Para sa mga bata at pamilya: Ano ang mga binabayarang placement ng produkto, sponsorship, at pag-endorso?

Ano ba ang may bayad na placement ng produkto? (Para sa Mga Bata)

Mag-subscribe sa channel na YouTube Viewers para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Kapag nanonood ka ng video, posibleng mapansin mo ang paglabas ng simbolong ito. Posibleng may text din na nagsasabing “Binayaran o nakatanggap ng mga libreng bagay ang channel na ito para gawin ang video na ito” o "May kasamang may bayad na promosyon." Nangangahulugan ito na posibleng makatanggap ng pera o mga libreng produkto mula sa isang kumpanya ang sinumang gumawa ng video.

Halimbawa, kung may ipinapakitang laruan sa video, posibleng makatanggap ng pera ang creator ng video para ipakita sa iyo ang laruan. Naroon ang laruan dahil gusto ng kumpanyang gumawa ng laruan na bilhin mo ito.

Ano ang mga binabayarang placement ng produkto, sponsorship, at pag-endorso?

Mga binabayarang placement ng produkto:

  • Mga video na ginawa para sa isang kumpanya o negosyo kapalit ng pera, mga libreng produkto, o mga libreng serbisyo.
  • Mga video kung saan direktang isinasama sa content ang brand, mensahe, o produkto ng kumpanya o negosyong iyon. Binigyan ng pera o mga libreng produkto ng kumpanya ang creator para gawin ang video.

Mga Pag-endorso: Mga video na ginawa para sa isang advertiser o taga-market na naglalaman ng mensaheng sumasalamin sa mga opinyon, paniniwala, o experience ng creator o party na nag-eendorso.

Mga Sponsorship: Mga video na pinondohan nang buo o hindi buo ng isang kumpanya, nang hindi direktang isinasama sa content ang brand, mensahe, o produkto. Sa halip, posibleng i-promote ang brand, mensahe, o naka-sponsor na produkto sa maikling video intermission. Halimbawa, posibleng mag-record ng video ang isang creator kung saan nagpipinta siya pero saglit siyang titigil para i-promote ang bagong produkto ng kanyang sponsor sa video.

Turuan ang iyong anak tungkol sa mga binabayarang placement ng produkto, sponsorship, at pag-endorso

Mahalagang maunawaan ng mga bata na posibleng makatanggap ang mga creator ng mga produkto o serbisyo bilang kapalit ng pag-promote sa kanilang mga video. Narito ang tips at tricks para sa pagtuturo sa iyong anak ng tungkol sa may bayad na promosyon:
  • Makipag-usap sa iyong mga anak tungkol sa may bayad na promosyon sa mga video at turuan silang tukuyin ang indicator ng may bayad na promosyon (). Panoorin ang maikling video na ito at hilingin sa anak mo na sabihin sa iyo kung paano tukuyin kung may kasamang may bayad na promosyon ang isang video.
  • Talakayin ang mga paboritong creator ng iyong anak at ipaliwanag kung paano sinusuportahan ng ilan sa mga creator na ito ang channel nila sa pamamagitan ng binabayarang placement ng produkto. Para sa maraming creator, full-time na trabaho nila ang paggawa ng mga video sa YouTube.
  • Turuan ang iyong anak na maghanap ng mga katagang tulad ng “na-sponsor ni/ng,” “nakipag-partner kay/sa,” o “#ad."

Para sa higit pang tip sa kung paano matutulungan ang iyong anak na i-explore ang YouTube, i-download at basahin ang aming pampamilyang gabay.

Mga patakaran sa binabayarang placement ng produkto, sponsorship, at pag-endorso

Dapat sumunod ang lahat ng may bayad na promosyon sa aming mga patakaran sa ad, na nagbabawal sa mga ad sa ilang partikular na kategorya. Responsibilidad ng mga creator at ng mga brand na nakakatrabaho nila na unawain at sundin ang kanilang mga lokal at legal na obligasyong ihayag ang may bayad na promosyon sa kanilang content. Kasama sa ilan sa mga obligasyong ito ang kung kailan at paano ihahayag, at kung kanino ihahayag.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
17415346878536613351
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false