Para makakuha ng mga resulta mula sa Google sa tuwing maghahanap ka, puwede mong gawing Google ang iyong default na search engine.
Itakda ang Google bilang iyong default sa browser mo
Kung hindi nakalista ang browser mo sa ibaba, tingnan ang mga resource ng tulong nito para sa impormasyon tungkol sa pagbabago ng mga setting ng paghahanap.
Google Chrome
Computer
- Buksan ang Google Chrome.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Higit pa Mga Setting. O, sa iyong address bar, ilagay ang
chrome://settings
.- Tip: Kung may available na update sa Chrome, sa kanang bahagi sa itaas, may makikita kang Update . I-click ang Update Mga Setting.
- Sa ilalim ng "Search engine," piliin ang Google.
Android phone o tablet
- Buksan ang Chrome app .
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Mga Setting.
- Sa ilalim ng "Basics," i-tap ang Search engine Google.
iPhone o iPad
- Buksan ang Chrome app .
- I-tap ang Higit pa Mga Setting .
- I-tap ang Search engine Google.
Microsoft Edge
Microsoft Edge 79 at mas bago
- Buksan ang Microsoft Edge.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang Mga Setting at higit pa Mga Setting.
- Sa kaliwa, i-click ang Privacy, search, and services.
- Mag-scroll sa "Services."
- I-click ang Address bar and search.
- Sa drop-down na "Search engine used in address bar," i-click ang Google.
- Sa drop-down na "Search on new tabs uses search box or address bar," i-click ang Address bar.
Internet Explorer 8 at mas bago
Tip: Para makita kung aling bersyon ng Internet Explorer ang ginagamit mo, i-click ang Help About Internet Explorer.
Internet Explorer 11
- Buksan ang Internet Explorer.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang icon na gear.
- I-click ang Pamahalaan ang mga add-on.
- Sa ibaba, i-click ang Maghanap ng higit pang toolbar at extension.
- Mag-scroll pababa sa extension ng Google Search.
- I-click ang Idagdag. Para kumpirmahin, i-click ulit ang Idagdag.
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-click ang icon na gear.
- I-click ang Pamahalaan ang mga add-on.
- Sa kaliwa, sa ilalim ng "Mga Uri ng Add-on," i-click ang Mga Search Provider.
- Sa kanan, i-click ang Google Search.
- Sa ibaba, i-click ang Itakda bilang default.
Internet Explorer 10
- Buksan ang Internet Explorer.
- Sa kanang sulok sa itaas ng page, i-click ang icon na gear.
- I-click ang Pamahalaan ang mga add-on.
- Sa kaliwang bahagi ng page, i-click ang Maghanap ng Mga Provider.
- Sa kaliwang sulok sa ibaba, i-click ang Maghanap ng higit pang provider.
- Piliin ang Google.
- I-click ang Idagdag sa Internet Explorer.
- Lagyan ng check ang box sa tabi ng "Make this my default search provider."
- I-click ang Idagdag.
Internet Explorer 9
- Buksan ang Internet Explorer.
- Sa kanang sulok sa itaas ng browser, i-click ang Tools icon.
- I-click ang Mga opsyon sa Internet.
- Sa tab na General, hanapin ang seksyong "Search" at i-click ang Mga Setting.
- Piliin ang Google.
- I-click ang Itakda bilang default.
- I-click ang Isara.
Internet Explorer 8
- Buksan ang Internet Explorer.
- Sa kanang sulok sa itaas ng iyong browser, i-click ang pababang arrow sa box para sa paghahanap.
- I-click ang Maghanap ng Higit pang Provider.
- I-click ang Google.
- Lagyan ng check ang box sa tabi ng "Make this my default search provider."
- I-click ang Pamahalaan ang Mga Provider ng Paghahanap.
- I-click ang Idagdag.
Firefox
- Buksan ang Firefox.
- Sa maliit na search bar sa kanang itaas ng iyong browser, i-click ang Search .
- I-click ang Change Search Settings.
- Sa ilalim ng "Default Search Engine," piliin ang Google.
Safari
- Buksan ang Safari.
- I-click ang search bar.
- Sa kaliwang sulok ng search bar, i-click ang magnifying glass.
- Piliin ang Google.
Android browser
- Buksan ang iyong browser app. Puwedeng tinatawag itong Internet o Browser.
- I-tap ang Button ng menu sa iyong telepono o sa kanang bahagi sa itaas ng browser.
- I-tap ang Mga Setting Advanced Itakda ang search engine.
- I-tap ang Google.
Search widget
Mahalaga: Available ang feature na ito sa mga bagong device na ipinapamahagi sa European Economic Area (EEA) sa o pagkalipas ng Marso 1, 2020.
- Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Google app .
- Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang iyong Larawan sa profile o inisyal Mga Setting.
- I-tap ang Search widget Lumipat sa Google.