Binibigyan ng pagkakataon ng YouTube Creator Community ang mga creator na makipagkilala, makipag-ugnayan, at matuto mula sa iba pang creator na magsisilbing kanilang network sa YouTube. Makakatanggap din ng suporta ang mga creator mula sa Partner Manager ng Komunidad ng YouTube (Community Partner Manager, CPM) na magsisilbing kanilang gabay sa pag-navigate sa YouTube.
Ano ang Community Partner Manager ng YouTube?
Layunin ng Partner Manager ng Komunidad ng YouTube na gumawa ng komunidad na nagtuturo, nagpapaganda, at nagpapahusay sa experience ng creator. Posibleng makatulong ito na ma-unlock ang access sa mga oportunidad na nagpapalawak sa mga koneksyon ng creator, gumagabay sa mga creator sa YouTube, at naghihikayat sa mga creator na kontrolin ang kanilang experience sa YouTube.
Ang mga ito ay ilan lang sa mga paraan kung paano makakatulong ang Mga CPM sa mga creator na magtagumpay sa YouTube:
- Access sa lumalaking network ng mga nagbibigay-inspirasyong creator
- Mga regular na update sa Pinakamahuhusay na Kagawian, mga bagong feature, at mga napapanahong tip
- Mga eksklusibong imbitasyon sa mga event at workshop ng creator/industriya
- Maagang pag-access sa mga pinakabagong feature ng produkto, paglulunsad, at edukasyon sa mga bagong feature
- Oportunidad na magbahagi ng feedback nang direkta sa mga Product team
Mga FAQ sa YouTube Creator Community
Sino ang puwedeng sumali sa Komunidad ng Creator sa YouTube?
Imbitasyon lang ang aming YouTube Creator Community, kaya tingnan ang iyong email o YouTube Studio para sa mga detalye ng pag-enroll. Limitado ang mga spot sa pag-enroll sa Creator Community, at makikipag-ugnayan ang Mga Community Partner Manager sa mga natanggap na creator para i-share ang mga susunod na hakbang.
Ang YouTube Creator Community ay nakatuon sa mga aktibong creator at iniaalok sa mga channel na sumusunod sa aming Mga Alituntunin ng Komunidad. Kung hindi na natutugunan ng mga creator ang aming mga pamantayan sa pagiging kwalipikado, o lumabag sila sa mga alituntunin ng komunidad, posible silang mawalan ng access sa YouTube Creator Community.
Sa pangkalahatan, nakikipagtulungan kami sa mga channel na:
- Nasa o nakatuon sa mga bansa/rehiyon kung saan available ang Mga Partner Manager ng Komunidad
- Aktibong nagpo-post sa YouTube
- May potenyal na lumago
- Walang anumang strike sa Mga Alituntunin ng Komunidad
- Hindi hihigit sa isa ang strike sa copyright na hindi pa nalulutas
- Sumusunod sa aming mga alituntunin para sa advertiser
- Magalang sa lahat ng nakikilahok na creator at Mga Partner Manager ng Komunidad habang dumadalo sa mga event, workshop, at katulad na engagement ng Komunidad
Anong mga bansa at rehiyon ang kwalipikado para sa Komunidad ng Creator sa YouTube?
|
|
May bayad ba ang Partner Manager ng Komunidad ng YouTube?
Wala, ang pagkakaroon ng Community Partner Manager ay isang serbisyo na libre para sa iyo.
Magkaiba ba ang Community Partner Manager ng YouTube sa Partner Manager?
Ang YouTube Creator Community, na pinapatakbo ng Community Partner Manager (CPM), at ang Partner Manager program ng YouTube ay dalawang magkaibang program na may mga natatanging pamantayan sa pagpili at iniaalok sa serbisyo.
- Community Partner Manager: Ang YouTube Creator Community ay isang malaking Komunidad kung saan puwedeng kumonekta ang mga creator sa iba pang creator at matuto tungkol sa mga produkto ng YouTube.
- Partner Manager: Sinusuportahan ng Partner Manager program ang mga indibidwal na creator bilang one-on-one na personal na eksperto sa YouTube.
Nalaman kong hindi ako kwalipikado. Ano ang dapat kong gawin?
Huwag mag-alala! Maraming resource na puwede mo pa ring gamitin para palaguin ang iyong channel:
- Tingnan ang site ng Mga Creator sa YouTube.
- Hanapin ang aming pinakamahuhusay na kagawian sa aming Mga Tip para sa Creator.
- Alamin ang aming mga patakaran at alituntunin.
Paano ko malalaman kung mula talaga sa YouTube ang mga natatanggap kong email?
Alam naming maraming email na natatanggap ang mga creator tungkol sa kanilang channel. Ganito mo malalaman kung nagmula talaga sa YouTube team ang isang email:
- Tingnan ang domain ng email: Tiyaking nagmula ang email sa isang @google.com, @youtube.com, o @partnerships.withyoutube.com na email address. Malamang ay peke ang mga email mula sa anupamang domain na nagsasabing nagmula ang mga ito sa YouTube o Google.
- Tingnan ang mga link: Tiyaking ang URL ng mga link o form na nasa email ay nagtatapos sa youtube.com, withgoogle.com, withyoutube.com, youtube.secure.force.com, o youtube.force.com.