Kung may makikita kang maling impormasyon tungkol sa mga lugar sa iyong resulta ng paghahanap sa Google, puwede mo itong ipaalam sa amin. Kung isa kang may-ari ng negosyo, alamin kung paano pamahalaan ang impormasyon tungkol sa iyong negosyo.
Mahalaga: Hindi available ang feature na ito sa ilang bansa at rehiyon.
Mga detalye kung saan ka puwedeng magmungkahi ng mga pag-edit
Puwede kang magdagdag o mag-edit ng impormasyon tungkol sa isang lugar, gaya ng:
- Pangalan
- Address
- Lokasyon ng pananda
- Mga oras o iba pang impormasyon
Puwede ka ring magdagdag o mag-edit ng mga attribute ng negosyo na may kapaki-pakinabang na impormasyon, tulad ng:
- Mga opsyon sa delivery
- Pagiging accessible para sa mga naka-wheelchair
- May upuan sa labas
Magmungkahi ng pag-edit sa isang lugar
- Sa iyong iPhone o iPad, pumunta sa google.com o buksan ang Google app .
- Maghanap ng lugar. Sa itaas ng mga resulta ng paghahanap, naroon ang buod ng lugar.
- Sa ibaba ng buod, i-tap ang Higit pa tungkol sa [lugar] Magmungkahi ng pag-edit .
- Sundin ang mga tagubilin sa screen.
I-edit ang mga attribute ng negosyo
- Sa iyong iPhone o iPad, pumunta sa google.com o buksan ang Google app .
- Maghanap ng negosyo.
- I-tap ang Tungkol dito I-update ang lugar na ito .
- Mag-tap ng attribute at gawin itong:
- Tama
- Mali
- Hindi sigurado
- Kapag tapos ka na, i-tap ang I-post.
Magmarka ng lugar bilang sarado o lumipat
Puwede ka ring mag-flag ng lugar na:
- Permanenteng sarado
- Lumipat sa bagong lokasyon
- Wala (isang lugar na wala o hindi naman nagkaroon)
- Isang pribadong lugar o tahanan (isang lugar na hindi dapat ipakita, tulad ng bahay ng isang tao)
- Spam, peke, o nakakapanakit (isang pekeng negosyo o lugar na may nakakapanakit na content na hindi dapat ipakita)
- Duplicate (isang lugar na kopya ng isa pang lugar sa Google Maps)
Tagal ng paghihintay na ma-publish ang mga pagtatama
Paano magiging maganda ang isang pag-edit
Pangalan
Gamitin ang opisyal na pangalan ng isang lugar—ang ginagamit sa storefront o website. Huwag maglagay ng anumang karagdagang komento sa field ng pangalan.
Address
Maglagay ng opisyal na address. Kung nagmumungkahi ang Maps ng isang address na hindi kumpleto, maglagay ng mga karagdagang detalye sa address.
Pananda
Kapag naglilipat ka ng pananda, tiyaking sapat ang pagkaka-zoom in mo at lumipat sa satellite view. Makakatulong ito sa iyo na makita ang mga gusali at tumpak na mai-drop ang pananda sa lokasyon ng lugar.
Kategorya
Gumamit ng mga partikular na kategorya kapag naglalarawan ng lugar. Halimbawa, gamitin ang "Tindahan ng damit" sa halip na "Tindahan."
Oras
Ilagay ang mga oras kung kailan bukas ang isang lugar. Puwede kang magdagdag ng iba't ibang oras para sa iba't ibang araw ng linggo.
Numero ng telepono
Gamitin ang pangunahing numero ng telepono. Tingnan muna kung tama ang numerong iminungkahi mo.
Website
Gamitin ang opisyal na website. Huwag magsama ng mga link papunta sa mga social networking site, aggregator ng review, o iba pang katulad na website.