Notification

Users can now migrate Google Podcasts subscriptions to YouTube Music or to another app that supports OPML import. Learn more here

Magsagawa ng Advanced na Paghahanap sa Google

Puwede mong limitahan ang mga resulta para sa mga kumplikadong paghahanap gamit ang Advanced na Paghahanap. Halimbawa, puwede kang maghanap ng mga site sa wikang German na na-update sa nakalipas na 24 na oras o mga larawang clip art na black and white.

Tip: Sa box para sa paghahanap ng Google, puwede kang gumamit ng mga filter sa Advanced na Paghahanap nang may mga operator sa paghahanap tulad ng mga panipi, mga simbolo ng minus, at site:. Matuto pa tungkol sa mga operator sa paghahanap.

Idagdag ang Advanced na Paghahanap sa iyong Home screen

  1. Sa iyong Android phone o tablet, buksan ang Chrome app Chrome.
  2. Pumunta sa page ng Advanced na Paghahanap:
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Idagdag sa Home screen at pagkatapos Idagdag.
  4. I-drag ang icon sa iyong Home screen o i-tap ang Awtomatikong idagdag.

Gumamit ng mga field ng query sa Advanced na Paghahanap

Mahalaga: Puwedeng mag-iba-iba ang mga field ng query sa paghahanap sa mga page ng Advanced na Paghahanap.

Sa Advanced na Paghahanap, puwede kang pumili ng mga salita o pariralang isasama o aalisin sa iyong mga resulta. Puwede mong piliin ang:

  • “Lahat ng salitang ito”: Gagamitin ng mga resulta ang lahat ng salitang ilalagay mo.
  • “Ang eksaktong salita o pariralang ito”: Kasama sa mga resulta ang isang eksaktong salita o pariralang ilalagay mo.
  • “Alinman sa mga salitang ito”: Kasama sa mga resulta ang kahit isa sa mga salitang ilalagay mo.
  • “Wala sa mga salitang ito”: Wala sa mga resulta ang alinman sa mga salitang ilalagay mo.
  • “Mga numero mula sa”: Kasama sa mga resulta ang numero sa pagitan ng 2 numerong ilalagay mo.

Magsagawa ng Advanced na Paghahanap

Para sa mga webpage at file
  1. Sa iyong Android phone o tablet, pumunta sa Advanced na Paghahanap: google.com/advanced_search.
  2. Sa ilalim ng “Maghanap ng mga page na may,” piliin ang (mga) field ng query para:
    • Magsama ng mga eksaktong salita o listahan ng mga salita sa iyong mga resulta.
    • Mag-alis ng mga salita sa iyong mga resulta.
  3. Ilagay ang mga salitang gusto mong isama o alisin sa iyong mga resulta.
    • Magdagdag ng mga salita nang walang operator sa paghahanap, tulad ng mga panipi o simbolo ng minus.
  4. Sa ilalim ng "Pagkatapos ay limitahan ang iyong mga resulta ayon sa," piliin ang mga filter na gusto mong gamitin. 
    • Puwede kang magdagdag ng mahigit sa isang filter.
  5. I-tap ang Advanced na Paghahanap.

Subukan ang mga filter na ito

  • Wika: Maghanap ng mga video sa isang partikular na wika.
  • Rehiyon: Maghanap ng mga page na na-publish sa isang partikular na rehiyon.
  • Huling pag-update: Maghanap ng mga page na na-update sa loob ng panahong pipiliin mo.
  • Site o domain: Maghanap sa isang site tulad ng wikipedia.org. O, limitahan ang iyong mga resulta sa isang domain tulad ng .edu, .org, o .gov.
  • Mga terminong lumalabas: Maghanap ng mga page kung saan makikita ang iyong mga termino para sa paghahanap sa isang partikular na bahagi ng page, tulad ng pamagat, text, o URL.
  • SafeSearch: Mag-alis ng mga resultang naglalaman ng kabastusan. Matuto pa tungkol sa SafeSearch.
  • Uri ng file: Maghanap ng mga file na nasa isang partikular na format, tulad ng .pdf, .ps, .dwf, .kml, .kmz, .xls, .ppt, .doc, .rtf, o .swf.
  • Mga karapatan sa paggamit: Maghanap ng mga page na may naka-attach na impormasyon ng lisensya sa mga ito.
Para sa mga larawan
Mahalaga: Posibleng napapailalim sa copyright ang mga larawan. Alamin kung paano maghanap ng mga larawang puwede mong gamitin ulit.
  1. Sa iyong Android phone o tablet, pumunta sa Advanced na Paghahanap ng Larawan: google.com/advanced_image_search.
  2. Sa ilalim ng “Maghanap ng mga larawang may,” piliin ang (mga) field ng query para:
    • Magsama ng mga eksaktong salita o listahan ng mga salita sa iyong mga resulta.
    • Mag-alis ng mga salita sa iyong mga resulta.
  3. Ilagay ang mga salitang gusto mong isama o alisin sa iyong mga resulta.
    • Magdagdag ng mga salita nang walang operator sa paghahanap, tulad ng mga panipi o simbolo ng minus.
  4. Sa ilalim ng "Pagkatapos ay limitahan ang iyong mga resulta ayon sa," piliin ang mga filter na gusto mong gamitin.
    • Puwede kang magdagdag ng mahigit sa isang filter.
  5. I-tap ang Advanced na Paghahanap.

