Pamahalaan ang mga setting ng subtitle

Available ang mga caption (mga subtitle) sa mga video kung saan idinagdag ng may-ari ang mga ito, at sa ilang video kung saan awtomatikong idinaragdag ng YouTube ang mga ito. Puwede mong baguhin ang mga default na setting para sa mga caption sa iyong computer o mobile device.

Mga setting ng caption sa YouTube

Puwede kang mag-customize ng mga caption sa pamamagitan ng pagbabago ng hitsura at wika ng mga ito.

I-on o i-off ang mga caption

  1. Pumunta sa video na gusto mong panoorin.
  2. Kung may mga available na caption, makikita ang sa kanang bahagi sa ibaba ng video player.
  3. Para i-on ang Mga Caption, i-click ang  .
  4. Para i-off ang mga caption, i-click ulit ang .

I-on o i-off ang default na setting

  1. I-click ang iyong larawan sa profile  .
  2. I-click ang Mga Setting  .
  3. Sa kaliwang Menu, i-click ang Pag-playback at performance.
  4. Lagyan ng check o i-uncheck ang Palaging magpakita ng mga caption.
  5. Lagyan ng check o i-uncheck ang Isama ang mga awtomatikong binuong caption (kapag available). Ino-on o ino-off ng opsyong ito ang mga awtomatikong caption para sa mga video na walang naidagdag na caption.

Baguhin ang default na laki at istilo ng mga caption

Baguhin ang laki at istilo ng caption

  1. Sa kanang bahagi sa ibaba ng video player, i-click ang Mga Setting  .
  2. I-click ang Mga Subtitle/CC.
  3. I-click ang Mga Opsyon.

​Puwede mong i-customize ang:

  • Font, kulay, opacity, at laki.
  • Kulay at opacity ng background.
  • Kulay at opacity ng window.
  • Istilo ng edge ng character.
Tandaan: Ang mga setting na ito ang iyong magiging default na mga setting ng format ng mga caption hanggang sa baguhin mo ulit ang mga ito o i-click mo ang I-reset para bumalik sa default na format ng mga caption.

Pumili ng wika ng caption

Para pumili ng ibang wika ng caption:
  1. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Mga Setting  .
  2. I-click ang Mga Subtitle/CC.
  3. Pumili ng wika.

Kung hindi nakalista ang wika kapag na-click mo ang Mga Subtitle/CC:

  1. I-click ang Auto-translate.
  2. Pumili ng wika.

Tingnan ang transcript ng mga caption

Para sa mga video na may mga caption na idinagdag ng may-ari, magagawa mong tingnan ang buong transcript ng mga caption, at pumunta sa mga partikular na bahagi ng video.
  1. Sa ilalim ng kanang sulok sa ibaba ng video player, i-click ang Higit pa .
  2. I-click ang Buksan ang Transcript. Habang pinapanood mo ang video, magso-scroll ang transcript para ipakita sa iyo ang kasalukuyang text ng caption.
  3. Mag-click sa anumang linya ng text ng caption para pumunta sa bahaging iyon ng video.

Mga setting ng caption sa TV at mga game console

Puwede mong piliin o baguhin ang iyong mga setting ng caption sa anumang TV, game console, o media device na sumusuporta sa YouTube.

  1. I-pause ang video na iyong pine-play.
  2. I-tap ang Mga Caption  .
  3. Piliin ang wika na gusto mong gamitin sa mga Caption.
  4. Pumili ng istilo ng Caption.
  5. Piliin ang mga setting na gusto mong i-customize. Puwede mong baguhin ang font at ang hitsura nito. Puwede mo ring baguhin ang background at window kung saan ipinapakita ang mga caption.
Tandaan: Kung hindi nag-aalok ng mga caption ang video, posibleng makita ang  pero hindi ito mapipili. Kung hindi makikita ang   , hindi available ang mga caption para sa video na iyon.
Nakatulong ba ito?
Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
Maghanap sa Help Center
true
59
false