Tungkol sa Demograpiko ng Creator sa YouTube

Boluntaryo ang pag-share ng Demograpiko ng Creator para sa mga creator at artist sa US, UK, Brazil, India, Japan, at Germany.

Makikita mo ang Demograpiko ng Creator sa seksyon ng mga setting ng YouTube Studio desktop o mobile app.

Gusto naming matiyak na inclusive at naaangkop para sa lahat ang YouTube. Ngayon, limitado ang proseso ng pagsusuri ng aming mga system dahil wala kaming impormasyon ng pagkakakilanlan tungkol sa mga channel sa YouTube. Wala kaming paraan para suriin, nang malawakan, kung paano gumagana ang aming mga produkto at patakaran sa mga channel ng mga komunidad ng creator at artist na napapabilang sa isang partikular na demograpiko o pagkakakilanlan.

Tandaan: Alam naming personal ang pagkakakilanlan; opsyonal ang pag-share ng impormasyong ito. Binibigyan kami ng setting na ito ng data ng pagkakakilanlan na hindi namin malalaman sa ibang paraan tungkol sa mga channel ng mga creator at artist sa YouTube. Iso-store sa iyong channel sa YouTube ang impormasyon ng sagot mo sa survey at hindi ito gagamitin ng iba pang produkto ng Google. Hindi gagamitin ang impormasyong ibibigay mo para maapektuhan ang performance ng indibidwal na video o channel sa mga system ng YouTube.

Paano namin ginagamit ang data ng Demograpiko ng Creator

Ginagamit namin ang nakolektang data para suriin kung paano gumagana ang YouTube para sa mga channel ng mga creator at artist na kumakatawan sa iba't ibang komunidad. Ginagamit namin ang data na shine-share mo para:

  • Masuri kung ano ang ginagawa ng aming mga algorithm at system sa content mula sa iba't ibang komunidad.
  • Maunawaan kung paano lumalaki ang iba't ibang komunidad sa YouTube.
  • Makatukoy ng mga potensyal na pattern ng pang-aabuso, kabilang ang panliligalig at pagkamuhi.
  • Mapahusay ang aming mga kasalukuyang programa, campaign, at alok.

Kung makakakita kami ng mga isyu sa aming mga system na nakakaapekto sa mga partikular na komunidad, nakatuon kaming sikaping ayusin ang mga ito. Patuloy naming ishe-share sa iyo ang aming pag-usad sa mga tuloy-tuloy na pagsisikap na ito.

Kung pipiliin mong i-share ang iyong impormasyon sa Demograpiko ng Creator, itatabi ng Google LLC ang impormasyon mo alinsunod sa Patakaran sa Privacy ng Google. Sino-store ang impormasyong shine-share mo sa iyong channel sa YouTube at hindi ito gagamitin ng iba pang produkto ng Google. Hindi ito isasapubliko nang walang pahintulot mo o gagamitin para sa mga layunin ng pag-advertise.

Narito ang higit pang detalye kung paano namin ginagamit ang data na shine-share mo:

Suriin kung ano ang ginagawa ng aming mga algorithm at system sa content mula sa iba't ibang komunidad

Makakatulong sa amin ang data na ito na maunawaan kung ano ang ginagawa ng aming mga system sa content mula sa iba't ibang komunidad.
Layunin naming mas mahusay na matukoy ang mga potensyal na isyu sa aming mga naka-automate na system. Gusto rin naming tugunan ang mga error na posibleng makita namin para makatulong na matiyak na inclusive ang mga system.

Maunawaan kung paano lumalaki ang iba't ibang komunidad sa YouTube

Gagamitin din ang data na ito para matulungan kaming maunawaan kung paano lumalaki ang iba't ibang komunidad ng creator sa YouTube.

Isang halimbawa ng kung paano namin sinusuri ang paglaki ay suriin kung paano nagmo-monetize ang iba't ibang komunidad sa YouTube. May nakarating sa aming feedback mula sa mga creator at artist tungkol sa mga sitwasyon kung saan hindi gumagana ang aming mga system ng pag-monetize tulad ng inaasahan. Nagsisikap kaming tiyaking gumagana nang maayos ang aming mga system at patakaran para sa lahat ng creator at uri ng content.

Tumukoy ng mga potensyal na mapanganib na pattern ng gawi, kabilang ang panliligalig at pagkamuhi

Kung lumalabag ang content sa aming mga patakaran sa pagkamuhi at panliligalig, aalisin namin ito. May nakarating sa aming feedback na patuloy na nakakaapekto sa maraming creator ang nakakapanakit at nakakasakit na gawi sa content at komento. Proactive kaming matutulungan ng data na ito na maunawaan kung paano posibleng makaapekto ang ganitong uri ng gawi sa iba't ibang komunidad ng creator. Papahusayin din nito ang aming mga naka-automate na system sa paglipas ng panahon.

