Notification

Users can now migrate Google Podcasts subscriptions to YouTube Music or to another app that supports OPML import. Learn more here

Pamahalaan ang mga recording ng audio sa iyong Aktibidad sa Web at App

Puwede mong piliin kung gusto mong mag-save ang Google ng aktibidad sa boses at audio sa iyong Google Account sa mga server ng Google kapag nakikipag-ugnayan ka sa Google Search, Assistant, at Maps. Makakatulong ang iyong boses at audio sa pag-develop at pagpapahusay ng Google sa mga teknolohiya nito sa pagkilala ng audio at serbisyo ng Google na gumagamit ng mga ito.

Naka-off ang setting ng aktibidad sa boses at audio na ito maliban na lang kung pipiliin mong i-on ito.

Mahalaga: Batay sa iba pang setting, posibleng i-save ang mga recording ng audio sa iba pang lugar.

I-on o i-off ang aktibidad sa boses at audio

  1. Pumunta sa iyong Google Account.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Data at privacy.
  3. Sa "Mga setting ng history," i-click ang Aktibidad sa Web at App.
  4. Sa tabi ng "Isama ang aktibidad sa boses at audio," lagyan ng check o i-uncheck ang kahon.

Kapag naka-off ang setting na ito ng aktibidad sa boses at audio, hindi mase-save sa iyong Google Account sa mga server ng Google ang mga recording ng audio mula sa mga pakikipag-ugnayan sa Google Search, Assistant, at Maps gamit ang boses, kahit na naka-sign in ka. Kung io-off mo ang setting na ito ng aktibidad sa boses at audio, hindi made-delete ang dati nang na-save na audio. Puwede mong i-delete ang iyong mga recording ng audio anumang oras.

Hanapin o i-delete ang iyong mga recording ng audio

Hanapin ang iyong mga recording ng audio

Mahalaga: Batay sa iba pang setting, posibleng i-save ang mga recording ng audio sa iba pang lugar.

  1. Pumunta sa iyong Google Account.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Data at privacy.
  3. Sa ilalim ng "Mga setting ng history," i-click ang Aktibidad sa Web at App at pagkatapos ay Pamahalaan ang aktibidad. Sa page na ito, magagawa mong:
    • Tumingin ng listahan ng iyong nakaraang aktibidad: May kasamang recording ang mga item na may icon ng audio Magsalita.
    • Mag-play ng recording: Sa tabi ng Audio Magsalita, i-click ang Mga Detalye at pagkatapos ay Tingnan ang recording at pagkatapos ay I-play I-play.

Maraming recording ng audio: Posibleng makakita ka ng maraming recording ng audio na nauugnay sa isang aktibidad kung ipinroseso ang iyong audio ng mahigit sa isa sa iyong mga Google Assistant-enabled na device. Ginagamit namin ang audio na ito para mapahusay ang aming mga teknolohiyang tumutukoy kung aling device ang tutugon sa iyo.

Kung matanggap mo ang mensaheng "Hindi available ang transcript," posibleng masyadong maingay sa background noong ginawa ang aktibidad na iyon.

Puwede mong i-download ang iyong na-save na audio sa Google Account mo gamit ang Google Takeout. Alamin kung paano i-download ang iyong audio at iba pang data sa Google.

Tip: Para mapaigting ang seguridad, puwede kang humiling ng karagdagang hakbang sa pag-verify para matingnan ang iyong buong history sa Aking Aktibidad.

Mag-delete ng mga recording ng audio sa iyong Aktibidad sa Web at App

Mahalaga: Batay sa iba pang setting, posibleng i-save ang mga recording ng audio sa iba pang lugar.

Mag-delete ng item nang paisa-isa

  1. Pumunta sa iyong Google Account.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Data at privacy.
  3. Sa ilalim ng "Mga setting ng history," i-click ang Aktibidad sa Web at App at pagkatapos Pamahalaan ang aktibidad. Sa page na ito, makakakita ka ng listahan ng iyong nakaraang aktibidad. May kasamang recording ang mga item na may icon ng audio Magsalita.
  4. Sa tabi ng item na gusto mong i-delete, piliin ang Higit pa Higit pa at pagkatapos I-delete.

I-delete ang lahat ng item nang sabay-sabay

Mahalaga: Ide-delete ng mga hakbang na ito ang lahat ng iyong Aktibidad sa Web at App, hindi lang ang mga item na may kasamang recording.

