Puwede kang gumamit ng mga simbolo o salita sa iyong paghahanap para gawing mas tumpak ang mga resulta ng paghahanap mo.
- Karaniwang binabalewala ng Google Search ang punctuation na hindi bahagi ng isang operator ng paghahanap.
- Huwag maglagay ng mga puwang sa pagitan ng simbolo o salita at sa iyong termino para sa paghahanap. Gagana ang paghahanap para sa
site:nytimes.com
, pero hindi angsite: nytimes.com
.
Pinuhin ang mga paghahanap ng larawan
Pangkalahatang Advanced na Paghahanap
- Pumunta sa Advanced na Paghahanap ng Larawan.
- Gumamit ng mga filter na tulad ng rehiyon o uri ng file para limitahan ang iyong mga resulta.
- Sa ibaba, i-click ang Advanced na Paghahanap.
Maghanap ng eksaktong laki ng larawan
Sa tabi mismo ng salitang hinahanap mo, idagdag ang text na imagesize:widthxheight
. Tiyaking idaragdag ang mga dimensyon sa mga pixel.
Halimbawa: imagesize:500x400
Mga karaniwang technique sa paghahanap
Maghanap sa social media
Maglagay ng @
sa unahan ng salita para maghanap sa social media. Halimbawa: @twitter
.
Maghanap para sa isang presyo
Maglagay ng $
sa unahan ng numero. Halimbawa: camera $400
.
Maghanap para sa mga hashtag
Maglagay ng #
sa unahan ng salita. Halimbawa: #throwbackthursday
Huwag magsama ng mga salita mula sa iyong paghahanap
Maglagay ng -
sa unahan ng salitang ayaw mong maisama. Halimbawa, jaguar speed -car
Maghanap para sa isang eksaktong tugma
Ilagay ang salita o parirala sa loob ng mga panipi. Halimbawa, "pinakamataas na gusali"
.
Maghanap sa loob ng isang hanay ng mga numero
Maglagay ng ..
sa pagitan ng dalawang numero. Halimbawa, camera $50..$100
.
Pagsamahin ang mga paghahanap
Maglagay ng "OR
" sa pagitan ng bawat query sa paghahanap. Halimbawa, marathon OR race
.
Maghanap para sa isang tiyak na site
Maglagay ng "site:
" sa unahan ng site o domain. Halimbawa, site:youtube.com
o site:.gov
.
Maghanap ng mga kaugnay na site
Maglagay ng "related:
" sa unahan ng address sa web na alam mo na. Halimbawa, related:time.com
.
Tingnan ang naka-cache na bersyon ng isang site ng Google
Maglagay ng "cache:
" sa unahan ng address ng site.
Mahalaga: Hindi lahat ng operator sa paghahanap ay nagbabalik ng mga kumpletong resulta.