Pahusayin ang aming mga kasalukuyang programa, campaign, at alok

Sa ilalim ng Demograpiko ng Creator, puwede kang magbigay ng pahintulot para magamit namin ang iyong impormasyon para magpadala ng mga imbitasyon sa mga programa at event. Posibleng makatulong sa amin ang impormasyong ito na mas maunawaan ang mga kasalukuyang programa, campaign, at alok namin. Kabilang sa mga alok na ito ang mga programa tulad ng mga event at programa ng creator para tulungang humusay ang mga bagong creator. Nagsasagawa rin kami ng mga pananaliksik kasama ang mga creator tulad ng mga focus group, in-person na feedback session, survey, at iba pang uri ng pananaliksik. Sa pamamagitan ng pagsisikap na ito, maipaparating namin ang mga pananaw ng mga creator sa aming mga team ng pag-develop ng produkto. Magbibigay-daan sa amin ang impormasyon mula sa Demograpiko ng Creator na magpadala ng mga imbitasyon sa pananaliksik sa higit pang creator na nagpapakita ng diversity ng mga komunidad sa YouTube.

I-edit o i-delete ang impormasyon sa iyong sagot

Puwede mong i-edit ang impormasyong shine-share mo nang isang beses sa loob ng 45 araw. Makikita sa Studio ang susunod na posibleng petsa kung kailan mo puwedeng subukan ulit na magpadala ng impormasyon. Puwede ring ganap na i-delete ang iyong mga sagot.

Tandaan: Kung pipiliin mong i-edit o i-delete ang impormasyong ito, hindi nito maaapektuhan ang performance ng iyong content sa YouTube.

I-edit ang mga sagot sa Demograpiko ng Creator sa YouTube Studio:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwa, i-click ang Mga Setting.
  3. Piliin ang Demograpiko ng Creator.
  4. Piliin ang I-EDIT ANG SURVEY.
  5. I-edit ang iyong mga sagot.
  6. Piliin ang ISUMITE.

I-edit ang mga sagot sa Demograpiko ng Creator sa YouTube Studio app:

  1. Buksan ang YouTube Studio app .
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile .
  3. I-tap ang Mga Setting sa menu.
  4. Sa ilalim ng Channel, i-tap ang Demograpiko ng Creator.
  5. Piliin ang I-EDIT ANG SURVEY.
  6. I-edit ang iyong mga sagot.
  7. Piliin ang ISUMITE.

I-delete ang mga sagot sa Demograpiko ng Creator sa YouTube Studio:

  1. Mag-sign in sa YouTube Studio.
  2. Sa kaliwa, i-click ang Mga Setting.
  3. Piliin ang Demograpiko ng Creator.
  4. Piliin ang I-DELETE ANG DATA.
  5. Piliin ang I-DELETE kapag nag-pop up ang window ng kumpirmasyon.

I-delete ang mga sagot sa Demograpiko ng Creator sa YouTube Studio app:

  1. Buksan ang YouTube Studio app .
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile .
  3. I-tap ang Mga Setting sa menu.
  4. Sa ilalim ng Channel, i-tap ang Demograpiko ng Creator.
  5. Piliin ang I-DELETE ANG DATA.
  6. Piliin ang I-DELETE kapag nag-pop up ang window ng kumpirmasyon.

I-download ang mga sagot sa Demograpiko ng Creator:

Para i-download ang iyong data ng demograpiko ng Creator, sundin ang mga tagubiling ito. Kung gusto mong mag-download ng data para sa iyong channel o mga channel sa YouTube, dapat kang mag-sign in gamit ang personal na Google Account mo, hindi isang Brand Account.

Matuto pa tungkol sa Demograpiko ng Creator

Kailan ninyo gagawing available ang setting na ito sa iba pang bansa o rehiyon at mas marami pang pagkakakilanlan?

Pinaplano naming gawin itong available sa mas marami pang bansa at rehiyon sa lalong madaling panahon. Alam naming hindi ipinapakita ng mga kategorya at pagpipilian sa survey ang lahat ng paraan kung paano posibleng tukuyin ng mga indibidwal sa buong mundo ang kanilang pagkakakilanlan. Layunin naming palawakin ang mga kategorya at pagpipiliang ito sa hinaharap.

Ang setting na ito ay dagdag pa sa iba pang mga pagsisikap para matulungan kaming pagandahin ang experience para sa lahat ng creator at viewer. Halimbawa, patuloy na nakikipagtulungan YouTube sa mga manonood at creator na may mga kapansanan para gawing mas madaling ma-access ang platform at para makatulong na matiyak na may inclusive na experience ang lahat sa YouTube.

