post na na-publish mo sa YouTube.

Mga manonood sa lahat ng format

Ipinapakita sa ulat na ito ang breakdown at overlap ng mga manonood na kumokonsumo sa iyong content ayon sa format (mga video, Short, at live).

Paano nakita ng mga manonood ang iyong content

Ipinapakita sa iyo ng ulat na ito kung paano nakita ng mga manonood mo ang iyong content sa loob ng mga feature sa pag-browse, feed ng Shorts, mga iminumungkahing video, paghahanap sa YouTube, mga page ng channel, at iba pa.

Nangungunang nire-remix

Nagpapakita ang ulat na ito ng visual na pangkalahatang-ideya ng iyong mga panonood sa remix, kabuuang remix, at nangungunang ni-remix na content.

Mga Video

Card ng mga pangunahing sukatan

Binibigyan ka nito ng visual na pangkalahatang-ideya ng iyong mga panonood, average na tagal ng panonood, mga impression, at click-through rate ng mga impression.

Mahahalagang sandali para sa pagpapanatili ng audience

Ipinapakita ng ulat na ito kung gaano kahusay na napanatili ng iba't ibang bahagi ng iyong video ang atensyon ng mga manonood. Puwede ka ring gumamit ng karaniwang pagpapanatili para ihambing ang iyong 10 pinakabagong video na kasinghaba nito.

Paano nahahanap ng mga manonood ang mga video mo

Ipinapakita ng ulat na ito kung paano nahanap ng mga manonood mo ang iyong mga video sa loob ng paghahanap sa YouTube, mga feature sa pag-browse, mga iminumungkahing video, external, mga page ng channel, at iba pa.

Mga nangungunang video

Hina-highlight ng ulat na ito ang iyong mga pinakasikat na video.

Mga Short

Card ng mga pangunahing sukatan

Binibigyan ka nito ng visual na pangkalahatang-ideya ng iyong mga panonood, mga like, at mga subscriber.

Paano nahahanap ng mga manonood ang iyong Shorts

Ipinapakita sa iyo ng ulat na ito kung paano nahanap ng mga manonood mo ang iyong Shorts sa loob ng feed ng Shorts, paghahanap sa YouTube, mga page ng channel, mga feature sa pag-browse, external, at iba pa.

Paano nag-engage ang mga manonood

Ang porsyento ng mga beses na nanatili ang mga manonood para panoorin ang isang Short nang lampas sa mga unang segundo nito.

Nangungunang Shorts

Hina-highlight ng ulat na ito ang iyong mga pinakasikat na Shorts.

Nangungunang nire-remix

Nagpapakita ang ulat na ito ng visual na pangkalahatang-ideya ng iyong mga panonood sa remix, kabuuang remix, at nangungunang ni-remix na content.

Live

Card ng mga pangunahing sukatan

Binibigyan ka nito ng visual na pangkalahatang-ideya ng iyong mga panonood, average na tagal ng panonood, mga impression, at click-through rate ng mga impression.

Paano nahahanap ng mga manonood ang iyong mga live stream

Ipinapakita sa iyo ng ulat na ito kung paano nahanap ng mga manonood mo ang iyong mga live stream sa loob ng mga feature sa pag-browse, paghahanap sa YouTube, mga iminumungkahing video, direkta o hindi alam, mga page ng channel, at iba pa.

Mga nangungunang live stream

Hina-highlight ng ulat na ito ang mga pinakasikat mong live stream. Puwede mong gamitin ang pinalawak na ulat sa analytics para tumingin pa ng mga sukatan, gaya ng mga panonood at impression.

Magkakasabay na manonood

Ipinapakita sa iyo ng ulat na ito ang pinakamarami at average na magkakasabay na manonood mo sa isang live stream.

Mga Post

Mga Impression

Ipinapakita sa iyo ng ulat na ito kung ilang beses ipinakita ang post mo sa mga manonood.

Mga Pag-like

Ipinapakita ng ulat na ito kung ilang beses na-like ng mga manonood ang iyong mga post.

Mga Subscriber

Ipinapakita ng ulat na ito ang bilang ng mga subscriber na nakuha mo mula sa mga post.

Mga nangungunang post

Hina-highlight ng ulat na ito ang iyong mga pinakasikat na post batay sa mga live o boto.

Mga Playlist

Mga nangungunang card ng playlist

Hina-highlight ng ulat na ito ang mga pinakasikat mong playlist at tinutulungan kang paghambingin ang mga ito. Mula rito, maa-access mo ang analytics ng bawat playlist. Alamin kung paano i-access ang analytics ng iyong playlist.

Makakuha ng mga tip para makabuo ng iyong fanbase para sa mga creator.

Mga Podcast

Card ng mga nangungunang podcast

Hina-highlight ng ulat na ito ang iyong mga pinakasikat na podcast at tinutulungan ka nitong paghambingin ang mga ito. Matuto pa tungkol sa performance ng iyong podcast.

Maunawaan ang mga uri ng mga source ng trapiko

Puwedeng magmula sa loob ng YouTube o sa mga external na source ang trapiko sa iyong mga video. Puwede mong makita pareho sa ulat na Paano nahanap ng mga manonood ang iyong content (o mga video, Shorts, Live).

