Hanapin at burahin ang iyong history ng Google Search

Kapag naghanap ka sa Google nang naka-on ang “Aktibidad sa Web at App,” sine-save ng Google sa iyong Google Account ang aktibidad tulad ng history ng paghahanap mo. Nakakatulong ito sa Google na pahusayin ang iyong mga resulta ng paghahanap at suhestyon.

Gamit ang Aking Aktibidad, magagawa mong:

  • Burahin ang history ng paghahanap na naka-save sa iyong Google Account.
  • Baguhin ang iyong mga setting ng paghahanap. Mapipili mo kung ano ang ise-save ng Google at kung kailan ide-delete ng Google ang iyong history.

Puwede mo ring i-delete ang lahat ng iyong aktibidad, at hindi lang ang history ng Google Search. Alamin kung paano i-delete ang iyong aktibidad.

Burahin ang iyong history ng paghahanap

Mahalaga: Kapag nabura mo na ang iyong history ng paghahanap, hindi mo na ito maibabalik.

Puwede kang magbura ng isang paghahanap o ng lahat ng iyong history ng paghahanap sa isang araw, linggo, o kailanman.

  1. Sa computer mo, pumunta sa iyong history ng paghahanap sa Aking Aktibidad.
  2. Pumili ng history ng paghahanap na gusto mong burahin.
    • Lahat ng iyong Search history: I-click ang I-delete Pababang arrow at pagkatapos I-delete ang lahat ng panahon.
    • Magbura ng mga paghahanap mula sa isang panahon: I-click ang I-delete Pababang arrow at pagkatapos I-delete ang custom na hanay.
    • Magbura ng mga paghahanap sa isang araw: Hanapin ang araw, pagkatapos ay i-click ang I-delete ang lahat ng aktibidad mula noong [araw] .
    • Magbura ng isang paghahanap: Hanapin ang paghahanap, at pagkatapos ay i-click ang I-delete ang item ng aktibidad .

Tip: Puwede mong pamahalaan ang iyong aktibidad sa I-access at kontrolin ang aktibidad sa account mo.

Kapag ginamit mo ang Google app habang naka-sign out ka sa iyong Google Account, puwedeng ma-save sa computer mo ang iyong history ng paghahanap.

Ihinto ang pag-save ng iyong history ng paghahanap

  1. Sa computer mo, pumunta sa iyong history ng paghahanap sa Aking Aktibidad.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Kontrol.
  3. Sa ilalim ng "Aktibidad sa Web at App," i-click ang I-off.
  4. I-click ang I-off o I-off at i-delete ang aktibidad.
    • Kung pipiliin mo ang “I-off at i-delete ang aktibidad,” sundin ang mga hakbang para piliin kung ano ang gusto mong burahin.

Tip: Hindi mase-save sa Google Account mo ang iyong history ng paghahanap kapag naghahanap at nagba-browse ka sa Incognito mode.

Awtomatikong burahin ang iyong history ng paghahanap

Mahalaga: Kung itatakda mong awtomatikong mabubura ang iyong history ng paghahanap, mabubura mo pa rin ito.

  1. Sa computer mo, pumunta sa iyong history ng paghahanap sa Aking Aktibidad.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Kontrol.
  3. Hanapin ang "Aktibidad sa Web at App."
  4. I-click ang mga salita sa ilalim ng "Awtomatikong i-delete (Naka-off)" o "Awtomatikong i-delete (Naka-on)."
  5. Piliin ang gusto mong gawin.
    • Batay sa kung kailan mo gustong awtomatikong mabura ang iyong history ng paghahanap, i-click ang Awtomatikong i-delete ang aktibidad na lampas na sa at pumili sa mga sumusunod:
      • 3 buwan
      • 18 buwan
      • 36 na buwan
    • Kung ayaw mong awtomatikong mabura ang iyong history ng paghahanap, i-click ang Huwag awtomatikong i-delete ang aktibidad.
  6. I-click ang Susunod.

Baguhin ang history ng paghahanap na naka-save sa iyong computer

Burahin ang history ng pag-browse

Kahit na hindi naka-save ang iyong history ng paghahanap sa Google Account mo, o na-delete mo ito sa Aking Aktibidad, posibleng subaybayan ito ng iyong browser.

Puwede mong burahin ang iyong history ng pag-browse sa:

I-off ang pag-customize ng paghahanap habang naka-sign out sa iyong Google Account

Kung naka-sign out ka sa iyong Google Account kapag naghanap ka sa Google, puwede kang makakita ng mga rekomendasyong nauugnay sa kasalukuyan mong paghahanap. Kung ayaw mo nito, i-off ang pag-customize ng paghahanap.

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Google.
  2. Sa ibaba, i-click ang Mga Setting at pagkatapos Mga setting ng paghahanap at pagkatapos Pag-customize ng paghahanap.
  3. I-off ang Pag-customize ng paghahanap.

Paano binubura ng Google ang iyong history sa Google Account mo

Kapag pinili mong manual o awtomatikong mag-delete ng aktibidad, sisimulan nito ang pag-aalis ng iyong aktibidad sa produkto at system.

Una, layunin naming alisin ito para hindi na makita at posibleng hindi na magamit ang data para i-personalize ang experience mo sa Google.

Pagkatapos ay magsisimula kami ng prosesong idinisenyo para i-delete nang ligtas at tuluyan ang data sa aming mga storage system.

Para sa mga limitadong layunin, gaya ng mga requirement sa negosyo o legal requirement, posibleng magpanatili ang Google ng ilang partikular na uri ng data sa loob ng mas matagal na panahon.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu
18147863231364616249
true
Maghanap sa Help Center
false
true
true
true
true
true
100334
false
false
false
false