Ano ang hitsura ng mga fact check
Sa Google Search
Kung na-fact check ng isang site ang isang claim na nauugnay sa iyong paghahanap, posibleng makakuha ka ng resulta ng paghahanap na may kasamang kahon na magsasabi sa iyo tungkol sa mga sumusunod:
- Ang claim na sinusuri
- Sino ang gumawa ng claim
- Ang pangalan ng publisher na gumagawa ng pagsusuri ng katotohanan
- Isang buod ng fact check ng publisher
Sa Google Images
Kapag nagmula ang isang larawan sa isang page na may nauugnay na na-fact check na content, posibleng makita mo ang mga sumusunod:
Sa mga resulta ng paghahanap:
- Label na "Fact Check" sa thumbnail
- Ang pangalan ng domain na nagsasagawa ng fact check
Pagkatapos mong pumili ng larawan sa mga resulta ng paghahanap:
- Ang claim
- Ang pangalan ng publisher ng fact check
- Buod ng fact check ng publisher
Sa Google News
Makakakita ka ng mga artikulong may mga fact check ng mga publisher ng balita sa ilang lugar sa Google News:
- Mga nangungunang kuwento: May label na "Fact check" ang mga artikulong ito.
- Buong Kuwento : May nakatalagang seksyong "Fact check."
- Sa isang computer: May "Fact check" card sa Google News na available sa ilang bansa.
Hindi sumasang-ayon sa isang fact check
Hindi gumagawa ng mga fact check ang Google. Kung hindi ka sumasang-ayon sa isang fact check, makipag-ugnayan sa may-ari ng website na nag-publish nito.
Mag-ulat ng spam o pang-aabuso
Kung makakakuha ka ng impormasyon sa mga resulta ng paghahanap na sa tingin mo ay spam, tulad ng hindi naaangkop na content o mga may bayad na link, puwede kang magpadala sa amin ng feedback. Makakatulong ang pagpapadala sa amin ng feedback para maayos namin ang isyu, pero hindi kami direktang sasagot sa iyo.
Sa Google Search
- Sa ibaba ng fact check, piliin ang Feedback.
- Sabihin sa amin ang isyu, at pagkatapos ay piliin ang Ipadala.
Sa Google News
Sa app
- Sa iyong telepono, buksan ang Google News app .
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-tap ang Menu .
- Mag-scroll pababa, pagkatapos ay i-tap ang Tulong at Feedback Magpadala ng feedback.
- Sabihin sa amin ang isyu, pagkatapos ay i-tap ang Ipadala .
Sa desktop
- Pumunta sa Google News
- Mag-scroll sa ibaba ng page, at pagkatapos ay i-click ang Magpadala ng feedback.
- Sabihin sa amin ang isyu, at pagkatapos ay i-click ang Ipadala.
Paano tinutukoy ng Google ang isang fact check
Kung natutugunan ng isang fact check na ginawa ng isang publisher ang ilang partikular na kinakailangan, awtomatikong ipinapakita ng Google ang buod ng fact check na iyon. Upang ibigay ang buod ng mga kinakailangan:
- Dapat ay mapagkakatiwalaang source ng impormasyon (tinutukoy sa pamamagitan ng algorithm) ang publisher ng fact check
- Malinaw dapat na sinasabi sa iyo ng content ang mga sumusunod:
- Kung aling mga claim ang sinusuri
- Mga konklusyon tungkol sa mga claim
- Kung paano naabot ang mga konklusyon
- Mga pagsipi at pangunahing mapagkukunan ng impormasyon
Tandaang hindi ineendorso ng Google ang alinman sa mga fact check na ito.
Kung isa kang developer, alamin kung paano idagdag ang structured data sa iyong page.