Ano ang nangyari sa iGoogle?

Itinigil na ang iGoogle noong Nobyembre 1, 2013. Itinigil na ang mobile na bersyon noong Hulyo 31, 2012.

Bakit itinigil ang iGoogle

Inilunsad namin ang iGoogle noong 2005, bago ganap na maisip ng sinuman ang mga paraan ng pagpe-personalize ng impormasyon ng mga app sa web at mobile ngayon. Dahil sa mga app na tumatakbo sa mga platform gaya ng Chrome at Android, hindi na masyadong kailangan ang iGoogle.

Ano ang mangyayari sa data na nakaimbak sa aking mga gadget?

Mga produkto ng Google, gaya ng Gmail at Drive

Available pa rin ang lahat ng iyong personal na impormasyon sa iba pang mga produkto ng Google. Kasama sa mga produktong iyon ang GmailGoogle CalendarGoogle FinanceGoogle DriveGoogle Bookmarks at Google Tasks

Mga gadget ng iGoogle

Karamihan sa mga gadget ng iGoogle ay ginawa at pinanatili ng mga developer sa labas ng Google. Kung gusto mong i-export ang iyong data, makipag-ugnayan nang direkta sa gumawa ng gadget.

Mga Alternatibo sa iGoogle

  • Computer: Mayroong ilang available na alternatibo sa desktop. Kung gumagamit ka ng Chrome, ang Chrome Web Store ay mayroong mga productivity tool at app na maaari mong i-download. Maaari mo ring i-personalize ang Chrome gamit ang isang tema.
  • Mobile: Ang Google Play ay mayroong iba't ibang uri ng app mula sa mga laro hanggang sa mga news reader hanggang sa mga widget sa home screen.
page author courtney

Eksperto sa Paghahanap si Courtney at may-akda ng page ng tulong na ito. Magbigay sa kanya ng feedback sa ibaba tungkol sa page.