Maglisensya ng mga track

Available na ngayon ang Creator Music sa mga creator sa U.S. sa Partner Program ng YouTube (YouTube Partner Program o YPP). Nakabinbin ang pagiging available nito sa mga creator sa YPP sa labas ng U.S.
Tandaan: Ang mga feature na inilalarawan sa artikulong ito ay available sa pamamagitan ng isang web browser.

Gamit ang Creator Music, puwedeng lisensyahan ang ilang kanta, na nangangahulugang magbabayad ang mga creator ng paunang bayad (o walang bayad para sa ilang track) para magamit ang musika sa kanilang video at panatilihin ang ganap na share ng kita ng video.

Maghanap ng musikang lilisensyahan

Para maghanap ng mga track na puwede mong lisensyahan:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio sa isang web browser.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Creator Music .
  3. Sa mga page na Home o Mag-browse, pumunta sa search bar at ilagay ang mga termino para sa paghahanap, tulad ng pamagat ng kanta o pangalan ng artist.
  4. Tingnan ang box na Available na lisensya sa itaas ng iyong mga resulta ng paghahanap.
Tandaan:
  • Sa page na Home, makikita mo ang mga nalilisensyahang track sa Mga itinatampok na nalilisensyahang track.
  • Nakalista ang mga nalilisensyahang track na may presyo sa tabi ng mga ito.
  • Kung ayaw mong bumili ng lisensya, posibleng kwalipikado rin ang mga nalilisensyahang track para magbahagi ng kita kung natutugunan ng video mo ang mga kinakailangan sa paggamit ng pagbabahagi ng kita.

Kumuha ng lisensya

Kapag nakahanap ka na ng nalilisensyahang track, may ilang paraan para malisensyahan mo ito:

  • Sa Creator Music
  • Habang nag-a-upload
  • Pagkatapos ng pag-upload
Sa Creator Music

Para maglisensya ng mga track sa Creator Music:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio sa isang web browser.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Creator Music .
  3. Maghanap ng track na gusto mong lisensyahan.
  4. I-click ang "Higit pang pagkilos" '' at pagkatapos ay Bilhin ang lisensya
  5. Suriin ang mga detalye ng lisensya.
    • Mga may bayad na lisensya: I-click ang BILHIN ANG LISENSYA at pagkatapos ay Ilagay ang impormasyon sa pagbabayad at pagkatapos ay BAYARAN NGAYON at pagkatapos ay I-DOWNLOAD ANG TRACK.
    • Mga walang bayad na lisensya: I-click ang I-DOWNLOAD.
  6. Para magamit ang lisensya, idagdag ang lisensya sa iyong video habang nag-a-upload.
Habang nag-a-upload

Kapag nag-upload ka ng video na gumagamit ng track sa Creator Music, kailangan mong idagdag ang impormasyon ng lisensya sa video file na ina-upload mo. Puwede ka ring bumili ng lisensya sa pag-upload kung hindi mo pa iyon nagagawa. Magagawa mo ang lahat ng ito mula sa page na Mga Element ng Video:

  1. Magsimulang mag-upload ng video gamit ang isang web browser.
  2. Sa page na Mga Element ng Video, sa seksyong Magdagdag ng mga lisensya sa musika, i-click ang IDAGDAG.
  3. Hanapin ang mga track na ginamit mo sa video na ina-upload mo.
    • I-click ang Binili para sa mga track na nabili mo na.
    • I-click ang Na-download para sa mga track na na-download mo.
    • I-click ang Na-save para sa mga track na na-save mo sa iyong library.
  4. Para sa mga track na Na-download o Na-save, i-click ang presyo. Para sa mga track na Binili , i-click ang IDAGDAG at lumaktaw sa Hakbang 6.
  5. Suriin ang mga detalye ng lisensya.
    • Mga may bayad na lisensya: I-click ang BILHIN ANG LISENSYA at pagkatapos ay Ilagay ang impormasyon sa pagbabayad at pagkatapos ay BAYARAN NGAYON at pagkatapos ay IDAGDAG ANG LISENSYA.
    • Mga walang bayad na lisensya: I-click ang IDAGDAG ANG LISENSYA.
  6. Suriin ang page na Mga detalye ng copyright ng video para kumpirmahing naidagdag ang lisensya sa iyong video.
    • Para magdagdag ng higit pang lisensya, ulitin ang Mga Hakbang 2-5 sa itaas.
  7. I-click ang BUMALIK SA PAG-UPLOAD para tapusin ang proseso ng pag-upload.

Tandaan:

  • Puwede ka ring magdagdag ng mga lisensya mula sa page na Mga Pagsusuri kung nakikita ang mga track sa Creator Music sa proseso ng Mga Pagsusuri. Sa page na Mga Pagsusuri, i-click ang IDAGDAG ANG LISENSYA at kumpletuhin ang mga hakbang sa paglilisensya.Kung nakapagdagdag ka na ng lisensya sa page na Mga Element ng Video, lalabas ang lisensya sa page na Mga Pagsusuri.
  • Sa page na Visibility, kung nakatakda ang mga setting ng privacy ng iyong video sa Pribado o Hindi Nakalista, o kung Draft ang isang video, puwedeng alisin at idagdag sa iba pang video ang anumang lisensyang idinagdag mo. Hindi ito magagawa kapag naitakda na ang isang video sa Pampubliko. Alamin kung paano mag-alis ng mga lisensya.
Pagkatapos ng pag-upload

Posible ang paglilisensya ng mga track pagkatapos ng pag-upload sa loob ng maikling oras pagkatapos ma-publish ang isang video. Para makakuha ng lisensya pagkatapos ng pag-upload:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio sa isang web browser.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content .
  3. Hanapin ang video na may track na gusto mong lisensyahan.
  4. I-click ang thumbnail ng video.
  5. Sa kaliwang menu, piliin ang Copyright .
    • Mga may bayad na lisensya: I-click ang BILHIN ANG LISENSYA at pagkatapos ay Ilagay ang impormasyon sa pagbabayad at pagkatapos ay BAYARAN NGAYON.
    • Mga walang bayad na lisensya: I-click ang IDAGDAG ANG LISENSYA.
 
Tip: Tingnan ang resibong na-email sa iyo para sa mahalagang impormasyon tungkol sa kung paano magagamit ang lisensya. Puwede mo ring tingnan ang mga detalye ng paggamit sa Creator Music. Matuto pa tungkol sa mga detalye ng paggamit para sa mga lisensya.

Mag-alis ng lisensya

Kung nakatakda ang mga setting ng privacy ng isang video sa Pribado o Hindi Nakalista, o kung Draft ang isang video, puwedeng alisin at idagdag sa iba pang video ang anumang lisensyang idinagdag sa video na iyon. Hindi ito magagawa kapag naitakda na ang isang video sa Pampubliko.

Para mag-alis ng lisensya:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio sa isang web browser.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Content .
  3. Hanapin ang video na may lisensyang gusto mong alisin.
  4. Sa column na Mga Paghihigpit, mag-hover sa Idinagdag na lisensya.
  5. I-click ang SURIIN.
  6. I-click ang Mga Pagkilos '' at pagkatapos ay Alisin ang Lisensya.
  7. I-click ang ALISIN ANG LISENSYA.
Kapag naalis na ang isang lisensya, ang nalilisensyahang track na ginamit sa video ay hindi na poprotektahan mula sa mga claim sa copyright. Puwede mong alamin kung paano mag-alis ng na-claim na content sa mga video.

Higit pang impormasyon 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
1864903815243587612
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false