  1. Pumunta sa iyong Google Account.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Data at privacy.
  3. Sa ilalim ng "Mga setting ng history," i-click ang Aktibidad sa Web at App at pagkatapos Pamahalaan ang aktibidad. Sa page na ito, makakakita ka ng listahan ng iyong nakaraang aktibidad. May kasamang recording ang mga item na may icon ng audio Magsalita.
  4. Sa itaas ng iyong aktibidad, i-click ang I-delete at pagkatapos Lahat ng panahon.
  5. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

Awtomatikong i-delete ang iyong mga recording ng audio

Mahalaga: Ino-on ng mga hakbang na ito ang opsyong awtomatikong i-delete para sa lahat ng iyong item sa Aktibidad sa Web at App, hindi lang sa mga item na may kasamang recording ng audio.

  1. Sa iyong computer, pumunta sa Google Account mo.
  2. Sa kaliwang bahagi sa itaas, i-click ang Data at privacy.
  3. Sa ilalim ng "Mga setting ng history," i-click ang Aktibidad sa Web at App At pagkatapos Pamahalaan ang aktibidad.
  4. Sa itaas ng iyong aktibidad, sa search bar, piliin ang Higit pa Higit pa At pagkatapos Panatilihin ang aktibidad nang.
  5. I-click ang button para sa kung gaano mo katagal gustong panatilihin ang iyong aktibidad At pagkatapos Susunod At pagkatapos Kumpirmahin.

Posibleng i-delete ng Google ang iyong mga recording ng audio sa mga server ng Google nang mas maaga kaysa sa timeframe na pipiliin mo, kapag hindi na ito kailangan sa pag-develop at pagpapahusay ng mga teknolohiya ng pagkilala ng audio ng Google at mga serbisyong gumagamit ng mga ito. Halimbawa, posibleng mas kaunting audio ang kailangan para sa ilang wika sa paglipas ng panahon.

Tungkol sa setting na ito ng aktibidad sa boses at audio

Kapag nakipag-usap ka sa mga serbisyo ng Google, gagamitin ng Google ang mga teknolohiya nito sa pagkilala ng audio para iproseso ang audio mo at sumagot sa iyo. Halimbawa, kung pipindutin mo ang icon ng mikropono para maghanap gamit ang boses, ita-translate ng mga teknolohiya ng pagkilala ng audio ng Google ang mga sasabihin mo sa mga salita at pariralang hahanapin ng Search sa isang index para ibigay sa iyo ang mga pinakanauugnay na resulta.

Sine-save ng Aktibidad sa Web at App ang mga ginagawa mo sa mga site, app, at serbisyo ng Google sa iyong Google Account sa mga server ng Google. Puwedeng kasama rito ang kaugnay na impormasyon tulad ng lokasyon. Posibleng hindi ma-save ang ilang partikular na pakikipag-ugnayan.

Sa pamamagitan ng opsyonal na setting ng aktibidad sa boses at audio na ito, puwede ka ring mag-save ng mga recording ng audio sa Aktibidad sa Web at App kapag nakipag-ugnayan ka sa Google Search, Assistant, at Maps. Naka-off ang setting ng aktibidad sa boses at audio na ito maliban na lang kung pipiliin mong i-on ito.

Naaapektuhan ng setting na ito ang lahat ng lugar kung saan ka naka-sign in sa Search, Assistant, at Maps, halimbawa, sa Assistant sa Google Assistant app at Google Home smart speaker.

Paano ginagamit ang mga recording ng audio

Ginagamit ng Google ang audio na na-save kapag naka-on ang setting na ito para i-develop at pahusayin ang mga teknolohiya nito ng pagkilala ng audio at ang mga serbisyo ng Google na gumagamit sa mga ito, tulad ng Google Assistant.

Proseso ng pagsusuri ng audio

Para sa ilang pagpapahusay ng teknolohiya ng audio, magsusuri ng mga sample ng na-save na audio sa mga server ng Google kapag naka-on ang setting na ito ang mga sinanay na reviewer na makikinig, magta-transcribe, at mag-a-annotate sa mga ito, para maunawaan nang mas mabuti ng mga serbisyo ng Google ang audio, halimbawa, kung ano ang sinasabi ng isang tao sa maingay na kapaligiran o sa isang partikular na wika. Nagsasagawa kami ng mga hakbang para maprotektahan ang iyong privacy bilang bahagi ng prosesong ito, tulad ng hindi pag-uugnay ng audio mo sa iyong account kapag sinuri ito ng mga reviewer.

Nakakatulong ang prosesong ito para mas maunawaan ng mga serbisyo kung ano ang sinasabi ng mga tao sa mga ito. Halimbawa, pinahusay ng Google ang awtomatikong pagkilala sa speech para sa mga wikang may kakaunting data sa pamamagitan ng pagsasanay ng iisang modelo sa naka-transcribe na audio mula sa mga wikang may maraming data, na nagbigay-daan sa real-time na multilingual na pagkilala sa boses.

