I-download ang mga biniling pelikula at palabas sa TV

Puwede na ngayong panoorin offline ang mga biniling pelikula at palabas sa TV sa YouTube gamit ang YouTube app. Kapag binili o nirentahan mo ang content kung saan ka interesado, puwede itong i-download sa isang iOS o Android device at panoorin anumang oras. Hindi kakailanganing nakakonekta sa internet ang iyong device para mapanood ang content mo.

Para ma-download ang binili mo, kakailanganing naka-sign in ka sa iyong YouTube app gamit ang mismong Google Account na ginamit para bilhin ito.

Hindi mo kailangang maging subscriber sa YouTube Premium para mag-download ng biniling pelikula o episode ng palabas sa TV. Available ang feature na ito sa lahat ng user sa mga sinusuportahang device na gumagmait ng iOS 11 o mas bago at Android 16.23 o mas bago.

Paano mag-download ng mga pelikula at episode ng mga palabas sa TV

Puwede mong i-download ang mga biniling pelikula at episode ng palabas sa TV sa hanggang limang device.

Puwede lang i-download ang mga nirentahang pelikula at episode ng palabas sa TV sa isang device sa bawat pagkakataon. Para mag-download ng nirentahang video sa isa pang device, kailangan mo munang alisin ito sa unang device at pagkatapos ay i-download ulit ito sa gustong device.

Tandaan: Hindi ka puwedeng mag-download ng pelikula o episode ng palabas sa TV sa YouTube app at sa Google Play Movies & TV app sa iisang device, nang magkasabay. Kakailanganin mo munang alisin ito sa isang app para ma-download ito sa kabilang app. Mababasa mo rito sa ibaba kung paano mag-alis ng download sa YouTube. Makakakita ka pa ng impormasyon tungkol sa kung paano ito gawin sa Google Play Movies & TV app sa artikulong ito.

Para mag-download ng nirentahan o binili para sa offline na panonood, sundin ang mga hakbang na ito:

  1. Bilhin o rentahan ang pelikula o mga episode ng palabas sa TV na gusto mo sa computer o mobile device, o sa smart TV.
  2. Gamit ang iOS o Android device, mag-sign in sa YouTube app gamit ang parehong account na ginamit mo para sa pagrenta o pagbili sa content.
  3. Mag-tap sa iyong larawan sa profile .
  4. Mag-tap sa Iyong mga pelikula at TV. Makikita mo dapat ang mga pelikula at episode ng palabas sa TV na binili o nirentahan mo.
  5. I-tap ang pelikula o episode sa TV na gusto mong i-download para sa offline na panonood.
  6. I-tap ang I-download .
  7. Pumili ng kalidad ng video. Magiging available ang iba't ibang kalidad ng video depende sa bibilhin mong kalidad at kalidad na sinusuportahan ng device na gagamitin mo para mag-download. Hindi available na i-download ang UHD.
  8. Ang ilang pelikula o palabas sa TV ay may maraming wika na available para sa audio track. Piliin ang gustong audio track para sa pelikula o episode ng palabas sa TV. Tandaan: Magiging available para sa offline na panonood ang lahat ng subtitle na available para sa partikular na pelikula o episode ng palabas sa TV.
  9. Lalabas ang icon na ”'Na-download”  sa ibaba ng video player kapag natapos na ang pag-download.

Kung gusto mong mag-download ng maraming episode ng isang palabas, ulitin ang mga hakbang para sa bawat episode.

Sa ilang partikular na mobile device, mada-download lang ang mga video at playlist kapag nakakonekta sa isang Wi-Fi network. Para mag-download ng mga video sa pamamagitan ng mobile network:

  1. I-tap ang iyong larawan sa profile.
  2. I-tap ang Mga Setting.
  3. I-off ang Mag-download lang sa pamamagitan ng Wi-Fi sa ilalim ng "Background at Mga Download".

Paano i-access ang mga na-download na pelikula at episode ng palabas sa TV

Maa-access mo ang mga na-download mong pelikula at episode ng palabas sa TV sa YouTube app sa pamamagitan ng pag-tap sa iyong larawan sa profile , pagkatapos ay Mga Download 
Para sa mga rental: Magiging available ang iyong pelikula o mga episode ng palabas sa TV sa tagal ng panahon ng rental. Pagkatapos mong magrenta ng pelikula o episode ng palabas sa TV, mayroon kang 30 araw para simulang panoorin ito. Kapag sinimulan mo ang pelikula, mapapanood mo ito nang kahit ilang beses mong gusto hanggang sa matapos ang iyong panahon ng rental. Kadalasang 48 oras ang panahon ng rental pero nakasaad sa huling page ng pag-check out para sa isang rental ang tagal ng panahon ng rental. Tingnan ang aming Mga Panuntunan sa Paggamit para sa higit pang impomasyon.

Paano mag-alis ng mga pelikula at episode ng mga palabas sa TV sa mga download

Para mag-alis ng pelikula o episode ng palabas sa TV sa iyong mga download:
  1. Sa YouTube app, i-tap ang iyong larawan sa profile .
  2. I-tap ang Mga Download .
  3. Hanapin ang na-download na pelikula o episode ng palabas sa TV na gusto mong alisin.
  4. I-tap ang Menu '' sa tabi ng pelikula o episode ng palabas sa TV.
  5. I-tap ang I-delete sa mga download.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5362467038543336608
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
59
false
false