Magdagdag ng larawan sa Google

Para magsama ng larawan sa mga resulta ng paghahanap sa Google, idagdag ang iyong larawan sa isang website kasama ng paglalarawan. Bagama't hindi ka puwedeng direktang mag-upload ng mga larawan sa mga resulta ng paghahanap, puwedeng lumabas sa aming mga resulta ng paghahanap ang mga nahahanap na larawang na-post sa isang website.

Idagdag ang iyong larawan sa web

  1. I-post ang iyong larawan sa isang website

    Kung gusto mong lumabas ang iyong litrato o larawan sa mga resulta ng paghahanap sa Google, kailangan mong i-post ang larawan sa isang website. Kung wala kang sariling website, narito ang ilang libreng serbisyo ng pag-host ng content na magagamit mo:

    • Idagdag ang mga larawan sa isang blog gamit ang Blogger
    • Gumawa ng sarili mong website gamit ang Google Sites
  2. Tiyaking pampubliko at nahahanap ang larawang ipo-post mo

    Sa pamamagitan ng pag-post ng larawan sa isang pampubliko at nahahanap na website, gagawin mong posible para sa Google na mahanap ang iyong larawan at maidagdag ito sa index ng Images. Kapag nag-upload ka ng larawan, tiyaking naa-access ng publiko ang page kung nasaan ang larawan. Halimbawa, kung na-post mo ang larawan sa Google+, tiyaking Pampubliko ang setting ng privacy.

    Para sa higit pang tip sa pag-post sa isang site na ii-index ng Google, magbasa tungkol sa pagdaragdag ng site sa Google.

Mga tip para makatulong na lumabas ang iyong larawan sa Search

Para makatulong na lumabas ang iyong larawan sa mga resulta ng paghahanap sa Google, sundin ang mga alituntunin sa pag-publish ng larawan na ito:

  • Magsama ng naglalarawang text. Magsama ng text malapit sa larawan, tulad ng tag na "alt" o caption. Nakakatulong ito sa Google na maunawaan kung ano ang ipinapakita ng larawan at kung saang mga paghahanap ito nauugnay.
  • Mag-upload ng mga larawan na mataas ang kalidad. Ang magandang content na larawan ay napakahusay na paraan para magkaroon ng trapiko sa iyong site.

Panghuli, maging mapagpasensya. Hindi agad lalabas sa mga resulta ng paghahanap ang mga larawang na-upload mo sa web. Kakailanganin mong maghintay hanggang sa ma-index ng Google ang iyong site bago magsimulang lumabas ang mga larawan mo sa mga resulta ng paghahanap.