Maghanap ng mga larawang magagamit o maibabahagi mo

Kapag naghanap ka sa Google Search, puwede mong i-filter ang iyong mga resulta para makahanap ng mga larawang nag-aalok ng mga lisensya para magamit ulit.

Mahalaga: Posibleng napapailalim sa copyright ang mga larawan. Alamin sa ibaba kung paano makakahanap ng content na magagamit mo ulit.

Suriin ang lisensya at mga tuntunin sa paggamit ulit

Bago ka gumamit ulit ng content, tiyaking lehitimo ang lisensya nito at suriin ang mga eksaktong tuntunin sa paggamit ulit. Halimbawa, posibleng iatas ng lisensya na bigyan mo ng credit ang creator ng larawan kapag ginamit mo ang larawan.

Inirerekomenda naming:

  • Gamitin ang filter ng "Mga karapatan sa paggamit" para makahanap ng mga larawang may naka-attach na impormasyon ng lisensya sa mga ito. Fini-filter ng Google ang mga larawan ayon sa lisensya batay sa impormasyong ibinibigay ng mga site na nagho-host sa mga larawang iyon, o ng provider ng larawan.
  • Palaging kumpirmahin ang impormasyon ng lisensya ng larawan. Puwede mong sundan ang link na "Mga detalye ng lisensya" at suriin ito para sa katumpakan ng provider ng lisensya at host na site ng larawan.

Maghanap ng mga larawang may available na impormasyon sa kung paano magagamit ulit ang mga ito

  1. Sa iyong Android phone o tablet, pumunta sa images.google.com.
  2. Maghanap ng larawan.
  3. Para limitahan ang mga resulta sa mga larawang may available na impormasyon ng lisensya, sa ilalim ng box para sa paghahanap, i-tap ang Filter Filter at pagkatapos Mga karapatan sa paggamit at pagkatapos isang uri ng lisensya.
  4. I-tap ang larawang gusto mo.
  5. Para makahanap ng impormasyon tungkol sa kung paano lisensyahan at gamitin ang larawan, sa ibaba ng larawan, i-tap ang Mga detalye ng lisensya.

Magbahagi ng larawan

  1. Sa iyong Android phone o tablet, pumunta sa images.google.com.
  2. Maghanap ng larawan.
  3. Sa kanang bahagi sa itaas, i-tap ang Higit pa Higit pa at pagkatapos Ibahagi Ibahagi.

Mga uri ng karapatan sa paggamit

Para sa bawat filter ng “Mga karapatan sa paggamit,” puwede mong limitahan ang mga resulta sa mga larawang may naka-attach na mga detalye ng lisensya, na may kasamang impormasyon sa kung paano mo malilisensyahan at magagamit ang isang larawan.

Para mahanap ang mga detalye ng lisensya: Pumili ng larawan, at pagkatapos, sa ibaba ng larawan, piliin ang Mga detalye ng lisensya. Inirerekomenda naming palagi mong suriin ang mga kinakailangan sa paglilisensya ng anumang larawang gusto mong gamitin.

  • Mga Creative Commons license: Karaniwang libreng gamitin ang mga larawang ito, pero nangangailangan ng credit ang mga ito. Posible ring may mga limitasyon ang mga ito sa kung paano o sa anong konteksto mo puwedeng gamitin ang mga ito. Halimbawa, posibleng isaad ng lisensya ng isang larawan na hindi mo ito puwedeng baguhin o gamitin para sa mga komersyal na layunin.
  • Komersyal o iba pang lisensya: Hindi mula sa Creative Commons ang mga lisensya ng mga larawang ito at puwedeng mula ang mga ito sa mga site na available nang libre o mga komersyal na site na nangangailangan ng bayad.

Paano gumagana ang mga karapatan sa paggamit

Nakakatulong sa iyo ang mga karapatan sa paggamit na makahanap ng content na puwede mong gamitin sa labas ng patas na paggamit. Puwedeng gumamit ng mga lisensya ang mga may-ari ng site para ipaalam sa iyo kung puwede at kung paano mo magagamit ulit ang content mula sa mga site nila.

Mag-ulat ng mga maling karapatan sa paggamit

Para sa mga reklamo tungkol sa maling paggamit sa iyong copyright, suriin ang mga kinakailangan para sa notification sa paglabag sa copyright o maghain ng reklamo.

 

Nakatulong ba ito?

Paano namin mapapaganda ito?

Kailangan ng higit pang tulong?

Subukan ang mga susunod na hakbang na ito:

Search
I-clear ang paghahanap
Isara ang paghahanap
Pangunahing menu
5276591689679433651
true
Maghanap sa Help Center
true
true
true
true
true
100334
false
false