Tingnan at kontrolin ang iyong Aktibidad sa Web at App

Kung naka-on ang Aktibidad sa Web at App, ang iyong mga paghahanap at aktibidad mula sa ibang serbisyo ng Google ay nase-save sa Google Account mo, kaya puwede kang makatanggap ng mga mas naka-personalize na karanasan, tulad ng mga mas mabilis na paghahanap at mas kapaki-pakinabang na rekomendasyon sa app at content.

Puwede mong i-off ang Aktibidad sa Web at App o i-delete ang mga nakalipas na aktibidad anumang oras.

Tandaan: Kung nakuha mo ang iyong Google Account sa pamamagitan ng trabaho o paaralan, posibleng kailanganin mong makipag-ugnayan sa administrator mo para i-on ang karagdagang serbisyo ng Aktibidad sa Web at App para sa iyong organisasyon.

I-on o i-off ang Aktibidad sa Web at App

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang app na Mga Setting ng iyong device at pagkatapos ay Google Google Account.
  2. I-tap ang Data at pag-personalize.
  3. Sa ilalim ng "Mga kontrol ng aktibidad," i-tap ang Aktibidad sa Web at App.
  4. I-on o i-off ang Aktibidad sa Web at App.
  5. Kapag naka-on ang Aktibidad sa Web at App:
    • Puwede mong lagyan ng check ang kahon sa tabi ng "Isama ang history ng pag-browse sa Chrome at aktibidad mula sa mga website at app na gumagamit ng mga serbisyo ng Google."  Kapag naka-check ang kahong ito, puwede mong kontrolin kung mase-save ang aktibidad ng app mula sa iyong device. Para piliin kung mase-save ang aktibidad ng app mula sa iyong device, i-on o i-off ang Sine-save ang iyong aktibidad mula sa mga app sa device na ito .
    • Puwede mong lagyan ng check ang kahon sa tabi ng "Isama ang mga recording ng boses at audio."

Tandaan: Posibleng magkaroon ng higit pang setting ang ilang browser at device na nakakaapekto sa kung paano sine-save ang aktibidad na ito.

Tingnan o i-delete ang iyong aktibidad

Puwede mong tingnan at i-delete ang iyong Aktibidad sa Web at App sa pamamagitan ng pagbisita sa Aking Aktibidad. Matuto pa tungkol sa kung paano manual na mag-delete ng aktibidad o mag-set up ng awtomatikong pag-delete.

Ano ang naka-save bilang Aktibidad sa Web at App

Impormasyon tungkol sa iyong mga paghahanap at iba pang aktibidad sa mga site, app at serbisyo ng Google

Kapag naka-on ang Aktibidad sa Web at App, sine-save ng Google ang impormasyon tulad ng:

  • Mga paghahanap at iba pang bagay na ginagawa mo sa mga produkto at serbisyo ng Google, tulad ng Maps at Play
  • Iyong lokasyon, wika, IP address, referrer, at kung gumagamit ka ba ng browser o ng app
  • Mga ad na kini-click mo o mga bagay na binibili mo sa site ng advertiser
  • Impormasyon sa iyong device tulad ng mga kamakailang app o pangalan ng contact na hinanap mo

Tandaan: Puwedeng ma-save ang aktibidad kahit offline ka.

Impormasyon tungkol sa iyong pag-browse at iba pang aktibidad sa mga site, app, at device na gumagamit ng mga serbisyo ng Google

Kapag naka-on ang Aktibidad sa Web at App, puwede kang magsama ng mga karagdagang aktibidad tulad ng:

  • Mga site at app na nakikipag-partner sa Google para magpakita ng mga ad
  • Mga site at app na gumagamit ng mga serbisyo ng Google, kasama ang mga data na ibinabahagi ng mga app sa Google
  • Iyong history ng pag-browse sa Chrome
  • Paggamit at mga diagnostic ng Android, tulad ng antas ng baterya at mga error sa system

Para payagan ang Google na i-save ang impormasyong ito:

  • Dapat ay naka-on ang Aktibidad sa Web at App.
  • Dapat ay naka-check ang kahon sa tabi ng "Isama ang history sa Chrome at aktibidad mula sa mga site, app, at device na gumagamit ng mga serbisyo ng Google."

Nase-save lang ang iyong history sa Chrome kung ikaw ay naka-sign in sa Google Account mo at naka-on dito ang Chrome Sync. Matuto tungkol sa Chrome Sync.

Tandaan: Kung gumagamit ka ng nakabahaging device o nagsa-sign in ka sa higit sa isang account, puwedeng ma-save ang aktibidad sa default na account sa browser o device na ginagamit mo.

Mga recording ng boses at audio

Kapag naka-on ang Aktibidad sa Web at App, puwede kang magsama ng mga recording ng boses at audio bilang bahagi ng iyong aktibidad. Matuto tungkol sa mga recording ng boses at audio.

Para payagan ang Google na i-save ang impormasyong ito:

  • Dapat ay naka-on ang Aktibidad sa Web at App.
  • Dapat ay naka-check ang kahon sa tabi ng "Isama ang mga recording ng boses at audio."

Paano ginagamit ang iyong na-save na aktibidad

Matuto pa tungkol sa kung paano ginagamit ng Google ang iyong naka-save na aktibidad at paano ito nakakatulong na panatilihin itong pribado.

Para sa higit pang impormasyon tungkol sa kung paano karaniwang pinapangasiwaan ng Google ang mga query sa paghahanap, tingnan ang FAQ ng Patakaran sa Privacy.

Paano gumagana ang Aktibidad sa Web at App kapag naka-sign out ka

Ang iyong mga resulta ng paghahanap at ad ay puwedeng i-customize gamit ang aktibidad na may kaugnayan sa paghahanap kahit na naka-sign out ka. Para i-off ang ganitong uri ng pag-customize ng paghahanap, puwede kang maghanap at mag-browse nang pribado. Alamin kung paano.

History ng browser

Sa page na Mga kontrol ng aktibidad, puwede mo ring lagyan ng check ang kahon para sa "Isama ang history sa Chrome at aktibidad mula sa mga site, app, at device na gumagamit ng mga serbisyo ng Google." Kapag naka-check ang kahong ito, puwede mong kontrolin kung ise-save ang aktibidad mula sa iyong device.

Ang iyong mga paghahanap at mga site na binisita mo ay puwede ring ma-store sa iyong browser o sa Google Toolbar. Alamin kung paano i-delete ang iyong history sa Chrome, Toolbar, Safari, Internet Explorer, o Firefox.