Notification

Users can now migrate Google Podcasts subscriptions to YouTube Music or to another app that supports OPML import. Learn more here

I-beta test ang Google Go

Kung mayroon kang Android device at gusto mong subukan ang ilang pang-eksperimentong feature ng Google Go bago i-release ang mga ito, puwede kang sumali sa programang beta tester.

Mag-sign up para sa beta testing

Mahalaga: Ang beta version ng Google Go ay posibleng hindi stable at may ilang maliliit na problema na tinatawag na mga bug. Hinihiling namin sa iyong huwag isapubliko o ibahagi ang mga feature na sinusubukan mo hanggang sa mailunsad na ang mga ito sa publiko.

Para maging bahagi ng programang beta testing:

  1. Bisitahin ang page sa pag-opt in ng programa para sa pag-test at mag-sign in sa iyong Google Account.
  2. I-click ang Maging tester.
  3. Sa seksyong "Kunin ang bersyon na pang-test," sundin ang mga tagubilin sa screen para magsimulang gamitin ang beta version.

Ihinto ang beta testing

  1. Bisitahin ang page sa pag-opt out ng programa para sa pag-test at mag-sign in sa iyong Google Account.
  2. Sa ilalim ng "Umalis sa programa para sa pag-test," i-click ang Umalis sa programa.
  3. Mag-update sa pinakabagong bersyon ng Google Go kapag available na ito. May nire-release na bagong bersyon nang isang beses sa isang buwan.

Mag-iwan ng feedback

Sa beta testing, magiging mahalagang bahagi ka sa pag-develop ng app. Ang iyong pagsali at feedback ay makakatulong sa amin na mag-release ng mas mahusay na bersyon ng app.

Tip: Kung gumagamit ka ng maagang pag-access o beta app, hindi ka makakapag-iwan ng mga pampublikong review sa Play Store para sa app na iyon.

Para mag-iwan ng feedback:

  1. Buksan ang Google Play Store Google Play.
  2. Hanapin ang app na gusto mong bigyan ng feedback.
  3. I-tap ang app para buksan ang page ng detalye para sa app.
  4. Sa ilalim ng seksyong "Pribadong feedback sa developer," i-tap ang Magsulat ng feedback.
  5. Mag-iwan ng iyong feedback para sa developer.
  6. I-tap ang I-post. Ang developer lang ang makakakita sa feedback, hindi ang iba pang user.

Mga madalas itanong

Puwede ba akong magkaroon ng beta version at regular na bersyon ng app?

Isang bersyon lang ng Google Go ang puwedeng naka-install sa iyong Android device.

Mawawalan ba ako ng anumang data kung lilipat ako sa beta version?

Ang paglipat sa beta version ay katulad ng karaniwang pag-update kaya hindi ka mawawalan ng anumang data o setting.

Mga inirerekomendang artikulo

Matuto pa tungkol sa Google Go.

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
12004225483124191931
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
100334
false
false