Kapag nanonood sa YouTube, puwede kang mag-play ng video o playlist nang paulit-ulit sa pamamagitan ng pag-loop nito.
Para ulitin ang isang video:
- Pumunta sa screen sa panonood ng anumang video.
- Mag-right Click sa video player.
- I-click ang Loop
Uulit nang tuloy-tuloy ang video.
Para ulitin ang isang playlist:
1. Pumunta sa isang video na bahagi ng isang playlist.
2. Sa kanan, palawakin ang playlist.
3. Sa kahon ng playlist, i-click ang Loop . Uulit nang tuloy-tuloy ang video