Kailangan ko bang sagutin ang bawat tanong sa Demograpiko ng Creator?

Hindi, kung pipiliin mong punan ang Demograpiko ng Creator, opsyonal ang bawat tanong. Puwede mong iwang blangko ang ilang partikular na tanong o piliin ang “Mas gustong hindi sagutin.”

Maaapektuhan ba ng setting na ito ang performance ng channel ko?

Hindi gagamitin ang impormasyong ishe-share mo para maapektuhan ang performance ng indibidwal na content sa mga system ng YouTube.

Gusto naming matiyak na walang ipinapakitang hindi sadyang bias ang aming mga system. Gagamitin ang data mula sa Demograpiko ng Creator para suriin ang mga bahagi ng YouTube tulad ng aming mga system ng Search, Discovery, at Pag-monetize. Kung makakakita kami ng mga error na nakakaapekto sa ilang partikular na komunidad, pagtutuunan namin ng pansin ang pagpapahusay sa pagsasanay ng aming system para gawing mas tumpak at inclusive ang mga ito.

Paano ninyo ginawa ang questionnaire ng Demograpiko ng Creator?

Nakipagtulungan kami sa mga eksperto sa mga karapatang sibil at pantao, at mga creator na kumakatawan sa iba't ibang komunidad sa bawat bansa kung saan inilulunsad ang Demograpiko ng Creator.

Ishe-share ba sa labas ng YouTube ang aking mga sagot?

Iso-store sa iyong channel sa YouTube ang impormasyong ishe-share mo sa Survey sa Creator at Artist o setting ng Demograpiko ng Creator, at hindi gagamitin ng iba pang produkto ng Google. Hindi ito isasapubliko nang walang karagdagang pahintulot mo, at hindi ito gagamitin para sa mga layunin ng pag-advertise. Hindi namin ishe-share ang impormasong ito sa mga advertiser o gagamitin ito para sa pag-target ng mga ad.

Puwede mong piliin kung magbibigay ka ng pahintulot sa amin na gamitin ang iyong impormasyon para magpadala ng mga imbitasyon sa mga programa at event. Posibleng kabilang dito ang pag-highlight sa iyong channel o content; o mga workshop, pananaliksik tungkol sa user, o iba pang campaign.

Puwede ko bang i-update/i-edit ang aking impormasyon pagkatapos itong maisumite?

Puwede mong i-edit ang iyong mga sagot sa Demograpiko ng Creator nang isang beses sa loob ng 45 araw na period. Makikita sa Studio ang susunod na posibleng petsa kung kailan mo puwedeng subukan ulit na magpadala ng impormasyon. Puwede ring ganap na i-delete ang iyong mga sagot.

I-edit ang mga sagot sa Demograpiko ng Creator:

  1. Mag-sign in sa YouTube sa isang computer o gamitin ang YouTube Studio app gamit ang iyong account ng may-ari ng channel.
  2. Pumunta sa Mga Setting ng YouTube Studio at piliin ang Demograpiko ng Creator.
    • Sa YouTube Studio app, makikita ang Demograpiko ng Creator sa pamamagitan ng pag-tap sa iyong larawan sa profile at pag-tap sa Mga Setting .
  3. Piliin ang I-EDIT ANG SURVEY.
  4. I-edit ang iyong mga sagot.
  5. Piliin ang ISUMITE.

Mag-delete ng mga sagot sa Demograpiko ng Creator:

  1. Mag-sign in sa YouTube sa isang computer o gamitin ang YouTube Studio app sa pamamagitan ng iyong account ng may-ari ng channel.
  2. Pumunta sa Mga Setting ng YouTube Studio at piliin ang Demograpiko ng Creator.
    • Sa YouTube Studio app, makikita ang Demograpiko ng Creator sa pamamagitan ng pag-tap sa iyong larawan sa profile at pag-tap sa Mga Setting .
  3. Piliin ang I-DELETE ANG DATA.
  4. Piliin ang I-DELETE kapag lumabas ang window ng kumpirmasyon.

I-download ang mga sagot sa Demograpiko ng Creator:

Para i-download ang iyong data ng demograpiko ng Creator, sundin ang mga tagubiling ito. Kung gusto mong mag-download ng data para sa iyong channel o mga channel sa YouTube, dapat kang mag-sign in gamit ang personal na Google Account mo, hindi isang Brand Account.

Mababago ba nito ang anumang impormasyon tungkol sa aking Google account?

Iso-store sa iyong channel sa YouTube ang impormasyong ishe-share mo sa Survey sa Creator at Artist o setting ng Demograpiko ng Creator. Hindi ito gagamitin ng iba pang produkto ng Google.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
5829199893351577157
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false
false