Itakda ang mga alituntunin ng iyong channel

Sa ngayon, sinusubukan namin ang mga alituntunin ng channel sa isang maliit na grupo ng mga creator. Pagkatapos ng pagsubok, gagawin namin itong available sa mas marami pang creator sa hinaharap batay sa feedback.
Tandaan:  Hindi makikita ang mga alituntunin sa Desktop. 

Isinasaad sa mga alituntunin ng channel ang mga uri ng mga pag-uusap na gusto mong makita sa iyong channel. 

Makikita ng mga manonood ang mga alituntunin ng iyong channel bago mag-iwan ng komento sa video mo o habang nasa iyong live chat.

Narito kung paano magsimula:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, i-click ang Mga Setting.
  3. Piliin ang Komunidad at pagkatapos ay Mga alituntunin ng channel.
  4. Maglagay ng mensahe ng pagbati at ilagay ang unang alituntunin ng iyong channel. Puwede kang magdagdag ng hanggang 3.
  5. I-click ang  MAGDAGDAG NG ALITUNTUNIN para magdagdag ng hanggang dalawa pang alituntunin.
  6. I-click ang I-SAVE.

Hindi awtomatikong itatago o aalisin ang mga komento o mensahe sa live chat dahil sa iyong mga custom na alituntunin. Tutulong lang ang mga itong magtakda ng mga inaasahan para sa mga komento na posibleng i-hold mo o ng mga moderator ng iyong channel para masuri.

Bagama't hindi awtomatikong ipapatupad ng YouTube ang alinman sa iyong mga custom na alituntunin, patuloy naming awtomatikong ipapatupad ang aming Mga Alituntunin ng Komunidad.

Matuto pa tungkol sa mga alituntunin ng channel

Ano ang dapat kong ilagay sa aking mensahe ng pagbati at sa mga alituntunin ng channel?

Posibleng hindi pamilyar sa iyong channel ang mga first-time na manonood kapag nagkomento sila sa mga video mo o nakilahok sila sa mga live chat. Sumulat ng mensahe ng pagbati kung saan malugod mong tinatanggap ang iyong audience at hinihikayat mo silang sundin ang iyong mga alituntunin. Puwede mong isulat ang:

“Welcome sa channel ko! Pakisunod ang mga alituntunin ng channel ko kapag sumali ka sa pag-uusap.”

Ipinapaalam ng iyong mga alituntunin sa mga manonood kung paano makipag-usap sa channel mo. Sumulat ng mga alituntunin na nagsusulong ng mga uri ng pag-uusap na gusto mong makita sa iyong channel. Kasama sa ilang halimbawa ng magagandang panuntunan ang:

  • Maging mabait at magalang
  • Huwag magpaligoy-ligoy
  • Puwedeng-puwedeng magtanong
  • Bawal i-promote ang sarili o mang-spam
  • Hamunin ang argumento, hindi ang tao

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5802956577995880291
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false