Mga teknolohiya sa boses

Mahalaga: Malalapat ang impormasyong ito kung io-on mo ang aktibidad sa boses at audio pagkalipas ng Hunyo 6, 2022.

Nagagawa ng ilan sa mga teknolohiya ng audio ng Google, tulad ng Voice Match, na magtugma ng magkakatulad na boses, tumukoy ng magkakaibang boses, o mag-enhance ng natatanging boses. Kung gumagamit ka ng Voice Match sa Google Assistant at na-on mo ang setting na ito sa aktibidad sa boses at audio, posible ring pansamantalang iproseso ng Google ang modelo ng iyong boses mula sa naka-save mong audio para ma-develop at mapahusay ang mga teknolohiya ng boses ng Google at ang mga serbisyo ng Google na gumagamit sa mga ito. Alamin kung paano gumagana ang iyong boses sa iba pang setting.

Nagsasagawa kami ng mga hakbang para maprotektahan ang iyong privacy bilang bahagi ng prosesong ito. Halimbawa, kung iko-compute ang modelo ng iyong boses mula sa naka-save na audio, hindi ito iniuugnay sa account mo, at pansamantala itong ipinoproseso para mapahusay ang aming mga teknolohiya ng pagkilala ng audio, at saka ito ide-delete. Posibleng abutin ng hanggang 7 araw ang bawat pagpoproseso ng boses na ito. Posibleng ituring na biometric data ang mga voice model sa ilang hurisdiksyon.

Kapag naka-on ang setting na ito sa aktibidad sa boses at audio

Kapag naka-on ang setting na ito sa aktibidad sa boses at audio para sa iyong Aktibidad sa Web at App, ise-save ng Google ang mga recording ng audio kapag nakipag-ugnayan ka sa Google Search, Assistant, at Maps sa Google Account mo.

Sine-save ang audio kapag naka-detect ng pag-activate ang iyong device. Posibleng sinusuportahan ng mga device ang iba't ibang uri ng mga pag-activate, tulad ng "Ok Google," isang quick phrase na puwede mong i-on, mga tuloy-tuloy na pag-uusap, o pagpindot sa mikropono. Isinasama ng ilang device ang ilang segundo bago ang pag-activate para makuha ang kumpletong kahilingan.

Posibleng ma-save ang audio kapag nagkamali sa pagtukoy ng pag-activate ang iyong device, gaya ng ingay na katunog ng “Ok Google.” Palagi kaming nagsisikap na mapahusay ang aming mga system pagdating sa pagbabawas ng mga hindi sinasadyang pag-activate.

Kung gamit mo ang iyong device nang walang koneksyon sa internet, posibleng ma-save ang audio sa Google Account mo kapag nag-online ka ulit.

Kapag naka-off ang setting na ito sa aktibidad sa boses at audio

Kung io-off mo ang setting na ito sa aktibidad sa boses at audio, hindi na magse-save ang Google ng mga recording ng audio sa iyong Google Account sa mga server ng Google gamit ang Aktibidad sa Web at App mo kapag nakikipag-ugnayan ka sa Google Search, Assistant, at Maps. Patuloy na ipoproseso ng Google ang iyong audio para makasagot sa iyo kapag nakipag-usap ka sa mga serbisyo ng Google.

Hindi ino-off ng setting ng aktibidad sa boses at audio ang mga hiwalay na setting ng audio ng Assistant

Kapag naka-off ang setting ng aktibidad sa boses at audio, hindi gagamit ang Google ng dating na-save na audio noong naka-on ang setting na ito para mapahusay ang mga teknolohiya ng boses nito tulad ng Voice Match. Puwedeng patuloy na gamitin ang dating na-save na audio para pahusayin ang iba pang teknolohiya ng audio maliban kung ide-delete mo ito.

Puwede kang mag-delete ng dating na-save na audio sa iyong Aktibidad sa Web at App sa activity.google.com.

Iba pang lugar kung saan puwedeng ma-save ang mga recording ng audio

Hindi maaapektuhan ng setting ng aktibidad sa boses at audio na ito ang:

  • Audio na na-save at pinapamahalaan ng iba pang serbisyo ng Google, tulad ng Google Voice at YouTube.
  • Audio na na-save sa iyong device para sa mga layunin tulad ng pag-set up at pagpipino sa personal mong Voice Match o kung hindi man ay pag-personalize sa mga teknolohiya ng audio sa iyong device.

Ang iba pang proseso ng machine learning, na hindi kinokontrol ng setting na ito, ay puwedeng gamitin para pahusayin ang mga teknolohiya ng pagkilala ng audio sa pamamagitan ng federated learning o ephemeral learning.

Matuto pa tungkol sa kung paano pinapahusay ng Google ang mga modelo ng speech.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

false
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu