Puwede mong piliing i-save sa iyong Google Account ang impormasyon tungkol sa mga app na naka-install mula sa mga naka-sign in mong device, tulad ng pangalan at bersyon ng app. Ginagamit ang data na ito para gawing mas madaling makipag-ugnayan sa mga naka-install na app kapag ginagamit ang iyong Google Assistant o Google Search. Halimbawa, nakakatulong ito sa iyong Google Assistant na mas maunawaan kung aling app ang gagamitin para makumpleto ang isang pagkilos.
- Pumunta sa Iyong data sa Assistant o Iyong data sa Search.
- Sa ilalim ng "Mga kontrol sa buong Google," i-tap ang impormasyon ng App sa iyong mga device.
- I-on ang impormasyon ng App sa iyong mga device.
Tandaan: Hindi nakakaapekto ang setting na ito sa pag-save ng impormasyon ng naka-install na app ng iba pang serbisyo ng Google, tulad ng Google Play o Android Backup.
Mag-delete ng impormasyon ng app sa iyong mga device
Dine-delete sa Google Account mo ang impormasyon ng app mula sa iyong device kapag in-off mo ang setting. Hindi ide-delete ang iyong mga app sa mga device mo.
Paano nakakatulong sa iyo ang impormasyon ng app sa device mo
Makakatulong sa Google ang data na ito na matukoy kung aling app ang gagamitin para makumpleto ang isang gawain. Halimbawa, kapag nagsabi ka ng bagay tulad ng "Hey Google, magpatugtog ng musika" sa iyong Google Assistant o smart device, makakatulong sa Google Assistant mo ang data na ito na pumili ng bubuksang app ng musika.
Bakit naka-on ang impormasyon ng app sa iyong mga device
Na-save na dati ng setting ng Impormasyon ng Device ang data na na-save ng impormasyon ng App sa setting ng iyong mga device. Para makatulong na mapanatiling pare-pareho ang karanasan mo, naka-on ang impormasyon ng App sa setting ng iyong mga device kung naka-on ang setting ng Impormasyon ng Device mo. Puwede mong i-off ang impormasyon ng App para sa iyong mga device anumang oras.