Puwede mo na ngayong hilingin sa AI Mode sa Search na panatilihin kang updated sa eksaktong hinahanap mo, nang may maraming detalye at nuance hangga't gusto mo. Gagawa ang AI Mode ng plano para patuloy na subaybayan kung may mga bagong update para sa iyo. Halimbawa, puwede ka na ngayong mag-set up ng mga gawain para:
-
Subaybayan ang mga pag-restock at pagbaba ng presyo ng produkto: Makatanggap ng mga alerto kapag nagkaroon ulit ng stock ang isang item na nasa iyong size na naubos na mula sa anumang retailer, o kapag bumaba ang mga presyo. Makakakuha ka ng mga link para mag-checkout sa site ng merchant para makumpleto ang iyong pagbili. Halimbawa:
-
“Sabihin sa akin kapag may stock na ulit ng Ugg Tasman II slippers na chestnut at size 8 sa anumang store.”
-
-
I-follow ang mabibilis na paksa: Manatiling may alam tungkol sa mga opisyal na anunsyo, bagong pananaliksik o malaking breakthrough, o teknikal na ulat sa mga partikular na paksa. Halimbawa:
-
“Panatilihin akong updated sa malalaking breakthrough sa larangan ng renewable energy. Interesado ako sa kung ano'ng nangyayari sa mga bagong record ng kahusayan ng solar panel o next generation na battery storage.”
-
-
Tumuklas ng mga lokal na event at pangyayari: Madaling mahanap ang pinakabago sa mga pop-up, market, exhibition, o lokal na piyesta sa neighborhood na naka-curate sa iyong mga interes. Halimbawa:
-
“Sabihin sa akin kapag may mga inanunsyong bagong pop-up sa weekend para sa mga vintage flea market, stoop sale, o night market sa Austin.”
-
-
Subaybayan ang mga pag-release ng ticket at reservation: Makatanggap ng mga notification kapag naging available ang mga ticket sa performance o pass na may diskwento para sa mga event na interesado ka. Halimbawa:
-
“Panatilihin akong updated sa sandaling i-release ng mga show sa ballet o opera sa NYC ang kanilang mga ticket na may diskwento para sa mga wala pang 40 taong gulang.”
-
Available ang feature na ito sa mga user na 18 taong gulang pataas sa lahat ng bansa, teritoryo, at wika kung saan available ang AI Mode.
Mahalaga: Posibleng magkaroon ng mga pagkakamali sa mga sagot ng AI. Matuto tungkol sa generative AI at mga limitasyon nito.
Ang kailangan mo
-
Dapat ay naka-sign in ka sa personal na Google Account na ikaw mismo ang namamahala.
-
Tiyaking naka-on ang iyong setting ng history.
Magsimula
- Sa iyong computer, pumunta sa Google Search at i-tap ang AI Mode
.
- Puwede ka ring pumunta sa google.com/ai.
- Ilagay ang iyong tanong sa bar na Magtanong ng kahit ano. Halimbawa:
- “Panatilihin akong updated kapag may mga inanunsyong bagong pop-up sa weekend para sa mga vintage flea market, stoop sale, o night market.”
- “Panatilihin akong updated sa sandaling i-release ng mga show sa ballet o opera sa NYC ang kanilang mga ticket na may diskwento para sa mga wala pang 40 taong gulang.”
- Para matiyak na makukuha mo ang eksaktong hinahanap mo, posibleng magtanong ang AI Mode ng ilang mabilis na follow-up na tanong para linawin ang iyong request.
- Mahalaga: Kung may sapat na detalye ang iyong unang request, awtomatikong lalaktawan ang hakbang na ito.
- Gagawa ang AI Mode ng gawain mula sa iyong prompt. Puwede mo ring sabihin sa AI Mode na i-adjust o i-edit ang iyong mga tagubilin.
- Puwede mong sabihin sa AI Mode na i-adjust o i-edit ang iyong mga tagubilin. Ia-update ng AI Mode ang sagot batay sa iyong mga bagong preference.
- Makakatanggap ka ng notification sa Google app.
Tip: Posibleng lumabas ang notification kapag naka-lock ang iyong device depende sa mga setting mo. Puwede mong i-on o i-off ang mga notification para sa mga Google app sa mga setting ng notification ng app ng iyong device.
- Puwede mo ring i-delete ang gawain sa pamamagitan ng paghiling sa AI Mode:
- “Huwag na akong padalhan ng mga update na ito.”
- “I-delete ang gawaing ito.”
Tip: Para pamahalaan o i-delete ang mga gawain sa Search, pumunta sa iyong history ng thread sa AI Mode.