Kapag ginamit mo ang Google, tulad ng Maps, Search, o Google Assistant, ginagamit ang kasalukuyan mong lokasyon para bigyan ka ng mga mas kapaki-pakinabang na resulta. Halimbawa, kung maghahanap ka ng mga coffee shop, malamang na naghahanap ka ng mga coffee shop na malapit sa iyo. Nakakatulong ang lokasyon mo na magpakita sa iyo ng mga resultang nasa malapit, kahit na hindi ka naglagay ng lokasyon sa paghahanap mo.
Nagmumula ang iyong lokasyon sa iba't ibang source na magkakasamang ginagamit para tantyahin kung nasaan ka. Puwede mong i-update ang iyong mga setting ng lokasyon habang ginagamit mo ang mga serbisyo ng Google para makuha ang mga resulta ng paghahanap na gusto mo at makontrol ang iyong privacy sa paraang naaangkop sa iyo.
Kung gusto mong matuto pa tungkol sa kung paano gumagana ang lokasyon mo bago baguhin ang iyong mga setting, makikita mo sa ibaba ang impormasyon tungkol sa kung paano natutukoy ng Google ang lokasyon kapag naghanap ka.
I-update ang iyong lokasyon para makakuha ng mas mahuhusay na lokal na resulta
Kung may hinahanap ka sa malapit at hindi ka makahanap ng mga lokal na resulta ng paghahanap, subukan ang mga pag-aayos na ito:
- Idagdag ang iyong kasalukuyang lokasyon sa paghahanap mo, tulad ng
mga coffee shop sa Chelsea
. - Tiyaking nagpapadala ng lokasyon ang iyong device sa Google kapag naghahanap ka. Sundin ang mga hakbang sa ibaba para pamahalaan ang mga setting ng lokasyon ng iyong device.
Puwede mong tulungan ang Google na bigyan ka ng mas magagandang resulta mula sa iyong bahay o trabahao kapag itinakda mo ang:
Pamahalaan ang mga setting ng lokasyon ng iyong device
Puwedeng magpadala ng impormasyon ng lokasyon ang mga iPhone at iPad sa mga app at website kung naka-on ang Mga Serbisyo ng Lokasyon, at pinapayagan ito ng mga pahintulot sa iyong app at browser. Puwede mong kontrolin kung available ang lokasyon sa anumang app o website, kasama na ang google.com, sa pamamagitan ng pamamahala sa Mga Serbisyo ng Lokasyon sa Mga Setting.
Posibleng gumamit ang iyong iPhone o iPad ng eksakto o tinatayang lokasyon sa mga website o app. Kung hindi mo io-on ang mga pahintulot sa eksaktong lokasyon, magpapakita pa rin ng mga lokal na resulta ang Google, pero posibleng mas malayo ang mga ito sa kung nasaan ka.
Mahalaga: Bago mo pamahalaan ang mga pahintulot sa iyong app o browser, tingnan kung naka-on ang Mga Serbisyo ng Lokasyon para sa iPhone o iPad mo. Alamin kung paano i-on o i-off ang Mga Serbisyo ng Lokasyon sa iyong iPhone o iPad.
Pamahalaan ang mga pahintulot sa lokasyon
Para sa isang websiteKapag bumisita ka sa isang website sa pamamagitan ng isang web browser, tulad ng Chrome o Safari, puwede mong hiwalay na i-on o i-off ang mga pahintulot sa lokasyon para sa browser at para sa mga website na gumagana gamit ang lokasyon, tulad ng google.com.
Kung gusto mong magkaroon ng access sa iyong lokasyon ang isang website, tulad ng google.com, i-on ang pahintulot sa lokasyon para sa browser at sa website mo.
I-on o i-off ang pahintulot sa lokasyon para sa iyong browser
Puwede mong kontrolin kung makakagamit ng lokasyon ang iyong browser.
- Sa iyong iPhone o iPad, i-tap ang Mga Setting Privacy Mga Serbisyo ng Lokasyon.
- I-tap ang iyong browser app, tulad ng Safari Websites o Chrome.
- Pumili ng access sa lokasyon para sa browser app: While Using the App, Ask Next Time o Never.
I-on o i-off ang pahintulot sa lokasyon para sa isang website
Kung ipagpapalagay na makakagamit ng lokasyon ang iyong browser, kontrolin kung magpapadala ng lokasyon ang browser mo sa mga partikular na website, tulad ng google.com.
- Sa iyong iPhone o iPad, buksan ang Safari at pumunta sa google.com.
- Sa kaliwang bahagi sa itaas, sa address bar, i-tap ang Aa o Lock ng Mga Setting ng Website Mga Setting ng Website Lokasyon. Sa ilang iba pang browser, posibleng kailanganin mong suriin ang menu ng mga setting.
