Notification

Users can now migrate Google Podcasts subscriptions to YouTube Music or to another app that supports OPML import. Learn more here

Pamahalaan ang iyong History ng Lokasyon

Sa mga susunod na buwan, gagawing Timeline ang pangalan ng setting ng History ng Lokasyon. Kung io-on ang History ng Lokasyon para sa iyong account, puwede mong makita ang Timeline sa mga setting ng app at account mo.

Ang History ng Lokasyon ay setting ng Google Account na gumagawa ng Timeline, isang personal na mapang nakakatulong sa iyong matandaan ang: 

  • Mga lugar na pinupuntahan mo
  • Mga ruta papunta sa mga destinasyon
  • Mga biyaheng ginawa mo

Puwede ka rin nitong bigyan ng mga naka-personalize na experience sa buong Google batay sa kung saan ka pumupunta.

Kapag naka-on ang History ng Lokasyon, kahit kapag hindi ginagamit ang mga Google app, regular na sine-save ang eksaktong lokasyon ng iyong device sa:

  • Iyong mga device 
  • Mga server ng Google

Para gawing kapaki-pakinabang para sa lahat ang mga experience sa Google, puwede naming gamitin ang iyong data para:

  • Magpakita ng impormasyon batay sa naka-anonymize na data ng lokasyon, tulad ng:
    • Mga abalang oras
    • Mga insight sa kapaligiran
  • Tumukoy at magpigil ng panloloko at pang-aabuso.
  • Pahusayin at i-develop ang mga serbisyo ng Google, tulad ng mga produkto ng mga ad.
  • Tulungan ang mga negosyo na tukuyin kung bumibisita sa mga tindahan nila ang mga tao dahil sa isang ad, kung na-on mo ang Aktibidad sa Web at App.
    • Mga anonymous na pagtatantya lang, hindi personal na data, ang ibinabahagi namin sa mga negosyo.
    • Posibleng kabilang sa aktibidad na ito ang impormasyon tungkol sa iyong lokasyon mula sa general area at IP address ng device mo.

Matuto pa tungkol sa kung paano ginagamit ng Google ang data ng lokasyon.

Mga bagay na dapat malaman tungkol sa History ng Lokasyon:

  • Naka-off ang History ng Lokasyon bilang default. Puwede lang namin itong gamitin kung io-on mo ang History ng Lokasyon.
  • Puwede mong i-off ang History ng Lokasyon anumang oras sa Mga kontrol ng aktibidad ng Google Account mo.
  • Puwede mong suriin at pamahalaan ang iyong History ng Lokasyon. Magagawa mong:
    • Suriin ang mga lugar na napuntahan mo sa Timeline ng Google Maps.
    • I-edit o i-delete ang iyong History ng Lokasyon anumang oras.
Mahalaga: Gumagana lang ang ilan sa mga hakbang na ito sa Android 8.0 at mas bago. Alamin kung paano tingnan ang bersyon ng iyong Android.

I-on o i-off ang History ng Lokasyon

Puwede mong i-off ang History ng Lokasyon para sa iyong account anumang oras. Kung gumagamit ka ng account sa trabaho o pampaaralang account, kailangang gawing available ng iyong administrator ang setting na ito para sa iyo. Kung gagawin niya ito, magagamit mo ang History ng Lokasyon kagaya ng iba pang user.

  1. Pumunta sa seksyong "History ng Lokasyon" ng iyong Google Account.
  2. Piliin kung ang iyong account o mga device ay puwedeng mag-ulat ng History ng Lokasyon sa Google:
  3. Iyong account at lahat ng device: Sa itaas, i-on o i-off ang History ng Lokasyon.
  4. Partikular na device lang: Sa ilalim ng "Device na ito" o "Mga device sa account na ito," i-on o i-off ang device.

Kapag naka-on ang History ng Lokasyon

Matatantya ng Google ang lokasyon mo gamit ang:

  • Mga signal tulad ng Wi-Fi at mga mobile network
  • GPS
  • Impormasyon sa sensor

Posibleng pana-panahon ding gamitin ang lokasyon ng iyong device sa background. Kapag naka-on ang History ng Lokasyon, kahit kapag hindi ginagamit ang mga Google app, regular na sine-save ang eksaktong lokasyon ng iyong device sa:

  • Iyong mga device
  • Mga server ng Google

Kapag naka-sign in ka gamit ang iyong Google Account, sine-save nito ang History ng Lokasyon ng bawat device kung saan naka-on ang setting na “Mga device sa account na ito.” Makikita mo ang setting na ito sa mga setting ng History ng Lokasyon sa Google Account mo.

