May iba't ibang paraan para i-refine ang iyong mga paghahanap sa Google para maging mas tumpak o mapalawak sa mga bagong direksyon ang mga ito.
Advanced na paghahanap
Nag-aalok ang Google ng mga page na idinisenyo para tulungan kang magsagawa ng mga espesyalisadong paghahanap.
Para magsagawa ng advanced na paghahanap:
- Sa box na “Google Search,” ilagay ang iyong query.
- Sa ibaba ng box para sa paghahanap, i-click ang Mga Tool.
- O kaya, i-tap ang Mga Tool sa Paghahanap sa mobile.
- Sa ilalim ng "Mga Tool," i-click ang Advanced na Paghahanap.
Mga Filter
Pagkatapos mong magsagawa ng paghahanap, lalabas ang mga filter sa ibaba ng search bar. Nagbibigay-daan sa iyo ang mga filter na limitahan ang mga resulta sa isang partikular na uri, gaya ng:
- Mga Libro
- Mga Forum
- Mga Larawan
- Mga Mapa
- Balita
- Shopping
- Maiikling Video
- Mga Video
- Web
Mga Tip:
- Makakakuha sa filter na "Web" ng mga text-based na link na papunta sa mga website.
- Dynamic ang mga eksaktong filter at ang pagkakasunod-sunod ng paglabas ng mga ito. Batay ito sa kung ano sa palagay ng aming mga system ang pinakakapaki-pakinabang sa iyong query. Kung hindi mo nakikita ang isang partikular na filter na gusto mo, gamitin ang opsyong "Lahat" para tingnan ang iba pang available.
- Available din ang mga filter sa pamamagitan ng Advanced na Paghahanap.
Mga Operator
Para limitahan ang iyong mga resulta sa mga partikular na paraan, puwede kang gumamit ng mga espesyal na operator sa paghahanap mo. Huwag maglagay ng mga space sa pagitan ng operator at iyong termino para sa paghahanap. Gagana ang paghahanap para sa [site:nytimes.com], pero hindi ang [site: nytimes.com]. Narito ang ilang sikat na operator:
- Para maghanap ng eksaktong tugma ng isang salita o parirala: Maglagay ng salita o parirala sa loob ng mga panipi
“”.- Halimbawa, [
"pinakamataas na gusali"]
- Halimbawa, [
- Para maghanap ng mga resulta mula sa isang partikular na site: Ilagay ang
site:sa unahan ng isang site o domain.- Halimbawa, [
site:youtube.com mga video ng pusa]
- Halimbawa, [
- Para magbukod ng mga salita sa iyong paghahanap: Ilagay ang
-sa unahan ng salitang ayaw mong maisama.- Halimbawa, [
bilis ng jaguar -kotse]
- Halimbawa, [
- Para maghanap ng mga dokumentong huling na-update bago ang isang partikular na petsa: Ilagay ang
before:sa unahan ng isang taon o partikular na petsa.- Halimbawa, [
astronomy discovery before:2025/11/01] o [avengers endgame before:2019]
- Halimbawa, [
- Para maghanap ng mga dokumentong huling na-update pagkatapos ng isang partikular na petsa: Ilagay ang
after:sa unahan ng isang taon o partikular na petsa.- Halimbawa, [
astronomy discoveries after:2026/03/10] o [avengers endgame after:2020]
- Halimbawa, [
- Para maghanap ng mga dokumentong huling na-update sa loob ng isang partikular na saklaw na petsa: Pagsamahin ang mga operator na
before:atafter:.- Halimbawa, [
avengers endgame after:2019-03-01 before:2019-03-05]
- Halimbawa, [
- Para maghanap ng mga dokumentong may partikular na uri ng file: Ilagay ang
filetype:sa unahan ng uri ng file.- Halimbawa, [
photoelectric effect paper filetype:pdf]
- Halimbawa, [
Mga kaugnay na resulta
Pagkatapos mong mag-click ng resulta sa web at bumalik sa mga resulta ng paghahanap, puwede kang makakita ng higit pang kaugnay na resulta na idinagdag sa orihinal na binuo. Nauugnay ang mga idinagdag na resultang ito sa resulta sa web na na-click mo.
Mga kaugnay na paghahanap
Pagkatapos ng isang paghahanap, makakakita ka ng mga kaugnay na paghahanap sa orihinal mong hinanap. Awtomatikong binubuo ang mga kaugnay na paghahanap batay sa kung ano ang nauunawaan ng aming mga system tungkol sa kung paano naghahanap ang mga tao.
Mga Setting
Sa Google Search, puwede kang gumamit ng mga setting na magbibigay-daan sa iyong magtugma o mag-alis ng ilang partikular na uri ng content:
- Puwede kang mag-filter ng mga resulta sa Google Search sa iba't ibang wika gamit ang Filter ng mga resulta ayon sa wika.
- Puwede kang mag-filter ng explicit na content sa iyong mga resulta gamit ang SafeSearch.