Subukan ang mga filter na ito

  • Laki ng larawan: Maghanap ng mga larawan ayon sa laki o mga dimensyon.
  • Aspect ratio: Maghanap ng mga larawang may partikular na hugis tulad ng mataas, kuwadrado, malapad, o panoramic.
  • Mga kulay sa larawan: Maghanap ng mga larawang kumpleto ang kulay, black and white, o transparent. O, maghanap ng mga larawang may partikular na kulay.
  • Uri ng larawan: Maghanap ng partikular na uri ng larawan tulad ng mga larawan, clip art, o mga line drawing. O, maghanap ng mga larawan ng mukha o animated na larawan.
  • Rehiyon: Maghanap ng mga larawang na-publish sa isang partikular na rehiyon.
  • Site o domain: Maghanap sa isang site tulad ng sfmoma.org. O limitahan ang iyong mga resulta sa isang domain tulad ng .edu, .org, o .gov.
  • SafeSearch: Mag-alis ng mga resultang naglalaman ng kabastusan. Matuto pa tungkol sa SafeSearch.
  • Uri ng file: Maghanap ng mga larawang nasa isang partikular na format, tulad ng JPG, GIF, PNG, BMP, SVG, WEBP, ICO, o RAW.
  • Mga karapatan sa paggamit: Maghanap ng mga larawang may naka-attach na impormasyon ng lisensya sa mga ito. Matuto pa tungkol sa mga karapatan sa mga paggamit para sa mga larawan.
Para sa mga video
  1. Sa iyong Android phone o tablet, pumunta sa Advanced na Paghahanap ng Video: google.com/advanced_video_search.
  2. Sa ilalim ng “Maghanap ng mga video na may,” piliin ang (mga) field ng query para:
    • Magsama ng mga eksaktong salita o listahan ng mga salita sa iyong mga resulta.
    • Mag-alis ng mga salita sa iyong mga resulta.
  3. Ilagay ang mga salitang gusto mong isama o alisin sa iyong mga resulta.
    • Magdagdag ng mga salita nang walang operator sa paghahanap, tulad ng mga panipi o simbolo ng minus.
  4. Sa ilalim ng "Pagkatapos ay limitahan ang iyong mga resulta ayon sa," piliin ang mga filter na gusto mong gamitin.
    • Puwede kang magdagdag ng mahigit sa isang filter.
  5. I-tap ang Advanced na Paghahanap.

Subukan ang mga filter na ito

  • Wika: Maghanap ng mga video sa isang partikular na wika.
  • Tagal: Maghanap ng mga video na 0–4 na minuto, 4–20 minuto, o mahigit 20 minuto.
  • Petsa ng pag-post: Maghanap ng mga video na na-post o na-update sa loob ng partikular na yugto ng panahon, tulad ng sa loob ng nakalipas na oras, araw, linggo, buwan, o taon.
  • Kalidad: Limitahan ang mga resulta sa mga HD na video.
  • Site o domain: Maghanap sa isang site tulad ng youtube.com. O, limitahan ang iyong mga resulta sa isang domain tulad ng .edu, .org, o .gov.
  • Mga subtitle: Maghanap ng mga video na may mga closed caption.
  • SafeSearch: Mag-alis ng mga resultang naglalaman ng kabastusan. Matuto pa tungkol sa SafeSearch.
Para sa mga aklat
Mahalaga: Dapat may kasamang hahanaping salita, pamagat, may-akda, publisher, paksa, ISBN, o ISSN ang iyong paghahanap.
  1. Sa iyong Android phone o tablet, pumunta sa Advanced na Paghahanap ng Aklat: google.com/advanced_book_search.
  2. Sa ilalim ng “Maghanap ng mga resulta,” piliin ang (mga) field ng query para:
    • Magsama ng mga eksaktong salita o listahan ng mga salita sa iyong mga resulta.
    • Mag-alis ng mga salita sa iyong mga resulta.
  3. Ilagay ang mga salitang gusto mong isama o alisin sa iyong mga resulta.
    • Magdagdag ng mga salita nang walang operator sa paghahanap, tulad ng mga panipi o simbolo ng minus.
  4. Sa susunod na seksyon, piliin ang mga filter na gusto mong gamitin.
  5. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Google Search.

Subukan ang mga filter na ito

  • Maghanap: Piliin kung ano ang isasama sa iyong paghahanap, tulad ng:
    • Mga aklat na may available na limitadong pagtingin o buong view.
    • Mga aklat na buong view lang ang available.
  • Mga Google eBook lang.
  • Content: Limitahan ang mga resulta sa isang partikular na uri, tulad ng mga aklat, magazine, o pahayagan.
  • Wika: Maghanap ng mga aklat na nakasulat sa isang partikular na wika.
  • Pamagat: Ilagay ang pamagat ng aklat.
  • May-akda: Maghanap ng mga aklat na isinulat ng isang partikular na may-akda.
  • Publisher: Limitahan ang mga resulta sa isang partikular na publisher.
  • Paksa: Maghanap ng mga aklat tungkol sa isang partikular na paksa.
  • Petsa ng pagkalathala: Limitahan ang mga resulta sa mga aklat na na-publish sa pagitan ng mga partikular na petsa.
  • ISBN: Maghanap ng aklat ayon sa International Standard Book Number (ISBN) nito.
  • ISSN: Maghanap ng serial ayon sa International Standard Serial Number (ISSN) nito.

Mga kaugnay na resource

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Mga app ng Google
Pangunahing menu