Puwede mong piliin kung aling mga device ang magbibigay ng data ng lokasyon ng mga ito sa History ng Lokasyon. Hindi magbabago ang mga setting mo para sa ibang serbisyo ng lokasyon sa iyong device, tulad ng:

Kapag naka-off ang History ng Lokasyon

Hindi sine-save ng iyong device ang lokasyon nito sa History ng Lokasyon mo.

  • Posibleng may nakaraang data ng History ng Lokasyon ka sa iyong account. Puwede mong manual na i-delete ito anumang oras.
  • Hindi magbabago ang mga setting mo para sa ibang serbisyo ng lokasyon sa iyong device, tulad ng:
  • Kung naka-on ang mga setting tulad ng Aktibidad sa Web at App pero io-off mo ang History ng Lokasyon o ide-delete mo ang data ng lokasyon sa History ng Lokasyon, puwede pa ring mag-save ang iyong Google Account ng data ng lokasyon bilang bahagi ng paggamit mo ng iba pang site, app, at serbisyo ng Google. Posibleng kabilang sa aktibidad na ito ang impormasyon tungkol sa iyong lokasyon mula sa general area at IP address ng device mo.

I-delete ang History ng Lokasyon

Puwede mong pamahalaan at i-delete ang iyong impormasyon sa History ng Lokasyon sa Timeline ng Google Maps. Puwede mong piliing i-delete ang lahat ng iyong history, o ang ilang bahagi lang nito.

Mahalaga: Kapag nag-delete ka ng impormasyon sa History ng Lokasyon sa Timeline, hindi mo na ito makikita ulit.

Gamitin ang Google Maps app

I-delete ang lahat ng History ng Lokasyon

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Account Circle at pagkatapos ay iyong Timeline Timeline.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit paHigit paat pagkatapos ay Mga setting at privacy.
  4. Sa ilalim ng "Mga setting ng lokasyon," i-tap ang I-delete ang lahat ng History ng Lokasyon.
  5. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

Mag-delete ng saklaw ng History ng Lokasyon

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Account Circle at pagkatapos ay iyong Timeline Timeline.
  3. I-tap ang Higit pa Higit paat pagkatapos ay Mga setting at privacy.
  4. Sa ilalim ng "Mga setting ng lokasyon," i-tap ang I-delete ang saklaw ng History ng Lokasyon.
  5. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

Mag-delete ng araw sa History ng Lokasyon

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Account Circle at pagkatapos ay iyong Timeline Timeline.
  3. I-tap ang Ipakita ang kalendaryo Ipakita ang kalendaryo.
  4. Piliin kung aling araw ang gusto mong i-delete.
  5. I-tap ang Higit pa Higit paat pagkatapos ay I-delete ang araw.
  6. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

Mag-delete ng stop sa History ng Lokasyon

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Account Circle at pagkatapos ay iyong Timeline Timeline.
  3. I-tap ang Ipakita ang kalendaryo Ipakita ang kalendaryo.
  4. Piliin ang araw na may stop na gusto mong i-delete.
  5. I-tap ang stop na gusto mong i-delete at pagkatapos ay I-delete I-delete .
  6. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

Gumamit ng web browser

I-delete ang lahat ng History ng Lokasyon

  1. Sa iyong web browser, buksan ang Timeline ng Google Maps mo.
  2. I-tap ang I-delete I-delete .
  3. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

Mag-delete ng araw sa History ng Lokasyon

  1. Sa iyong web browser, buksan ang Timeline ng Google Maps mo.
  2. Pumili ng taon, buwan, at araw na gusto mong i-delete.
  3. I-tap ang I-delete I-delete .
  4. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

Mag-delete ng stop sa History ng Lokasyon

  1. Sa iyong web browser, buksan ang Timeline ng Google Maps mo.
  2. Pumili ng taon, buwan, at araw na gusto mong i-delete.
  3. Sa tabi ng stop na gusto mong i-delete, i-tap ang Higit pa Higit paat pagkatapos ay Alisin ang stop sa araw.
  4. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

Awtomatikong i-delete ang iyong History ng Lokasyon

Mapipili mong awtomatikong mag-delete ng History ng Lokasyon na lampas na sa 3 buwan, 18 buwan, o 36 na buwan.

