Magagawa ng mga subscriber ng YouTube Premium at YouTube Music Premium na mag-pause, magpatuloy, o magkansela, anumang oras sa panahon ng kanilang may bayad na membership.
Pindutin ang button sa ibaba para tingnan at pamahalaan ang iyong may bayad na membership. Pagkatapos, sundin ang mga hakbang sa artikulong ito para i-pause o ipagpatuloy ang membership sa YouTube Premium o YouTube Music Premium.
Tandaan: Hindi napo-pause ang mga taunang plano.Hindi available ang pag-pause at pagpapatuloy ng iyong may bayad na membership sa mga user na sinisingil sa pamamagitan ng Apple.
Paano i-pause ang iyong membership
- Pumunta sa youtube.com/paid_memberships.
- I-click ang Pamahalaan ang membership.
- I-click ang I-deactivate.
- I-click ang I-pause sa halip.
- Piliin kung ilang buwan mo gustong i-pause ang iyong membership gamit ang slider, at pagkatapos ay i-tap ang I-pause ang membership.
Kapag na-pause mo ang iyong membership:
- Puwede mong piliin ang haba ng panahong naka-pause ito, mula 1 hanggang 6 na buwan.
- Mapo-pause ang iyong membership sa pagtatapos ng kasalukuyan mong yugto ng pagsingil.
- Habang naka-pause ang iyong membership, ikaw (at ang sinumang miyembro ng pamilya sa plano mo) ay hindi magkakaroon ng access sa anumang benepisyo sa YouTube Premium o YouTube Music Premium.
- Puwede mong kanselahin ang iyong membership anumang oras sa panahong naka-pause ito.
- Kung may subscription ka sa YouTube Premium, papanatilihin ang anumang video o musikang na-download mo. Hindi mo maa-access ang mga ito hangga't hindi mo ipinagpapatuloy ang iyong membership.
- Kung may subscription ka sa YouTube Music Premium, papanatilihin ang anumang musikang na-download mo. Hindi mo maa-access ang mga ito hangga't hindi mo ipinagpapatuloy ang iyong membership.
- Kapag natapos na ang iyong status na naka-pause, awtomatiko kang sisingilin para sa iyong susunod na buwan ng serbisyo sa karaniwan mong buwanang presyo. Kung nagbago ang presyo ng iyong plan habang naka-pause ang membership mo, sisingilin ka sa dating rate nang isang beses bago ka ilipat sa bagong presyo. Aabisuhan ka namin sa pamamagitan ng email nang hindi bababa sa 30 araw bago ang pagtaas ng presyo sa iyong bansa/teritoryo.
- Puwede mong i-unpause at ipagpatuloy ang iyong membership anumang oras bago ang nakaiskedyul mong petsa ng pagpapatuloy sa pamamagitan ng pagbisita sa YouTube.
- Pumunta sa youtube.com/paid_memberships.
- I-click ang Pamahalaan ang membership.
- I-click ang Ipagpatuloy.
- I-click ulit ang Ipagpatuloy.
Tandaan: Kung makatanggap ka ng YouTube Premium sa pamamagitan ng subscription sa Pixel Pass, matuto pa tungkol sa kung paano pamahalaan ang iyong account dito.
Simula sa 2022, ang mga bagong subscriber ng YouTube Premium at Music Premium na nag-sign up sa Android ay sisingilin sa pamamagitan ng Google Play. Hindi maaapektuhan ng pagbabagong ito ang mga kasalukuyang subscriber. Puwede mong bisitahin ang payments.google.com para makita ang mga kamakailang singil at makita kung paano ka sinisingil. Para mag-request ng refund para sa pagbili sa Google Play, sundin ang mga hakbang na nakabalangkas dito.