- I-tap ang Ask, Deny o Allow.
Mahalaga: Kung minsan, posibleng matagalan bago makuha ng browser mo ang iyong kasalukuyang lokasyon ng device. Para mabilis kang mabigyan ng mga resulta ng paghahanap, posibleng gamitin ng google.com ang lokasyon ng iyong device noong huling beses na ginamit mo ang Google. Sino-store ang lokasyong ito sa isang cookie na nakatakdang mag-expire pagkalipas ng 6 na oras. Matuto pa tungkol sa pamamahala ng cookies sa Safari o pamamahala ng cookies sa Chrome.
Kung naghahanap ka gamit ang isang app, tulad ng Google app o Google Maps, makokontrol mo kung gagamit ng lokasyon ang app gamit ang mga setting ng Mga Serbisyo ng Lokasyon ng iyong iPhone o iPad.
I-on ang lokasyon para sa app na ginagamit mo kung gusto mong makakuha ng mas mahuhusay na resulta ng paghahanap sa malapit.
- Sa iyong iPhone o iPad, i-tap ang Mga Setting Privacy Mga Serbisyo ng Lokasyon.
- I-tap ang app na ginamit mo para maghanap, tulad ng Google app o Google Maps .
- Pumili ng access sa lokasyon para sa app: Always, While Using the App, Ask Next Time, o Never.
Paano natutukoy ng Google ang iyong lokasyon kapag naghanap ka
Kapag ginamit mo ang Google, tulad ng Maps, Search, o Google Assistant, tinatantya ang kasalukuyan mong lokasyon gamit ang ilang source, depende sa availability ng mga ito.
Mahalaga: Makokontrol ang karamihan sa mga source ng lokasyon na ito gamit ang mga pahintulot ng iyong device, kagustuhan mo sa account, o iba pang setting. Matuto pa sa ibaba tungkol sa kung paano nakakaapekto ang iyong mga pinili sa privacy at lokasyon mo.
Mga source para sa pagtukoy sa lokasyon kapag naghanap ka
Kapag ginamit mo ang Google, puwede mong malaman kung paano tinantya ang iyong lokasyon sa ibaba ng page ng mga resulta.
Lokasyon ng iyong deviceMaraming device, tulad ng mga telepono, computer, relo, o nasusuot na device ang may kakayahang tukuyin ang eksaktong lokasyon ng mga ito. Nakakatulong ang ganitong uri ng eksaktong lokasyon sa mga app, tulad ng Google Maps, na makapagbigay ng mga direksyon o sa iyo na makakuha ng mga kapaki-pakinabang na resulta ng paghahanap sa malapit. Halimbawa, sa pamamagitan ng pag-on sa mga pahintulot sa lokasyon, karaniwang makakapagbigay ng mga mas kapaki-pakinabang na resulta ang ilang paghahanap na mas umaasa sa kung nasaan ka mismo, tulad ng coffee shop
, sakayan ng bus
o atm
.
Pagkatapos ng mga hakbang sa itaas, puwede mong pamahalaan ang iyong mga setting ng lokasyon na nakabatay sa device para piliin kung available ang lokasyon kapag naghahanap ka. Depende sa iyong device, kadalasang puwede mong i-on o i-off ang lokasyon para sa mga indibidwal na app at website at para sa mismong device mo.
Kung gumagamit ka ng isang Smart Home device, tulad ng Nest Audio o Nest Hub, puwede mong itakda ang lokasyon ng device sa Google Home app.
Kung ginamit ang lokasyon ng iyong device para matulungan kang makuha ang mga resulta ng paghahanap mo, makikita ang Mula sa iyong device sa impormasyon sa lokasyon sa ibaba ng page ng resulta ng paghahanap.
Mahalaga: Kung minsan, posibleng matagalan bago makuha ng browser mo ang iyong kasalukuyang lokasyon ng device. Para mabilis kang mabigyan ng mga resulta ng paghahanap, posibleng gamitin ng google.com ang lokasyon ng iyong device noong huling beses na ginamit mo ang Google. Sino-store ang lokasyong ito sa isang cookie na nakatakdang mag-expire pagkalipas ng 6 na oras. Matuto pa tungkol sa pamamahala ng cookies.
Kung itatakda mo ang address ng iyong tahanan o trabaho, posibleng gamitin ang mga ito para tantiyahin ang lokasyon mo kapag malamang na ikaw ay nasa isa sa mga lugar na ito.
Puwede mong i-edit ang address ng tahanan at trabaho sa iyong Google account.
