Kapag sinabi sa amin ng isang creator na naglalaman ng may bayad na promosyon ang kanyang video, magpapakita kami ng paghahayag sa simula ng video. Kasama sa mga may bayad na promosyon ang mga binabayarang placement ng produkto, pag-endorso, sponsorship, o iba pang komersyal na ugnayang posibleng nakaimpluwensya sa content.
| Uri ng may bayad na promosyon | Kahulugan |
|
Binabayarang placement ng produkto |
Mga video tungkol sa isang produkto o serbisyo dahil may koneksyon sa pagitan ng creator at gumagawa ng produkto o serbisyo. Mga video na ginawa para sa isang kumpanya o negosyo kapalit ng bayad o mga libreng produkto/serbisyo. Mga video kung saan direktang isinama sa content ang brand, mensahe, o produkto ng kumpanya o negosyo at binigyan ng pera o mga libreng produkto ng kumpanya ang creator para gawin ang video. |
|
Mga Pag-endorso |
Mga video na ginawa para sa isang advertiser o taga-market na naglalaman ng mensaheng sumasalamin sa mga opinyon, paniniwala, o experience ng creator. |
|
Mga Sponsorship |
Mga video na pinondohan nang buo o hindi buo ng isang kumpanya. Karaniwang pino-promote sa mga sponsorship ang brand, mensahe, o produkto ng third party nang hindi direktang isinasama ang brand, mensahe, o produkto sa content. |
Tandaang puwede ka pa ring makakita ng mga paghahayag kahit sa YouTube Premium para sa naka-sponsor na content na direktang idinagdag ng mga creator. Kung isa kang creator, alamin kung paano magdagdag ng mga binabayarang placement ng produkto, sponsorship, at pag-endorso sa iyong content.