Gamitin ang Google Maps app

  1. Sa iyong Android device, buksan ang Google Maps app Maps.
  2. I-tap ang iyong larawan sa profile o inisyal Account Circle at pagkatapos ay iyong Timeline Timeline.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit paat pagkatapos ay Mga setting at privacy.
  4. Mag-scroll sa "Mga setting ng lokasyon."
  5. I-tap ang Awtomatikong i-delete ang History ng Lokasyon.
  6. Sundin ang mga tagubilin sa screen.

Gumamit ng web browser

  1. Sa iyong web browser, buksan ang iyong Timeline ng Google Maps
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-click ang Mga Setting Settings icon at pagkatapos ay Awtomatikong i-delete ang History ng Lokasyon
  3. Sundin ang mga tagubilin sa screen. 

Ano ang mangyayari pagkatapos mong i-delete ang ilan o ang lahat ng History ng Lokasyon

Kung ide-delete mo ang ilan sa o lahat ng iyong History ng Lokasyon, puwedeng mag-degrade o mawala ang mga naka-personalize na experience sa buong Google. Halimbawa, puwedeng mawala ang iyong:

  • Mga rekomendasyon batay sa mga lugar na binibisita mo
  • Real-time na impormasyon tungkol sa pinakamainam na oras para bumiyahe pauwi o papasok sa trabaho para hindi maipit sa trapiko

Mahalaga: Kung naka-on sa iyo ang iba pang setting tulad ng Aktibidad sa Web at App, at ipo-pause mo ang History ng Lokasyon o ide-delete mo ang data ng lokasyon sa History ng Lokasyon, posibleng mayroon ka pa ring naka-save na data ng lokasyon sa iyong Google Account bilang bahagi ng paggamit mo ng iba pang site, app, at serbisyo ng Google. Halimbawa, puwedeng i-save ang data ng lokasyon bilang bahagi ng aktibidad sa Search at Maps kapag naka-on ang iyong setting ng Aktibidad sa Web at App, at isama ito sa mga larawan mo depende sa mga setting ng iyong camera app. Puwedeng kasama sa Aktibidad sa Web at App ang impormasyon tungkol sa iyong lokasyon mula sa general area at IP address ng device mo.

Matuto tungkol sa paggamit at mga diagnostic para sa History ng Lokasyon

Pagkatapos mong i-on ang History ng Lokasyon, puwedeng magpadala ang iyong device ng diagnostic na impormasyon sa Google tungkol sa kung ano ang gumagana at hindi gumagana para sa History ng Lokasyon. Pinoproseso ng Google ang anumang impormasyong kinokolekta nito sa ilalim ng patakaran sa privacy ng Google.

 

Anong impormasyon ang maibabahagi ng iyong device

Puwede ring magpadala ang iyong device ng impormasyon sa Google para tumulong na pahusayin ang mga produkto at app ng Google, at mga Android device. Halimbawa, puwedeng gumamit ang Google ng impormasyon para mapahusay ang:

  • Tagal ng baterya: Tinatantya namin kung aling mga app ang pinakamalakas gumamit ng baterya sa iyong device para bawasan ang pagkonsumo ng baterya para sa mga karaniwang ginagamit na feature.
  • Katumpakan ng lokasyon: Gumagamit kami ng mga sensor ng lokasyon at setting para pahusayin ang mga pagtatantya ng lokasyon para sa mga app at serbisyo.

Posibleng kasama sa impormasyong puwedeng ipadala ng iyong telepono sa Google ang:

  • Kalidad at tagal ng iyong mga koneksyon sa:
    • Mga mobile network
    • GPS
    • Mga Wi-Fi network
    • Bluetooth
  • Status ng iyong mga setting ng lokasyon
  • Mga ulat ng pag-restart at pag-crash
  • Mga Google app na ginagamit mo para i-on o i-off ang History ng Lokasyon
Paano makakatulong ang nakabahaging impormasyon na mapahusay ang Google

Makakatulong ang impormasyon ng paggamit at mga diagnostic na mapahusay ang mga Google app, produkto at Android device. Halimbawa, puwedeng gumamit ang Google ng impormasyon para mapahusay ang:

  • Tagal ng baterya: Puwedeng gamitin ng Google ang impormasyon tungkol sa kung ano ang pinakamalakas gumamit ng baterya sa iyong device para makatulong na mabawasan ang pagkonsumo ng baterya para sa mga karaniwang ginagamit na feature.
  • Katumpakan ng lokasyon: Puwedeng gumamit ang Google ng impormasyon mula sa mga sensor at setting ng lokasyon para makatulong na pahusayin ang mga pagtatantya ng lokasyon para sa mga app at serbisyo.

Matuto pa tungkol sa iba pang setting ng lokasyon

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?
Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
9927930808080904289
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
100334
false
false