Pamahalaan ang mga setting ng subtitle

Available ang mga caption (mga subtitle) sa mga video kung saan idinagdag ng may-ari ang mga ito, at sa ilang video kung saan awtomatikong idinaragdag ng YouTube ang mga ito. Puwede mong baguhin ang mga default na setting para sa mga caption sa iyong computer o mobile device.

Mga setting ng caption sa YouTube

Mag-subscribe sa channel na YouTube Viewers para sa mga pinakabagong balita, update, at tip.

Puwede kang mag-customize ng mga caption sa pamamagitan ng pagbabago ng hitsura at wika ng mga ito.

I-on o i-off ang mga caption

  1. Pumunta sa page sa panonood ng anumang video.
  2. I-tap ang video player nang isang beses para ipakita ang mga opsyon, i-tap ang  para i-on ang Mga Caption.
  3. Para i-off ang Mga Caption, i-tap ulit ang .
Tandaan: Kung hindi mo nakikita ang , hindi available ang Mga Closed Caption (CC) para sa video na ito.

Baguhin ang default na laki at istilo ng mga caption

  1. Buksan ang Settings app ng iyong iPhone o iPad.
  2. Pumunta sa Accessibility.
  3. Sa ilalim ng seksyong “Hearing,” i-tap ang Subtitles & Captioning.
  4. I-tap ang Style para baguhin ang laki at istilo ng display at font.
  5. I-tap ang Create New Style para sa higit pang istilo, laki, at kulay.

Baguhin ang default na setting ng pag-on o pag-off

  1. Buksan ang Settings app ng iyong iPhone o iPad.
  2. Pumunta sa Accessibility.
  3. Sa ilalim ng seksyong “Hearing,” i-tap ang Subtitles & Captioning.
  4. I-tap ang Closed Captions + SDH para palaging magpakita ng mga caption kapag available.

Pumili ng wika ng caption

Para pumili ng ibang wika ng caption:
  1. Sa kanang bahagi sa itaas ng video player, i-click ang Higit pa .
  2. I-click ang Mga Caption.
  3. Pumili ng wika.
Kung hindi nakalista ang wika kapag na-click mo ang Mga Subtitle/CC:
  1. I-click ang Auto-translate.
  2. Pumili ng wika.

Tingnan ang transcript ng mga caption

Para sa mga video na may mga caption, magagawa mong tingnan ang buong transcript ng mga caption, at pumunta sa mga partikular na bahagi ng video.
  1. Pumunta sa paglalarawan ng video, at i-tap ang Ipakita ang transcript. Habang pinapanood mo ang video, magso-scroll ang transcript para ipakita sa iyo ang kasalukuyang text ng caption.
  2. Mag-tap sa anumang linya ng text ng caption sa bahaging iyon ng video.
Tandaan: Magagawa mo sa ilang video na maghanap sa pamamagitan ng pag-type ng mga partikular na keyword sa search bar sa itaas ng transcript.

Mga setting ng caption sa TV at mga game console

Puwede mong piliin o baguhin ang iyong mga setting ng caption sa anumang TV, game console, o media device na sumusuporta sa YouTube.

  1. I-pause ang video na pine-play mo.
  2. I-tap ang Mga Caption .
  3. Piliin ang wikang gusto mong gamitin sa Mga Caption.
  4. Pumili ng istilo ng Caption.
  5. Piliin ang mga setting na gusto mong i-customize. Puwede mong baguhin ang font at ang hitsura nito. Puwede mo ring baguhin ang background at window kung saan ipinapakita ang mga caption.
Tandaan: Kung hindi nag-aalok ng mga caption ang video, posibleng makita ang  pero hindi ito mapipili. Kung hindi makikita ang , hindi available ang mga caption para sa video na iyon.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
13920363068066523224
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false