Kung makakita ka ng pribado, sensitibo, o sekswal na content tungkol sa iyo sa Google Search, puwede mong hilingin sa aming alisin ito. Gagabayan ka namin sa bawat hakbang ng proseso kapag nag-ulat ka ng problema.
Hangga't ikaw ang paksa ng content, magagawa mo o ng isang kinatawan na magsimula ng request. Susuriin namin ang content sa iyong request at aalisin ito sa mga resulta ng paghahanap sa Google kung lumalabag ito sa aming mga patakaran sa personal na content. Nalalapat sa lahat ang aming mga patakaran sa personal na content.
TANDAAN: Puwedeng mag-ulat ang kahit sino ng hubad o sekswal na content na nagpapakita ng mga taong wala pang 18 taong gulang.
Magsimula ng request sa pag-aalis
Mga uri ng content na puwede mong hilingin ang pag-aalis
Matuto tungkol sa aming mga patakaran sa pag-aalis ng indibidwal na content:
- Content na nauugnay sa mga indibidwal na wala pang 18 taong gulang
- Impormasyong nagbibigay ng personal na pagkakakilanlan (personally identifiable info o PII) at doxxing na content
- Personal na sekswal na content
- Content tungkol sa akin sa mga site na may mga mapagsamantalang gawi sa pag-aalis
Kung inalis na ng may-ari ng website ang impormasyon, aalisin ito sa Google Search bilang bahagi ng aming regular na proseso ng pag-update. Gayunpaman, puwede mo ring i-request na i-refresh ang luma nang content gamit ang tool sa Pag-refresh ng luma nang content.
Kung makakita ka ng content na nagpapakita ng paglabag sa copyright, mga partikular na paglabag sa trademark o anupamang uri ng impormasyon na dapat alisin sa ilalim ng batas, puwede mong i-request ang pag-aalis para sa mga legal na dahilan.
Kung ang sekswal na content, kung saan kasama ka, ay na-share nang walang pahintulot mo, may mga available na resource para sa suporta. Magpatuloy sa pag-aalis ng mga explicit o maseselang larawan.