Trapiko mula sa loob ng YouTube
Mga feature sa pag-browse Trapiko mula sa Home, mga subscription, Panoorin sa Ibang Pagkakataon, Trending/Mag-explore, at iba pang feature sa pag-browse.
Mga page ng channel Trapiko mula sa iyong channel sa YouTube o iba pang channel sa YouTube.
Mga card sa campaign Trapiko mula sa mga card sa campaign ng may-ari ng content.
Mga end screen Trapiko mula sa mga end screen ng creator.
Shorts Trapiko mula sa karanasan sa vertical na panonood ng Shorts.
Mga Notification Trapiko mula sa mga notification at email na ipinadala sa iyong mga subscriber.
Mga notification sa mga nai-bell na subscriber Trapiko mula sa mga notification na ipinadala sa iyong mga subscriber na nag-on ng "Lahat ng notification" para sa channel mo at nag-on ng mga notification sa YouTube sa kanilang device.
Iba pang notification sa app Trapiko mula sa mga naka-personalize na notification, notification sa email, Inbox, at digest.
Iba pang feature sa YouTube Trapiko mula sa YouTube na hindi nabibilang sa anupamang kategorya.
Mga Playlist

Trapiko mula sa anumang playlist na kinabibilangan ng isa sa iyong mga video. Ang mga playlist na ito ay puwedeng sarili mong playlist o playlist ng ibang creator. Kabilang din sa trapikong ito ang mga playlist na "Mga ni-like na video" at "Mga paboritong video" ng mga user.

Ni-remix na video Trapiko mula sa mga visual remix ng iyong content.
Mga sound page Trapiko mula sa page ng mga nakabahaging resulta ng audio na makikita sa karanasan sa vertical na panonood ng Shorts.
Mga iminumungkahing video Trapiko mula sa mga suhestyong lumalabas sa tabi o pagkatapos ng ibang video, at mula sa mga link sa mga paglalarawan ng video. Makakakita ka ng mga partikular na video sa card na “Source ng trapiko: Mga iminumungkahing video” ng tab na Abot.
Mga video card Trapikong nagmumula sa card sa ibang video.
Advertising sa YouTube

Kung ginagamit bilang ad sa YouTube ang iyong video, makikita mo ang “Pag-advertise sa YouTube” bilang source ng trapiko.

Binibilang ang mga panonood sa mga nalalaktawang ad na mas mahaba sa 10 segundo kung papanoorin ang mga ito sa loob ng 30 segundo o hanggang sa matapos ang mga ito. Hindi kailanman nagiging kwalipikado bilang mga panonood sa YouTube Analytics ang mga non-skippable ad.

Paghahanap sa YouTube Trapiko mula sa mga resulta ng paghahanap sa YouTube. Makakakita ka ng mga partikular na termino para sa paghahanap sa card na “Source ng trapiko: Paghahanap sa YouTube” ng tab na Abot.
Mga page ng produkto Trapiko mula sa mga page ng produkto ng YouTube.
Trapiko mula sa mga external na source
Mga external na source Trapiko mula sa mga website at app kung saan naka-embed o naka-link ang iyong video sa YouTube. Makakakita ka ng mga partikular na external na site at source sa card na “Source ng trapiko: External” ng tab na Abot.
Mga direkta o hindi kilalang source Trapiko mula sa direktang entry ng URL, mga bookmark, mga naka-sign out na manonood, at mga hindi kilalang app.

Mga sukatang dapat malaman

Mga Impression

Kung gaano karaming beses ipinakita ang iyong mga thumbnail sa mga manonood sa YouTube sa pamamagitan ng mga nakarehistrong impression.

Click-through-rate ng mga impression

Kung gaano kadalas nanood ng video ang mga manonood pagkatapos nilang makakita ng thumbnail.

Mga engaged na panonood

Kung ilang beses nanatili ang mga manonood para manood nang lampas sa mga unang segundo, hindi kasama ang anumang pag-loop. Sa Shorts lang nalalapat ang sukatang ito.

Para sa Mga video at Mga live stream, available ang sukatang ito pero pareho lang ito sa mga panonood.

Nanatili para manood Ang porsyento ng dami ng beses na pinanood ng mga manonood ang iyong Mga Short kumpara sa nag-swipe palayo.

Mga natatanging manonood

Ang tinatantyang bilang ng manonood ng iyong content sa napiling hanay ng petsa.

Average na tagal ng panonood

Average na mga minutong pinanood sa mga nanatili para manood. 

Para sa Shorts, kinakalkula ito sa mga engaged na panonood at kaugnay na haba ng panonood ng mga ito.

Average na porsyento ng pinapanood

Average na porsyento ng video na pinanood sa mga nanatili para manood.

Para sa Shorts, kinakalkula ito sa mga engaged na panonood at kaugnay na haba ng panonood ng mga ito.

Haba ng panonood (oras)

Ang tagal ng oras na pinanood ng mga manonood ang iyong video.

Mga nag-like sa post Ang dami ng like na natanggap ng iyong post.
Rate sa nag-like sa post Ang porsyento ng mga manonood na nag-like sa iyong post.
Mga panonood mula sa playlist Mga panonood ng video mula sa mga manonood na mismong playlist ang pinapanood. Ito ang parehong sukatang external na available sa pampublikong page ng playlist.
Mga kabuuang panonood Mga kabuuang panonood ng lahat ng video sa playlist, sa playlist o sa ibang lugar man nagmula ang mga ito. Kinakalkula lang ito para sa mga video na pagmamay-ari mo sa playlist.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
12788755982362724146
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false
false
false