Kung ginamit ang lokasyon ng iyong tahanan o trabaho para makatulong na makuha ang mga resulta ng paghahanap mo, makikita ang Batay sa iyong mga lugar (Tahanan) o (Trabaho) sa impormasyon ng lokasyon sa ibaba ng page ng mga resulta ng paghahanap.
Kung naka-sign in ka sa iyong Google Account at naka-on ang Aktibidad sa Web at App, posibleng ma-save sa Google Account mo ang iyong aktibidad sa mga site, app, at serbisyo ng Google. Posibleng kasama sa ilang item mula sa iyong aktibidad ang general area kung nasaan ka sa panahong iyon. Puwedeng ma-store sa iyong aktibidad ang eksaktong lokasyon kung may kasamang eksaktong lokasyon ang aktibidad mo.
Sa ilang sitwasyon, posibleng gamitin ang mga lugar na hinanap mo dati para magtantya ng nauugnay na lokasyon para sa iyong paghahanap. Halimbawa, kung maghahanap ka ng mga coffee shop sa Chelsea
at pagkatapos ay nail salon
, posibleng mga nail salon sa Chelsea ang ipakita ng Google.
Puwede mong tingnan at kontrolin ang iyong Aktibidad sa Web at App sa myactivity.google.com. Matuto kung paano tingnan at kontrolin ang aktibidad sa account mo.
Kung hindi ka naka-sign in sa iyong Google Account, posibleng i-store ng Google ang ilang impormasyon sa lokasyon para sa mga nakaraang paghahanap mula sa device na ginagamit mo para makatulong na magbigay ng mga mas may kaugnayang resulta at rekomendasyon. Kung io-off mo ang Pag-customize ng Search, hindi gagamitin ng Google ang mga nakaraang paghahanap para tantyahin ang iyong lokasyon. Matuto pa tungkol sa kung paano maghanap at mag-browse sa Incognito mode.
Kung ginamit ang iyong nakaraang aktibidad para matulungan kang makuha ang mga resulta ng paghahanap mo, nakalagay sa impormasyon sa lokasyon sa ibaba ng page ng mga resulta ng paghahanap ang "Batay sa iyong nakaraang aktibidad."
May itinalagang IP address, na tinatawag ding Internet address, ang iyong Internet Service Provider sa device mo. Kinakailangan ito para magamit ang internet. Ginagamit ang mga IP address para ikonekta ang iyong device sa mga website at serbisyong ginagamit mo.
Halos nakabatay sa heyograpiya ang IP address. Nanganguhulugan ito na posibleng kunin ng anumang website na ginagamit mo, kabilang ang google.com, ang ilang impormasyon tungkol sa iyong general area.
Kung ginamit ang iyong IP address para tantyahin ang kasalukuyan mong general area para sa iyong paghahanap, makikita ang Mula sa internet address mo sa impormasyon ng lokasyon sa ibaba ng page ng mga resulta ng paghahanap.
Mahalaga: Hindi gumagana ang Internet kung walang mga IP address. Kapag gumamit ka ng mga site, app, o serbisyo tulad ng Google, karaniwang natutukoy ng mga ito ang ilang impormasyon tungkol sa iyong lokasyon.
Mga kontrol sa lokasyon at iyong privacy
Kapag naghanap ka sa Google, palaging tatantyahin ng Google ang general area na hinahanap mo. Kapag tinantya ang general area kung nasaan ka, magagawa ng Google na bigyan ka ng mga nauugnay na resulta, at panatilihing ligtas ang iyong account sa pamamagitan ng pagtukoy sa kahina-hinalang aktibidad, tulad ng pag-sign in mula sa bagong lungsod.
Ang general area ay mas malawak kaysa sa 3 sq km, at may hindi bababa sa 1000 user para hindi ka matukoy sa general area kung saan ka naghahanap, na nakakatulong na protektahan ang iyong privacy. Nangangahulugan ito na karaniwang mas malawak ang general area kaysa sa 3 sq km sa labas ng mga lungsod. Nagmumula ang tinantyang general area sa mga source ng lokasyong inilalarawan sa artikulong ito.
Kung bibigyan mo ng mga pahintulot sa lokasyon ang google.com o mga Google app sa iyong device, kapag naghanap ka, gagamitin ng Google ang eksaktong lokasyon mo para ipakita sa iyo ang pinakamagagandang resulta ng paghahanap. Tinutukoy ng eksaktong lokasyon kung nasaan ka, gaya ng isang partikular na address.
Kung itatakda mo ang address ng iyong bahay o trabaho, at natantya ng Google na nasa bahay o trabaho ka, gagamitin ang eksaktong address para sa paghahanap mo.