Gamitin ang Handwrite para maghanap

Puwede mong isulat ang iyong mga termino para sa paghahanap gamit ang iyong daliri sa halip na i-type ang mga salita sa keyboard. Habang nagsusulat ka, nako-convert sa mga salita ang text na isinusulat mo sa box para sa paghahanap. 

Availability

Puwede mong gamitin ang Handwrite sa mga device na ito:

  • Mga teleponong may Android 2.3 at mas bago
  • Mga tablet na may Android 4.0 at mas bago

I-on o i-off ang Handwrite

  1. Mula sa iyong telepono o tablet, bisitahin ang page na Mga setting ng Search
  2. Pumunta sa seksyong Handwrite.
    • Para i-on ang Handwrite, i-tap ang I-enable
    • Para i-off ang Handwrite, i-tap ang I-disable.
  3. Sa ibaba ng page, i-tap ang I-save.

Tip: Para makita ang iyong mga pagbabago, i-refresh ang browser mo.

Paano maghanap gamit ang Handwrite

  1. Kapag naka-on ang Handwrite, bisitahin ang google.com sa iyong mobile device.
  2. Sa kanang bahagi sa ibaba, i-tap ang Handwrite.
  3. Gamitin ang daliri mo para isulat ang iyong mga termino para sa paghahanap saanman sa screen. 
    • Habang nagsusulat ka, nako-convert sa text ang text na isinusulat mo sa box para sa paghahanap.
  4. I-tap ang Hanapin Maghanap.
 

Mga tip at trick

  • Mag-delete ng mga titik: Sa ibaba ng page, i-tap ang I-delete I-clear.
  • Magsimula ulit: Sa box para sa paghahanap, i-tap ang I-clear I-clear.
  • Linawin ang mga character: Kapag nag-type ka ng isang character na puwedeng mapagkamalang ibang character, tulad ng zero (ang numero) at O (ang titik), posibleng may lumabas na listahan ng mga opsyon sa ibaba ng screen.
  • Gumamit ng mga hula: Para matulungan kang makatipid sa oras, posibleng may lumabas na listahan ng mga hulang termino para sa paghahanap sa box para sa paghahanap habang nagsusulat ka. Mag-tap ng hula para hanapin ang terminong iyon. Para mag-explore ng kaugnay na paghahanap, i-tap ang arrow.
  • Maglagay ng mga simbolo: Sumubok ng mga simbolo at special character tulad ng +, @, & at $.