I-save at i-manage ang mga track

Available na ngayon ang Creator Music sa mga creator sa U.S. sa Partner Program ng YouTube (YouTube Partner Program o YPP). Nakabinbin ang pagiging available nito sa mga creator sa YPP sa labas ng U.S.
Tandaan: Ang mga feature na inilalarawan sa artikulong ito ay available sa pamamagitan ng isang web browser.

Sa Creator Music, kung makakahanap ka ng track na gusto mo, puwede mo itong i-save sa iyong library. Sa page na Iyong library, puwede mong tingnan, i-filter, at i-sort ang isang listahan ng mga track na na-save, na-download, at nilisensyahan mo.

Mag-save ng track sa iyong library

Para mag-save ng track sa iyong library:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio sa isang web browser.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Creator Music .
  3. Maghanap ng track na gusto mong i-save.
  4. Mag-hover sa track at i-click ang “Idagdag ang track sa iyong library”  mula sa kahit anong listahan ng track o mula sa player bar.

Matitingnan mo ang mga track na idinagdag mo sa library mo sa page na Iyong library.

Tingnan ang iyong library

Para tingnan ang mga track na naka-save sa iyong library:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio sa isang web browser.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Creator Music .
  3. I-click ang Iyong library.
    • I-filter: I-click ang dropdown para i-filter ang mga track ayon sa Na-save, Na-download, o Nilisensyahan.
    • Pagbukud-bukurin: I-click ang dropdown para pagbukud-bukurin ang mga track ayon sa Petsa kung kailan idinagdag (pinakabago), Pamagat ng track (A–Z), o Pamagat ng track (Z–A).

Mag-alis ng track sa iyong library

Para alisin ang track sa iyong library, i-click ang icon na puso  sa kahit ano sa mga lokasyong ito:

  • Mula sa page na Iyong library
  • Mula sa kahit anong listahan ng track kung saan makikita ang track
  • Mula sa player bar kapag nagpe-play o naka-pause ang track
Gustong matuto pa? Tingnan ang aming Mga FAQ tungkol sa Creator Music.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13640998200517356884
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false