Ang Creator Music ay isang lumalaking catalog ng de-kalidad na musika na puwedeng gamitin ng mga creator sa mga video nang hindi nawawalan ng pag-monetize. Ang ilang kanta ay puwedeng ilisensya kaagad, na magbibigay-daan sa mga creator na makapagpanatili ng buong pag-monetize. Ang ilang kanta ay puwedeng maging karapat-dapat para makipag-share sa kita sa may-ari ng mga karapatan sa track.
Para magsimula sa Creator Music, panoorin ang video na ito:
Buksan ang Creator Music
Ang Creator Music ay nasa YouTube Studio. Para buksan ang Creator Music:
- Mag-sign in sa YouTube Studio sa isang web browser.
- Mula sa kaliwang menu, piliin ang Creator Music .
Maghanap at mag-preview ng mga track
May maraming paraan para mahanap ang mga paborito mong track sa Creator Music:
- Mag-browse ng mga itinatampok na track sa Home page
- Mag-browse ng mga track sa mga kategoryang tulad ng genre at mood
- Maghanap ng partikular na track o artist
- Maghanap ng mga track na nalilisensyahan o kwalipikadong mag-share ng kita
Habang nag-e-explore ka, puwedeng i-preview ang mga kanta para matulungan kang magpasya kung akma ito sa iyong content. Ang mga preview ng ilang track na puwedeng ilisensya ay puwedeng i-download para matiyak mong bagay ang kanta mo sa iyong video bago mo ito ilisensya. Tandaang ang mga track na minamarkahan bilang kwalipikado sa pag-share ng kita ay hindi mada-download.
Puwede mo ring i-preview ang mga detalye ng paggamit ng isang track para malaman mo kung paano mo magagamit ang isang kanta bago mo ito gamitin sa iyong video. Matuto pa tungkol sa paghahanap at pag-preview ng mga track.
I-save at i-manage ang mga track
Kapag nakahanap ka ng kantang gusto mo, puwede mo itong i-save sa iyong library. Sa page na Iyong library, puwede mong i-view, i-filter, at i-sort ang isang listahan ng mga track na na-save, na-download, at nalisensya mo. Matuto pa tungkol sa pag-save at pamamahala ng mga track.
Kumuha ng lisensya
Kapag nakahanap ka na ng track na malilisensya na gusto mong gamitin, puwede mong kunin nang direkta ang lisensya sa Creator Music o kapag nag-upload ka ng video na gumagamit sa track.
Kapag naglilisensya ka ng track, pinapanatili mo ang buong pag-monetize ng iyong video na gumagamit sa track. Tandaang ang mga track na nalilisensyahan ay puwede ring maging kwalipikadong mag-share ng kita kung natutugunan ng paggamit mo sa kanta ang mga requirement sa pag-share ng kita. Matuto pa tungkol sa paglilisensya.
Mag-share ng kita
Kapag gumagamit ka ng mga track na kwalipikado para sa pag-share ng kita , paghahatian ninyo ng mga may-ari ng mga karapatan sa track ang kita ng video, basta't nakakatugon ang iyong video sa mga kinakailangan sa pag-share ng kita. Ang ilang track na nalilisensyahan ay puwede ring maging kwalipikadong mag-share ng kita kung natutugunan ng video mo ang mga requirement sa pag-share ng kita. Matuto pa tungkol sa kung paano gumagana ang pag-share ng kita.
Matuto pa
Makakuha ng mga sagot sa mga karaniwang tanong tungkol sa paglilisensya ng mga track, pag-share ng kita sa mga may-ari ng mga karapatan, at kung paano gamitin ang Creator Music sa aming Creator Music FAQ.