Iruta ang mga claim para sa manual na pagsusuri

Nalalapat lang sa mga user ng Content Manager ng YouTube Studio ang mga feature na inilalarawan sa artikulong ito. Para sa impormasyon tungkol sa mga pangkalahatang patakaran ng YouTube, matuto pa rito.

Awtomatikong kine-claim ng Content ID ang mga video na na-upload ng user nang walang pangingialam ng tao, pero may opsyon kang mangailangan ng manual na pagsusuri bago maging aktibo ang claim.

Piliin ang opsyong Iruta para sa pagsusuri

Para mangailangan ng manual na pagsusuri, gumawa ng patakaran na tumutukoy ng mga panuntunan at kundisyon kung saan gusto mong kumuha ng manual na pagsusuri ang isang claim.

Halimbawa, posibleng gusto mong mag-verify ng mga claim sa mga video na tinutukoy ng Content ID bilang tumutugma sa iyong asset na mas mababa sa 50%. Kapag nagawa mo na ang patakaran, magreresulta ito sa mga pagkilos na ito:

Panuntunan Kundisyon
I-monetize ang video Kung mahigit 50% ang haba ng video na tumutugma sa asset ko
I-monetize ang video; iruta para sa pagsusuri Kung mas mababa sa 50% ang haba ng video na tumutugma sa asset ko

 

Bilang halimbawa, para i-set up ang patakaran sa itaas:

  1. Mag-sign in sa Content Manager ng Studio.
  2. Mula sa kaliwang menu, piliin ang Mga Patakaran .
  3. I-click ang MAGDAGDAG NG BAGONG PATAKARAN
  4. Maglagay ng Pangalan ng patakaran at Paglalarawan ng patakaran.
  5. I-click ang MAGDAGDAG NG PANUNTUNAN at pagkatapos ay I-monetize.
  6. I-click ang MAGDAGDAG NG KUNDISYON at pagkatapos ay Haba ng tugmang video ng user.
  7. Sa tabi ng Haba ng tugmang video ng user, piliin ang Porsyento (%) at Ay higit pa sa. Sa text box, ilagay ang 50.
  8. I-click ang MAGDAGDAG NG PANUNTUNAN at pagkatapos ay Iruta para sa pagsusuri. Itakda ang pagkilos sa I-monetize.
    • Tandaan: Puwede mo ring i-click ang MAGDAGDAG NG PANUNTUNAN at pagkatapos ay I-monetize. Pagkatapos ay i-click ang box sa tabi ng Iruta para sa pagsusuri.
  9. I-click ang MAGDAGDAG NG KUNDISYON at pagkatapos ay Haba ng tugmang video ng user.
  10. Sa tabi ng Haba ng tugmang video ng user, piliin ang Porsyento (%) at Ay mas mababa sa. Sa text box, ilagay ang 50.
  11. I-click ang I-SAVE.

Manual na magsuri ng mga claim

Kapag may natukoy na tugma ang Content ID, may malalapat na patakaran sa pagtugma sa na-claim na video. Kung nakapili ang opsyong “Iruta para sa pagsusuri” sa patakaran sa pagtugma, ituturing na potensyal na claim ang video. Nangangahulugan itong nahain ang claim, pero mananatili itong hindi aktibo hanggang sa suriin ito nang manual.

Lalabas ang mga potensyal na claim sa iyong Content Manager sa page na Mga Isyu kapag nag-filter ka ayon sa Mga Potensyal na Claim. Matitingnan mo ang mga potensyal na claim na iniruta sa pagsusuri sa pamamgitan ng pagpili sa Mga Potensyal na Claim > Iniruta sa pagsusuri. Matuto pa tungkol sa pagsusuri ng mga potensyal na claim.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9662323046469711291
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false